Blog

  • Moi, PA pa rin ni Piolo kahit rumaraket sa pag-aartista

    HINDI lang sina Kimmy at Dora ang inaabangan sa pelikulang Kimmy Dora Kyemeng Prequel dahil inaabangan din ang personal assistant ni Piolo Pascual na si Moi Bien na instant star simula noong mapanood siya sa unang franchise ng pelikula sa pagpatay nito ng ipis.

    Madalas naming makita at makasalubong si Moi sa Morato area at sa ABS-CBN hallway na seryoso kaya hindi namin ini-expect na komedyana pala talaga siya off-camera.

    Nagkatawanan ang mga dumalo sa presscon ng Kimmy Dora Kyemeng Prequel nang tanungin si Moi kung ano ang sinasabi niya kay Piolo kapag may tapings o shootings siya na hindi niya kasama ang aktor.

    “Sabi ko po, ‘bye’” seryosong sagot ni Moi, sabay dugtong, “ano, sabi ko, magtatrabaho muna ako sa labas, mas mahal ang bayad dito (pelikula). Ano po, mayroon na akong tini-train na kasama na kapag wala ako, mayroon siyang makakasamang iba at mag-aalaga sa kanya.”

    Kuwento naman sa amin ni Erickson Raymundo na kumuha kay Moi sa Kimmy Dora movies ay, “bilib ako sa taong ‘yan, ang galing at ang sipag. Hindi lang nakatapos, pero matalino (streetsmart) kaya nga kapag lumalabas ako, gusto ko siyang kasama parati kasi ang talas (pakiramdam).”

    Kaya tinanong namin ang PA ni Piolo kung marami na siyang ipon, “wala pa po, hindi pa (mayaman).”

    At pagkatapos ng interbyuhan sa presscon ng Kimmy Dora Kyemeng Prequel ay nagmamadali na siyang umuwi dahil padating na raw si Piolo at walang mag-aasikaso.

    Reggee Bonoan

  • Charice, walang dahilan para magpakamatay!

    HINDI nakapagpigil na sumabog ang galit ng Pinay International Singer na si Charice sa kanyang bashers na nagkakalat na nag-suicide siya.

    Idinaan na lamang ni Charice ang galit sa tweets tulad ng, “Appalled is the word I’m looking for. It’s what I feel right at this moment.

    “Forget the bs (bullshit).

    “Exaggerated people. Liars perhaps,” at “Good morning Chasters! We should all be thankful and be contented of what we have. Thank you Lord, thanks for the wonderful life.”

    Hindi nga raw alam ni Charice kung saan nanggaling at kung sino ang nagpapakalat ng maling balita, dahil bakit nga naman daw siya magpapakamatay gayung masaya siya sa kanyang buhay, mapa-career man o lovelife.

    Ryu Morikawa, super fan ni Sam Concepcion

    CERTIFIED Sam Concepcion fan pala ang Japanese/Pinoy singer na si RYU Morikawa. Bukod kasi sa galing kumanta at sumayaw, magaling ding actor si Sam.

    Bilib din daw ito kay Sam dahil hindi lang ito sa bansa sikat maging sa sa Indonesia at sa ilang karatig Asya ay kilalang-kilala at pinagkakaguluhan ang batang aktor.

    Wish nga ni Ryu na maabot man lamang niya ang ¼ na kasikatang mayroon ngayon si Sam.

    Sa ngayon, nakatakdang mag-show si Ryu sa Dec. 7 sa Starmall Alabang; Dec. 08  sa Starmall Edsa; Dec. 14 sa Starmall, Bulacan; at sa Dec. 28 sa Starmall, Las Pinas.

    Makakasama ni Ryu sa mall tour ang Walang Tulugan all male group na 4G na kinabibilangan nina Merwyn Abel, Jasper Dela Cruz , Josh Izon, at Shaun Salvador at ang teen wward winning rapper na si DJ Joph  with Full Force Dancers at ang Walang Tulugan teen co-host  na si Kate Lapuz.

    Nakatakda ring itong mag-perform sa enefit show ng Dominican School sa Espana para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

    8th year ng Walk of Fame, matagumpay

    MATAGUMPAY ang katatapos na 8th year ng Walk of Fame Philippines na ginanap sa Eastwood, Libis sa pangunguna ni Kuya Germs Moreno at sa tulong at suporta na rin ng very generous na si Madam Alice Eduardo.

    Ayon kay Kuya Germs, apat na taon ng sumusuporta sa Walk of Fame Philippines si Madam Alice.

    Ilan sa naidagdag  sa Walk of Fame ngayong taon sina Megan Young, Bembol Roco, TJ Trinidad, Gladys Reyes, Joel Torre, Wing Duo, Manding Claro, Joel Cruz , Manny and Pie Calayan, Precious Lara Quigaman, Melanie Marquez, Stella Marquez de Araneta, Margie Moran-Florendo, Jamie Rivera, Toni Gonzaga, Armi Kusela, Anderson Cooper , Rob Schnieder, Vicky Morales atbp..

    Nagsilbing host sina Jackie lou Blanco, Sharmaine Santiago, at John Nite. Habang nagbigay naman ng awitin sina Pilita Corrales, Anthony Castelo na kasama si Cita Astal, Pilyo, Detour, Ken Chan, at UpGrade. Dumalo naman at nakisaya sina Shalala, Rene ng PEPS Salon at ilang miyembro ng Philippine Entertainment Press.

    John Fontanilla

  • Erich Gonzales at Julia Montes target para maging Dyesebel (Sino ang mas bagay na gumanap sa dalawa?)

    BURADO na ang pangalan ng ilang Kapamilya actress para gumanap sa isa sa mga classic hit novel ni late Mars Ravelo na “Dyesebel.” At sabi, dalawa sa natira sa list na pinagpipilian ngayon ng ABS-CBN sa tiyak na pre-sold nilang fantaserye ay sina Erich Gonzales at Julia Montes. Bagay na bagay raw si Erich dahil sa taglay na Filipina beauty at si Julia naman ay perfect para sa role dahil sa wholesome niyang images. Honestly, nahihirapan ngayon ang production team na hahawak ng proyekto dahil lahat naman ng nag-audition para sa role ay pawang mga deserving to portray the role of Dyesebel. So, kung sino man ang mapipili ng Kapamilya network ay siguradong perfect choice siya para maging bagong Dyesebel. Base sa aming narinig ilan sa mga na-out sa lists ay sina Kristine Hermosa, Bea Alonzo, Anne Curtis at KC Concepcion. Kung ako naman ang tatanungin ay si Julia ang choice ko dahil sa fresh niyang face. Kayo sino ang bet niyo gyud!

    MGA LOUNGE SINGER NA SINA MA. ELENA TAN AT JHOAN APARENTE, PAMBATO NG SIKAT NA HOTEL SA MABINI

    Kung before ay iilan lang ang mga nanonood sa set ng mga lounge singer na sina Maria Elena Tan at Jhoan

    Datu Aparente sa pag-aaring City Tower Hotel ng bossing friend namin na si sir Edgard Cabangon na located d’yan sa may Mabini St., Ermita Manila. Ngayon ay dinudumog na ng crowd ang dalawa at pinagkakagulohan na rin sila ng kanilang fans. Kasi naman sino ang hindi mag-e-enjoy kina Jhoan at Maria Elena gayong pareho silang magagaling na singer at hindi mananawa sa kanilang line-up of songs dahil paiba-iba sila ng repertoire. Hindi sila katulad ng ibang mga lounge singer na paulit-ulit lang ang mga kinakanta sa mga customer. Honestly mabigyan lang sila ng chance aba’y puwede rin silang maging recording star. Sana dumating ang time na mabigyan ng break ang mga pambatong singer ni sir Edgard lalo pa’t nasa kanila na ang lahat ng qualities para maging Diva. The singing teller pala ang bansag kay Jhoan dahil aside sa pagiging performer ay nagwo-work din siya sa kilalang bank sa Binondo. Dating waitress naman ng hotel ng mga Cabangon si Maria Elena at nang marinig ni sir Edgard na kumanta sa isang event ng kompanya nila, presto, ginawa siyang regular singer at ‘di naman nagkamali dahil mahusay nga. Mapapanood sila every Tuesday, Thursday and Saturday sa Citystate Tower Hotel.

    DSWD, BUBWELTA SA MGA PAMBABATIKOS SA YOLANDA RELIEF OPERATIONS SA “THE BOTTOMLINE WITH BOY ABUNDA”

    Babasagin na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary na si Dinky Soliman ang kanyang katahimikan sa “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado (Disyembre 7) matapos ulanin ng pambabatikos ang gobyerno kaugnay ng relief operations sa mga nasalantang lugar ng super bagyong Yolanda. Ano ang mga pagsubok na kinaharap ng DSWD upang makapag-abot ng tulong sa Yolanda survivors lalo na noong kasagsagan ng storm surge sa probinsya? Totoo bang sinubukang hikayatin ni Department of Interior Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas si Alfred Romualdez na isuko ang kanyang posisyon bilang mayor ng Tacloban City? Sa palagay ni Sec. Soliman, ano ang mga tamang desisyon na ginawa ng Aquino Administration at paano pa nila mapabubuti ang sitwasyon ng calamity survivors sa Visayas? Makialam sa mga usaping panlipunan at huwag palampasin ang 2013 CMMA Best Talk Show at PMPC Best Public Affairs Program na “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Banana Split.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndot- com sa Twitter.

    Peter Ledesma

  • Lumen ang simpatikong tisoy na aktor!

    Hahahahahahahahahahaha! Kabogerong tunay ang simpatiko pero hindi naman masasabing super gwapong tisoy na aktor. Considering his not so impressive endowments (not so impressive endowments raw talaga, o! Hahahahahahahahahahahahaha!) inggit talaga sa kanya ang lahat halos ng aktor sa Pinas dahil sa napakabonggang regalong natanggap niya coming from his fabulous macho gay benefactor. Imagine, isang unforgettable Christmas gift ang gibsona sa kanya na carry na niyang magpunta kahit saan by way of this. Hahahahahahahahaha! Laban ka? No wonder, close pa rin ang papable na aktor sa isang kontrobersyal na personalidad na malapit sa kanyang ‘mama.’ Hahahahahahahahah! The 64 dollar question that’s presently roiling in the minds of most people is how would his feisty girlfriend react if she finds out about his liaison with this super moneyed bisexual? Hahahahahahahahahahahahaha! But, love, so they say, conquers all. Tutal naman, my boy lollipop (my boy lollipop daw, o! Harharharharhar!) lang ‘yun and then afterwards, he’s all yours for the taking once again. Hahahahahahahahahaha! Pero siyempre, hurting pa rin ‘yun but definitely. Pero ‘yon na nga lang, lesser evil ‘yon compared sa mangbabae ang papa mo and then gibzong ng kanyang earnings at sa ‘yo’y pittance na lang. Pittance na lang daw, o! Harharharharharhar! But honestly, ang advantage lang naman ng lalaking ito ay ang kanyang educated tongue at good PR, along with the name that he’s been able to establish through the years. Imagine, ‘yung mga kaeksena niyang mga sikat dating aktor sa network na kanyang pinagtatrabahuan ay tigoksi nang lahat pero siya’y lalo pa yatang umangat ang career at naging impressive ang dating.

    Hahahahahahahahahahaha! Iba ang wais, ‘di ba naman, Lumen? Harharharharharhaharhar!

    SAM PINTO’S MYSTIQUE

    A lot of people are really wondering what makes Sam Pinto tick as a product endorser. Oo nga hindi naman siya ‘yung tipong sandamakmak ang nakukuhang endorsements but in the end, she tends to get more remuneration as compared to other actors. ‘Yung iba kasi, annual halos kung palitan sa kanilang endorsements. But Ms. Claire dela Fuente’s protegee’s product endorsements tend to stay a lot longer. ‘Yun na nga lang shampoo commercial niya ay nananatiling siya ang pinakapaborito with her intelligent looking face that’s pretty comely as well. Malaking tulong din siguro kay Sam ang kanyang kakaibang freshness. Kakaibang freshness raw, o! Hahahahahahahahaha! Oo nga’t marami rin magaganda riyan pero bibihira ang katulad ni Sam na iniibig talaga ng camera. Doon na lang sa recent shampoo commercial niya ay talaga namang paulit-ulit talagang ipinakikita in a day’s time sa lahat ng network halos. Ang maganda pa, addition at hindi subtraction ang nangyayari sa kanya. Ikawoothly iya anaso na Sam Pinto! Tunay namang ika’y naiiba. Kasama pa rin pala sa longest running gag show every Friday eve na Bubble Gang si Sam kaya naman ito’y kanyang pinahahalagahan. Dapat lang!

    HEAVEN ANG FEELING!

    Unbelieving kami when Peter and I went to the new building of TV5 in Pasig a day or two ago in connection with our guesting for Ms. Gelli de Belen’s program Face The People that she’s co-hosting with Tintin Bersola who’s out of the country at the moment and was being pinch-hitted by Marvin Agustin. It was a bit strange seeing the same people milling around who were still quite familiar with us. Anyway, nakapagtataka talagang na-invite kaming mag-guest sa Face the People gayong bailiwick na ‘yun these days ni Bubonika, the rat-faced chaka. Bailiwick na raw ni Bubonika, o! Hahahahahahahahahaha! Going back to Bubonika, the titanic chaka (the titanic chaka raw talaga, o! Harharharhar!) nagwelga talaga ang mga commercials magmula nang siya ang mag-take over hanggang ultimately ay matigbak na sa ere. Ang nakatatawa, even the show Police Chorva that she’s still a part of ay naghihingalo na rin and in the throes of death. Hahahahahahahahahaha! Anyhow, the personality that afternoon who was in a dilemma was Francine Prieto who was torn between her flagging showbiz career and the prospect of advancement in a foreign shore. Looking back, nahambal si amigang Peter nang biglang mag-iba ang aming personalidad at medyo naging catty kami towards him. Hahahahahahahahahahaha! But knowing how good he is, nasakyan din niya ang gusto naming mangyari and the whole thing went on smoothly. Do watch for it on December 13, that falls of a Friday. Hahahahahahahaha! What a good date if I may say so! Riot talaga ang episode for apart from Ms. Gelli’s prodigious hosting skills and Marvin’s charisma- tic presence, mapanonood n’yo kaming dalawa ni Peter Ledesma in out bublly and fiestiest best! Promise! Panoorin din si Ms. Francine in her emotional and teary-eyed recollection of her love-hate relationship with her long departed mom, along with her pitiful predicament at the moment. Sa bandang ending ng episode, may sorpresa ang TV 5 sa beleaguered sexy actress. ‘Yan ang dapat n’yong malaman.

    Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here. And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

    Pete Ampoloquio, Jr.

  • Unfair labor practices sa Resorts worst ‘este’ World lalong lumalala may medical malpractitioner pa!?

    00 Bulabugin JSY

    AKALA natin ‘e ilang nasa management level lang ang salbahe sa empleyado ng Resorts Worst ‘este’ World Casino, pati pala doctor d’yan ‘e may dugong berdugo raw!?

    Pumipilantik lang ang daliri at tumataas ang kilay pero daig pa sigurosi Hitler sa kalupitan.

    Isang empleyado nila ang nagkaroon ng mga sintomas ng allergy sa mukha kaya hindi nakapasok nang halos tatlong araw.

    Nagpa-check-up ang empleyado sa Manila Doctors Hospital dahil isa iyon sa mga accredited ng kompanya.

    Binigyan siya ng medical certificate dahil tatlong araw nga siyang absent. Bukod d’yan inilagay din ng doctor na habang ginagamot niya ang naapektohan ng allergy, e huwag muna siyang magpa-assign sa smoking area.

    Pero noong mag-report siya, isang araw ng Lunes, ganito ang tirada ng doctor … “Mag-resign ka na lang para huwag bumalik ang allergic sa mukha mo.”

    ‘E ‘di nagulat ‘yung empleyado. At sa pagkagulat niya ay naiyak siya dahil TAHASANG pambabastos ang ginawa ng doctor sa kanyang pasyente.

    Ganoon ba ang tamang asal ng isang doctor? Napaka-unethical niya. Hindi ba’t malinaw na paglabag sa HIPPOCRATIC OATH ang asal na ‘yan Dr. GIOVANNI BALCRUZ?

    Matagal na rin inirereklamo ang napakahinang exhaust fan d’yan sa Resorts World Casino. Ni wala rin air ionizer ang RW casino!

    Sabi nga ng mga player kapag pumasok kang napakabango sa Casino, paglabas mo ay UMAALINGASAW NA BEHA ka na.

    Kaya hindi na nakapagtataka na karamihan ng mga empleyado at player d’yan sa Resorts World Casino ay nagkakasakit.

    ‘E kung palpak na nga ‘yung place of work at palpak pa ‘yung doctor, ‘e  ano na ngang mangyayari sa mga empleyado ng Resorts World?!

    Ayon pa sa isang empleyado, minsang sumakit ang kanyang tiyan at nagpunta siya sa clinic, ang inireseta raw sa kanya ng doctor na masungit ‘e Vitamin C.

    SONABAGAN!!!

    Sandamakmak na ang UNFAIR LABOR PRACTICES (ULP) ng management tapos ‘yung doctor MALPRACTITIONER pa!

    Paging Department of Labor and Employment! Paging Department of Health!

     

    [divider]

    [highlight] Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com[/highlight]

    [divider]

  • BIR dapat habulin si Luding Jueteng

    00 Bulabugin JSY
    IBANG kalase talaga magpayaman ang JUETENG.

    Mula sa pagiging PASTOL ng BAKA sa isang baryo sa Quezon ay isa nang MULTI-MILYONARYO ngayon ang jueteng operator na si LUDING BOONGALING.

    Nakatira na sa isang mansion sa Guadalupe, Makati City, maraming lupain, bahay, buildings at negosyo pati teng-we sa Candelaria, Quezon habang namamayagpag at lumalawak pa ang kanyang JUETENG sa La trinidad at sa BAGUIO CITY.

    Ang pinakahuling balita, mabilis na rin gumagapang ang kanyang jueteng sa LA UNION.

    Malayo na ang ‘swerteng’ inabot ni LUDING dahil sa kanyang JUETENG.

    Isang “no-read no-write” na  dating taga-PASTOL NG BAKA ngayon ay isang multi-milyonaryo na?!

    Aba, BIR Commissioner KIM HENARES, mukhang mahina talaga ang INTELLIGENCE ninyo.

    Maraming mga ‘MULTI-MILYONARYONG’ ilegalista/gambling lord ang nakaliligtas sa pagbabayad ng buwis kasi nga mukhang TUTULOG-TULOG ang BIR intelligence.

    Magtrabaho kayo!

    Kung hindi kayang papanagutin ng mga PULIS ang jueteng operator na gaya ni LUDING … dapat trabahuin na ng BIR ‘yan!

     

    [divider]

    [highlight] Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com[/highlight]

    [divider]

  • MIAA employees walang Christmas Party, pero may pambili ng Milyong X’mas decor

    00 Bulabugin JSY

    Mukhang sunod-sunod ang shopping spree ng MIAA ngayong magpa-Pasko.

    Nitong nakaraang weekend ay gumastos daw ng tinatayang P4M ang pamunuan ng NAIA dahil sa pagpapasok ng ‘spirit of Christmas’ sa apat na passenger terminals.

    Sabi ng taga-operation ay tumataginting na apat na milyon ang ginastos para sa mga palamuting nakikita ngayon sa NAIA.  Hindi lang sigurado kung sa NAIA T1 lang ang nabanggit na halagang ginastos at puwera pa ang sa ibang international passenger terminals.

    Tanong nga ng nakararaming MIAA personnel, bakit patuloy ang pagpapalabas ng pondo ng airport authorities?

    Bakit ang budget nila para sa pangkalahatang Christmas party was donated to Yolanda victims in Tacloban ngunit ang malaking gastos sa Christmas décor ay itinuloy?”

    Hindi hamak na mas malaki naman ang ginastos sa Christmas décor kompara sa Christmas party nila.

    Oo nga naman. Me katwirang maghinagpis at magsikip ang dibdib ng MIAA employees.

    Very Unfair nga naman …

     

    [divider]

    [highlight] Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com[/highlight]

    [divider]

  • Ano ang awtoridad ng Soriano brothers sa Divisoria vendors? (Attention: yorme Erap)

    00 Bulabugin JSY

    ORAS na siguro para kastigohin ni Manila Yorme ERAP ang ilang tao na nakikialam sa palakad sa mga Vendors lalo sa Divisoria.

    Para sa iyong kaalaman Mr. Erap, may ilang tao na inihahanap ka ng mga taong magagalit at minumura ka diyan sa Divisoria.

    Inirereklamo ng mga agrabyadong naghihikahos na vendors ang umano’y mag-utol na SIRANO ‘este SORIANO na imbes ayusin ang sistema ng pagtitinda sa Divisoria ‘e pagpapahirap ang ginagawa sa kanila.

    Base sa sumbong sa Bulabugin ng mga pobreng vendors sa lugar, si alias SPO-2-10 SORIANO umano ay may isang samahan (USVDAI) na ginagamit para gipitin ang mga vendor.

    Ito rin daw si TATA SORIANO ang nagsasabing ise-CENTRALIZE ang koleksyon sa  mga vendors para sa HAWKERS, DPS, City Hall, MPD HQ, PS-2 at PS-11.

    Eto naman isang alias FERDER SORIANO, ang humahawak ng TANGGA at TARA ng mga vendor na nasa kalye RECTO paikot sa SOLER.

    Ipinagyayabang pa raw na naghahatag sila ng P15k kada linggo para sa “assistance at clearing” ng MPD PS-11 na pinamumunuan ni Kernel Dorobo ‘este’ Doromal!?

    By the way, Yorme Erap, isang utol ng SORIANO Brothers na si alyas JOJIE ay nahuli ng lente ng BITAG ni Ben Tulfo sa kanyang pananakot at pangongotong sa Divisoria vendors kamakailan lang.

    ALAM rin kaya ni ERAP, na mayroong sariling PAY PARKING ng mga KARITON ng vendors si Tata JIMMY sa ilang sanga-sangang kalye sa gilid ng Recto?!

    Gusto lang natin ITANONG kay Erap, ito bang Soriano brothers ay may basbas o permiso n’ya na magmando ng mga vendor sa Divisoria?

    Aba’y kung wala Mr. Mayor, dapat mong kalusin agad ang mga taong ‘yan na lalong sumisira sa ‘yo!

    [divider]

    [highlight]Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com[/highlight]

    [divider]

  • Staff ng solon tinutugis ng NBI (Sa mga pekeng SARO sa DBM)

    120613_FRONT

    KUMILOS na ang National Bureau of Investigation (NBI) para hanapin ang staff ni Rep. Lilia Nuño na nagtago makaraang masangkot sa fake Special Allotment Release Order (SARO) scam.

    Ayon sa NBI, sinimulan nila ang paggawa ng aksyon matapos iutos ni House Speaker Feliciano Belmonte na tuntunin si Emmanuel Raza, staff ni Nuño.

    Si Raza ang natutukoy na pinagmulan ng pekeng SARO at siya ang may contact sa DBM na tinukoy lamang sa alyas na “Supremo.”

    Ipinangako naman ng NBI na hindi sila titigil sa paghahanap hangga’t hindi nalalaman ang kinaroroonan ni Raza.

    Napag-alaman na kailangan malaman ang partisipasyon ni Raza sa scam kaya dapat na mahanap agad siya.

    Duda si Belmonte kung bakit hanggang ngayon ay hindi sumisipot ang nasabing staff sa NBI gayong kamakalawa pa siya dapat magbigay ng pahayag sa kanyang panig.

    Una nang nag-file ng kanyang leave of absence si Raza sa tanggapan ni Nuño matapos uminit ang pagkakasangkot ng pangalan niya sa isyu.

    PIRMA SA SARO SA 15 LAGUNA TOWN PEKE — NBI

    KINOMPIRMA ng National Bureau of Investigation (NBI) na peke ang proyekto at lagda na makikita sa pekeng special allotment release order (SARO) na naglalaan ng P900 milyon para sa water treatment system project sa 15 bayan sa Laguna.

    Ito ang lumalabas sa initial findings ng NBI na isinumite kay Justice Secretary Leila de Lima kaugnay sa pagsisiyasat sa P900 million halaga ng pekeng SARO na pinaimbestigahan ng Office of the President.

    Napag-alaman na ang sinasabing pirma ni Undersecretary Mario Relampagos ay lumalabas na peke rin.

    Batay rin sa report ng Finance and Administrative Services ng Office of the President, ang tanggapan ng pangulo ay walang water treatment project.

    Nabatid na ang project code na nakasaad sa pekeng SARO ay hindi para sa PDAF project kundi para sa proyekto ng Commission on Higher Education.

    Wala rin anilang empleyado ang DBM na nagngangalang Edna Sumadlayon-Sagun, Erwin Esteban at Marlyn Santule, kahit na kawaning may apelyidong Sagun at Esteban.

    Ang tatlong nabanggit na indibidwal na nagpakilalang empleyado ng DBM ang nagpresinta ng pekeng SARO na nakalaan para sa pagbili ng mga water purification machine.

    Ang P900 milyon halaga ng pekeng SARO ay hiwalay pa sa naunang kaso ng 12 pekeng mga SARO na nagkakahalaga ng P879 milyon na inilapit ni Budget Secretary Florencio Abad sa NBI para imbestigahan.

    STAFF SA KAMARA ISINALANG SA BACKGROUND CHECK

    ISINAILALIM ni Zamboanga Rep. Lilia Nuño sa background check ang lahat ng kanyang staff matapos madawit ang isa sa kanila sa fake special allotment release order (SARO) scam.

    Ayon kay Nuño, bahagi ito ng kanyang pag-iingat matapos siyang magulantang sa partisipasyon ng kanyang political assistant na si Emmanuel Raza.

    Si Raza ang nagpaabot ng kopya ng SARO sa tanggapan ni Cagayan Rep. Baby Aline Vargas-Alfonso sa pamamagitan naman ng staff ng appropriations committee na si Jose Badong.

    Aminado si Nuño na marami sa kanyang mga staff ay hindi niya kilala nang personal dahil minana lamang niya ang ilan mula sa mga dating kongresista.

    Hindi aniya niya inakala na isa ay sangkot sa pinaniniwalaang iregularidad at ayaw na niyang maulit ito mula sa hanay ng kanyang mga empleyado.

    nina L. BASILIO/B. JULIAN

     

  • Ano na ang nangyari sa peace and order? Tuloy-tuloy ang patayan sa Pasay City (ATTN: NCRPO chief Gen. Marcelo Garbo)

    00 Bulabugin JSY

    SABI nga ni Pasay City mayor Antonino Calixto, ang kanilang siyudad ang larawan ng Philippines my Philippines.

    Kumbaga, paglabas ng mga turista sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang lungsod ng Pasay ang kanilang matutunghayan, kaya nga nandiyan ngayon ang tinaguriang biggest mall in Asia ang SM MOA, nariyan ang Resorts World Manila, ang Marriott Hotel, ang Maxim Hotel at iba pang establisymento na pinupuntahan ng mga turista.

    Kung tutuusin, malaki ang kinikitang buwis ng Pasay City sa mga establisyementong ‘yan.

    Pero ano itong nangyayari ngayon sa Pasay City?

    Sa loob lamang ng wala pang 24 oras ay TATLO agad ang pinatay na kinabibilangan pa ng isang PULIS?!

    Kunsabagay, bago pa man italaga d’yan sa P/Supt. Mitchel Filart ‘e ang dami nang unsolved cases ng iba’t ibang uri ng patayan at holdapan.

    Inasahan nga ng mga residente na kaya pinalitan si Supt. Rodolfo Llorca ni Kernel Filart ay upang maresolba ang katakot-takot na patayan at ilegal na droga d’yan sa Pasay City.

    Pero mukhang, sumasakit ang ulo ngayon ni Kernel Filart dahil mas madalas na may nangyayaring krimen kaysa nareresolba ang mga dating krimen na iniwan ng dating chief of police.

    O baka naman may pangangailangan na ipadala muna sa pagsasanay at karagdagang kaalaman ang mga opisyal ng pulisya sa Pasay para ma-tutunan nilang resolbahin ang kabi-kabilang krimen na nangyayari d’yan araw-araw?!

    O talagang pinipili ng mga ‘kriminal’ na d’yan gumawa ng krimen sa Pasay City dahil alam nilang hindi mareresolba ng mga awtoridad at malaya silang nakapupuslit anytime, anywhere.

    Tsk tsk tsk …

    Ano kayang hinihintay ng pulisya sa Pasay City? Mayroong itumbang mataas na opisyal d’yan sa area of responsibility (AOR) nila?! O isang malaking negosyante? O isang politiko? O isang Kamaganak Inc.? O isang bagman o kontratista ng city hall? O isang foreigner bago sila kumilos para tiyakin ang seguridad ng Pasay City?!

    Wala bang aksyon na gagawin si Konsehal Richard Advincula na committee chairman ng peace & order!?

    Mayor Antonino Casino ‘este mali’ Calixto Sir, marami nang ninerbiyos na residente  d’yan sa lungsod na pinamamahalaan mo.

    Hindi kasi nila alam kung makauuwi pa sila nang buhay paglabas ng bahay nila.

    Ako, bilang isang private citizen at mamamahayag, ay nangangamba rin sa aking kaligtasan d’yan sa Pasay City lalo na kapag mayroon hearing sa asuntong libel na isinampa mo laban sa amin.

    Gaano ako kasigurado na ligtas  ako sa pagpunta at paglabas d’yan sa lungsod ng Pasay?!

    Paging NCRPO chief, GEN. GARBO Sir, wala ba talagang maisip na paraan ang pulisya d’yan sa Pasay City para matuldukan na ang kabi-kabilang patayan d’yan?!

    Uulitin ko lang po, ang Pasay City ang unang lungsod na nakikita ng mga dayuhan kapag nagpupunta sa ating bansa …

    ‘Yun lang po.

    [divider]

    NASAAN NA ANG MANILA BAY SUNSET VIEW SA ROXAS BLVD!?

    AYON sa isang kaibigan natin, dati raw, aliw na aliw siyang magdaan sa Roxas Blvd., dahil natatanaw niya ang Manila Bay sunset view.

    Pero nitong mga nagdaang araw, nagulat siya nang nakita niyang napuno na rin ng TENT ang ROXAS BOULEVARD (baywalk) dahil ginawang TIANGGEHAN ng mga ‘BATA’ ni ERAP.

    Mula sa Divisoria, hanggang sa Bonifacio Shrine at ngayon hanggang sa Roxas Blvd., ay pinuno na ng ‘TENT’ na ginawang tindahan, inuman, kainan at kung ano-ano pang negosyo na ang mga pasimuno ay nagpapakilalang mga bright boys ni Erap.

    Aba e baka maging tent city na ang Maynila n’yan!?

    Hindi ba’t ang dami na ngang nagrereklamo sa ‘kabastusang’ ginawa ng TIANGGE GROUP na ‘yan sa BONIFACIO SHRINE?!

    Ngayon naman ay ‘yung ROXAS BLVD., ang binababoy.

    Nagtayo ng mga instant ‘comfort room’ na alam naman nating walang septic tank kaya t’yak na mamamantot at mamamanghi ang Roxas Blvd.

    Binastos na si BONIFACIO, binastos pa si Roxas.

    Nilinis na ni Mayor Fred Lim ‘yang Roxas Blvd. noon, ‘di ba, ngayon naisipan na namang ibalik ng mga walang maisip kundi pagkakaperahan.

    Mukhang ‘yan lang ang nasa isip ng mga bata ni Erap, kung paano magkakapera habang nakaupo ang PATRON nila.

    Kung ganyan nang ganyan kayo, anong ‘LEGACY’ ang iiwanan ng amo ninyo?

    Tsk tsk tsk …

    [divider]

    BULABUGIN IPINAKE-CASING NG ISANG MASAMA ‘este’ MASA OFFICIAL?

    ISANG nagmamalasakit na INFO ang natanggap ng inyong lingkod.

    Ipinake-CASING na raw tayo ng isang opisyal d’yan sa Manila City Hall na mayroong MASA-mang intensiyon sa inyong lingkod.

    Isang grupo raw ng mga ‘BISAYANG WARAY’ ang itinalaga ng MASA-MANG opisyal na ‘yan para i-CASING tayo.

    Isang alias DODONG BISAYA raw ang naatasan na magmatyag dito sa National Press Club para i-monitor ang galaw ko.

    Sonabagan!!!

    Mukhang MAJOR PROBLEM ang trato sa atin ng MASA-MANG opisyal na ‘yan kaya ipinake-casing pa tayo.

    Hindi ka ba napagkakatulog Mister MASA-MANG OPISYAL?!

    Ay sus!

    [divider]

    [highlight]Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com[/highlight]

    [divider]

  • Malalaking isda daw naman!

    NAKABIBILIB na nga ba ang Department of Justice (DOJ)? Nagpakitang-gilas kasi ang ahensya. Ipinakikita ni DOJ Sec. Leila De Lima na wala kinikilingan ang gobyernong Aquino o ang batas. Patunay dito ay ang pagkakadawit kay Customs Commissioner Ruffy Biazon kaugnay sa kontrobersiyal na pork barrel scam.

    Pero bilang paglilinaw, wala po kinalaman ang pagiging komisyoner ni Biazon sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya sa Ombudsman at sa halip ay may kinalaman sa kanyangh prok barrel noong siya pa ay isang mambabatas.

    Pero ano pa man, sa kabila ng ipinakita ng DOJ, kinukuwestiyon pa rin ang kakayahan ng ahensya. Hinahamon pa rin ng ilang militante ang DOJ. ‘Ika ng grupong Bukluran ng Manggagawa ay desmayado sila sa masasabing bitin na hakbangin ng DOJ.

    Sa pagkakatong ito, bigyan-pansin natin ang ipinadalang statement ng BMJ bilang reaksyon sa pinakahuling accomplishment ng DOJ. Narito at basahin natin mga suki:

    DESMAYADO ang lider-manggagawa na si Gie Relova ng militanteng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) sa ikalawang batch ng mga kinasuhan ng National Bureau of Investigation at Department of Justice (DOJ) sa tanggapan ng Ombudsman. Tinawag niya itong, “piling-pili at malayo sa inaasahan ng mamamayan.” Ang mga isinampang kaso ay may kinalaman sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam, tatlong buwan matapos isampa ang naunang batch na kinabibilangan ng mga oposisyong mambabatas gaya ni Bong Revilla, Juan Ponce-Enrile at Jinggoy Estrada.

    “Nakatutuwang ipinagmalaki ni Sec. Leila De Lima na patunay daw ang pagsasampa nila ng kaso laban kay Customs Commissioner Ruffy Biazon na walang kinikilingan ang DOJ, administrasyon o oposisyon. Kung totoo, bakit si Biazon lamang ang nasampahan sa dami ng sangkot sa administrasyon sa PDAF scam, nasaan ang malalaking isda? Ito’y dahil ba sa pinuna na siya ng Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo? Marami sa mga kaalyado ni Aquino ang nabisto sa Commission of Audit (COA) report para sa mga taon 2007 hanggang 2009, bakit sila hindi naisama,” tanong ni Relova.

    “Hindi maaaring palagpasin ng manggagawa ang amnesia ni De Lima. Alam naman ng lahat na hindi makukumbinsi ang galit na taumbayan na patas ang gobyerno dahil lamang sa iisang alyado ng Pangulo ang sinampahan ng kaso. Ipaalala natin kay De Lima na noon pang huling linggo ng Agosto ay binanggit na ng COA na kabilang sina Senador Ralph Recto, Gringo Honasan, Lito Lapid at dating Senator Edgardo Angara sa ilan sa mga mambabatas na nagbigay ng kanilang alokasyong PDAF sa mga NGO, bahagi ng COA 2007 hanggang 2009 report at ayon sa COA, ito’y labag sa batas,” sabi ni Relova.

    Ang tinutukoy ni Relova ay noong humarap si COA Chairperson Grace Pulido-Tan’s sa Senate Blue Ribbon Committee noong Agosto 28 na sinabi niyang labag sa Government Procurement Act ang ginawa ng mga mambabatas. Maaari lamang daw maging legal kung may batas ang Kongreso o ordinansa na nagpapahintulot nito.

    Sina Senador Recto at Angara ay mga kilalang mga kaalyado ng Pangulong Aquino habang si Senador Honasan ay nanalo sa Eleksyon 2013 sa ilalim ng United Nationalist Alliance ni Bise-Presidente Jejomar Binay. Si Senador Lapid naman ay miyembro ng Lakas-CMD.

    Iginiit ng lider ng BMP na dapat kabilang din sa ikalawang batch sina Manila Rep. Amado Bagatsing (LP), Bulacan Rep. Ma Victoria-Sy Alvarado (Lakas-CMD), dating Malabon/Navotas Rep. Federico Sandoval II (LP), dating Isabela Rep. Anthony Miranda (PMP) at dating Quezon City Rep. Matias Defensor (Lakas-CMD), ilan sa mga mambabatas na naglagak ng kanilang PDAF sa mga NGO na kontrolado ng kanilang mga kamag-anak.

    Hiling din ng grupo na i-freeze na rin dapat ng gobyerno ang bank accounts ng mga mambabatas para mabawi pa ang ninakaw sa kaban ng bayan.

    Sinabi ni Relova na, “Naging mas produktibo pa sana ang DOJ dahil ilang buwan na nilang hawak ang COA report at lahat ng mga opisyal na dokumento. Parehong nakapanlulumo ang kapalpakan ng DOJ at ang pork barrel scam. Bilang pinakatapat na nagbabayad ng buwis, higit pa riyan ang karapat-dapat sa amin.”

    Iyan po ang komento ng BMP hinggil sa pinakahuling pagpapakitang-gilas ng DOJ at NBI.

    Kayo mga kababayan, anong masasabi ninyo?

    ***

    Para sa inyong reklamo, komento at suhestiyon, magtext lang sa 09194212599.

    Almar Danguilan

  • Bagong batayan ang kailangan para sa bayan (Ikalawang bahagi)

    ANG pyudalismo rin ang dahilan kung bakit napakababaw

    ng balon na pinagkukunan natin ng

    mga lider. Nasa isang sitwasyon tayo na wala

    talaga tayong mapagpipilian sa mga kandidato.

    Halos lahat ay pul-politiko kahit sila ay mula sa

    nakaupong Liberal Party (LP) o United Opposition

    (UNO). Pare-parehong walang kwenta at

    tanging pangalan na lamang ang ipinag-iba-iba

    nila. Sila ay peste na iba-iba ang antas ng takaw

    sa yaman at kapangyarihan.

    Ultimong ang mga grupong sa dulong kaliwa

    ng ispektrum ay nababaog sa ganitong kalagayan.

    Sila ay nakulong sa panahon. Gusto nila na

    magkaroon ng pagbabago pero hindi nila magawang

    kumilos para rito dahil sa pagsamba

    nila sa kaisipang Marxismo, Leninnismo at kaisipang

    Maozedong (MLMTT). Ang kanilang pagsusuri

    sa pambansang kalagayan at linyang

    politikal na dala-dala ay angkop noong 1960 at

    1970 pero hindi na ngayon. Dahil dito, ang kanilang

    mga panukalang solusyon ay maaaring

    higit na mas masahol pa sa kabulukan ng ating

    lipunan ngayon.

    Itong umano ay sulong na organisasyon, lalo

    na ‘yung nasa ilalim ng Communist Party of the

    Philippines, katulad ng mga Amerikano, ay walang

    pakundangan sa ating kultura at lipi. Ang

    ibig rin nila para sa atin ay isang dayuhang siste.

    Niyakap nila nang walang pagsasaalang-alang

    sa ating kultura at takbo ng pag-iisip ang MLMTT.

    Ang kabiguan nila na maipagtagumpay ang kanilang

    adhikain sa kabila ng mahigit na apat na

    dekadang pakikibaka ay sobra-sobrang patunay

    na may mali sa dala-dala nilang linyang politikal.

    Ang dayuhang siste, katulad ng wika, ay

    nakaugat sa partikular na kalagayan ng isang bayan. May sarili itong lohika na bunga ng karanasan

    ng mga taong nakapaloob dito. Mali ang

    pag-asa ng pamahalaan na maayos ang suliraning

    panlipunan sa pagyakap sa ideolohiyang

    Seguridad ng Pambansang Estado (NSS) samantala

    hindi magkakatotoo ang tagumpay ng

    kilusang komunista hangga’t bulag nilang sinasamba

    ang MLMTT.

    Ang ating Kasaysayan ay hitik sa halimbawa

    ng kabiguan ng mga ideolohiyang NSS at

    MLMTT na tumugon sa pangangailangan ng bayan.

    Parehong kailangan baguhan ng pamahalaan

    at kilusang komunista ang kanilang salalayang

    prinsipyo para manatiling mahalaga o may

    silbi sa kasalukuyang panahon, ito ang dahilan

    kaya kailangan natin ng mga bagong balangkas

    pang ekonomiya at politika.

    Ang mga kasulatan nina Andres Bonifacio,

    Marcelo H. Del Pilar at Dr. Jose P. Rizal ay maaaring

    gamitin bilang panimula sa pagtatayo ng mga

    balangkas na ito. Ang lilikhain modelo mula sa

    kanilang iniwang aral ay likas na makatao, maka-

    Diyos at maka-Pilipino. Mula rito ay makaaasa

    tao ng isang bansa at pamahalaan na tunay na

    mapagkalinga at hindi impersonal tulad ng NSS o

    materyalista tulad ng ideolohiyang dala-dala ng

    kilusang komunista.

    * * *

    Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong

    hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort,

    Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada,

    Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito

    sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang

    banal na bundok Makiling.

    Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa

    [email protected] para sa karagdagang

    impormasyon.

    Nelson Forte Flores

  • Biazon smuggled into second batch by DoJ?

    AMININ man o hindi

    ni Secretary Cesar

    Purisima, may kinalaman

    siya sa

    biglang bibitiw nang

    kanyang katunggali

    na si Commissioner

    Ruffy Biazon.

    Sa pananaw ng

    mga reporter na

    kumokober sa waterfront,

    binitiwan na sa wakas si Biazon ng

    Malacañang, ni Pinoy sa madaling sabi.

    Mahirap din kalabanin si Purisima na isang

    economist at pinuno ng ‘think tank’ ni Pinoy at

    bukod dito may international stature si Purisima

    na official loan hunter sa abroad.

    Biazon has won the battles, but Purisima

    won the war. “Kaya ko si Biazon.” At ang nakatatawa

    rito hindi suntok na nagmula sa customs

    kung hindi doon mismo sa D0J, sa corner

    ni Secretary de Lima. Isinabit si Biazon sa isang

    pork scam daw na umano nangyari noong 2007

    something. Isipin na lang na peanuts lang ang

    sinabitan niya, P1.9 million ‘kickback.’ Masyadong

    penny kung totoo man ito.

    Kaya nga hinalang-hinala si Biazon na ang

    kanyang pangalan was smuggled into the second

    batch of politicians, former and current, sa

    pork barrel scam na isinasangkot si Janet Napoles

    bilang mastermind. Pero, as expected pinabulaanan

    ito ni De Lima.

    How his name was smuggled into the second

    batch of alleged pork barrel scammers is

    what Biazon has to uncover. S’yempre the finger

    of suspicion is on Purisima na may hidwaan

    kay Biazon. Isa sa mga reklamo noon ilang buwan

    kay Pinoy, si Purisima ay nagsumbong na

    binabalewala ni Biazon ang kanyang kautusan.

    Kaya naman wholesale ang ginawang pagsibak

    sa matataas na opisyales ng Bureau.

    Ang nangyari sa marami sa mga dinala sa D0F

    sa utos na Purisima ay mga performer, competent

    and hardworking. Nai-sacrifice sila para patunayan

    ni Purisima na he is thje big boss of Biazon. Kahit

    pa malapit na kaibigan ni Pinoy si Ruffy.

    Sa totoo lang sa tenor ng acceptance ni

    Pinoy doon sa resignation latter, halos hindi na

    pinuri si Biazon kung sino man ang nag-draft

    nito (resignation letter).

    Pinoy let go of Biazon na walang leverage

    dapat siyang hindi bayaang sumibat. Bagsak ang

    kanyang collection, zero conviction ng smuggling

    accused, zero din sa mga personnel na

    sabit sa corruption. Kaya lang impressive si Biazon

    sa kanyang mga media interview, full of

    rhetorics.

    Ukol naman sa kinikimkim niyang sama ng

    loob dahil sa pagdawit sa kanya sa pork barrel

    scam, ganyan talaga sa gobyerno.Hindi issue

    ang iyong good governance kung hindi gaano

    ka kalakas magsipsip sa bossing sa palasyo.

    Ituring mo na lang na isang masamang panaginip

    ang iyong paglisan sa Bureau. Tingnan

    natin kung ano ang magiging performance ng

    iyong successor. Palagay natin panahon na para

    maglagay ng isang competent, isang lawyer na

    may background sa customs operations, administration

    at hindi iyong takot humarap sa kanyang

    mga collector at ibang front liners.

    Dapat hindi lang malakas sa president kahit

    square peg in a round hole ito. Huwag ituring ng

    Malacañang na political reward ang customs.

    Palabigasan sa tuwing sasapit ang election.

    Arnold Atadero

  • Militarisasyon sa Customs?

    KAHIT ano pang tanggi ang gawin ng Malacañang na walang ‘militarisasyon’ sa pagkakatalaga ng ilang retiradong heneral sa maseselang posisyon sa kawanihan, hindi ito lubos na paniniwalaan ng taumbayan.

    Puwedeng patulan ang ideya ng pagtatalaga sa mga retiradong militar at police general sa mga posisyong may kinalaman sa intelligence, law enforcement o seguridad. Bahagi ito ng kanilang propesyon at saklaw ng kanilang trabaho. Ito ang kanilang pinag-aralan at dito sila sinanay. Pero bilang district o port collectors? Paano sila naging kuwalipikado sa nasabing posisyon? Ano ang alam nila sa tax collection? Maliban na lang kung may military taxation sa customs law, pero teka, ibang kuwento na ‘yun.

    At sa irrevocable resignation na inihain ni BoC Commissioner Ruffy Biazon noong Lunes, isa rin kayang retiradong opisyal ng militar ang mamumuno sa kawanihan? O isang sibilyan na pang-militar ang kaestriktohan at disiplina sa trabaho—gaya ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares?

    Sinabi ng mga spy ko sa BoC na mas marami pang dating opisyal ng militar ang papasok sa bureau para pamunuan ang ilang division office. Kapag nagkataon, nakikinita ko na ang iba’t ibang kulay ng military uniform (green, blue o puti) na isusuot sa kawanihan. Puwede na rin palitan ng Malacañang ang pangalan ng Bureau of Customs, at gawin itong Bureau of Costumes.

    ***

    Noong Oktubre, itinalaga si retired General Jesse Dellosa, dating Armed Forces Chief of Staff, bilang Customs Deputy Commissioner for Intelligence.

    Noong unang bahagi ng Nobyembre, itinalaga si Ariel Nepomuceno bilang Deputy Commissioner for Enforcement Group ngunit napaulat na inilabas lang ng Palasyo ang kanyang appointment papers may dalawang linggo na ang nakararaan. Bagamat hindi niya natapos ang pag-aaral sa militar at nagpalit ng kurso sa University of the Philippines bago kumuha ng abogasya, kinikilala pa rin siya ng kanyang classmates bilang miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1987.

    Noong nakaraang linggo, walong heneral, tatlo sa kanila ay kaklase ni Dellosa (PMA Class of 1979), ang ini-appoint ni Secretary Cesar Purisima ng Department of Finance, na may hurisdiksiyon sa BoC.

    Gaya ng nasabi ko, ang appointment ng mga retiradong militar o pulis, gaya nina Dellosa, Nepomuceno, Alejandro Estomo (sa Customs Intelligence and Investigation Service), at Willie Tolentino (sa Enforcement Security Service), ay madaling i-justify na may kinalaman sa kasalukuyan nilang posisyon dahil saklaw ng law enforcement at seguridad.

    Pero ang appointment nina Esteban Castro (Clark International Airport), Elmir de la Cruz (Manila International Container Port), Mario Mendoza (Port of Manila), Roberto Almadin (Port of Cebu), Arnulfo Marcos (Port of Subic), at Ernesto Benitez (Port of Batangas), e, tunay namang nakatataas ng kilay.

    Dahil ang appointments ay mula kay Secretary Purisima, may permiso kaya ito ni Pangulong Aquino? Ayokong isipin na meron nga.

    Gusto ko’ng maniwala na ang pagtanggi ng Malacañang sa ‘militarisasyon’ ng BoC ay isang paraan lang ng damage control ng Presidential Communications Operations Office.

    ***

    Hindi ito makatwiran para sa mga naghirap sa kolehiyo at masusing nagplano ng kani-kanilang career sa pagpapaka-eksperto sa mga pasikot-sikot ng taxation at revenue collection upang mapalitan lang ng mga retiradong opisyal ng militar na posibleng ituring ang BoC na isang war zone na nangangailangan ng araw-araw na counter-insurgency operations.

    Para bang ang pagiging A’er ay isang garantiya sa anumang magandang trabaho o posisyon mula sa napakaraming propesyon at kayang daigin ang sinumang propesyonal na may baccalaureate o master’s degree mula sa isang civilian educational institution.

    Pinag-iisipan ko na tuloy na kombinsihin ang anak ko’ng lalaki na mag-shift ng kurso—kalimutan na niya ang dentistry at mag-aral na lang ng military science sa PMA.

    Kung may military background, may tsansang isang araw ay maging komisyoner o administrator siya ng isang ahensiya ng gobyerno, o maging ambassador, Cabinet secretary, congressman, senador o malay natin, baka maging Presidente pa!

    ***

    SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

    Robert B. Roque, Jr.

  • Good feng shui colors para sa Christmas season

    SA lengguwahe ng feng shui, ang kai-langang gawin sa malamig na panahon ay maglagay sa inyong paligid ng enerhiya at kulay ng feng shui element ng Fire. Ito ang dahilan kung bakit mara-ming kandila, sinisindihan ang fireplace kung mayroon, at naglalagay ng Christmas lights, habang ang dekorasyon naman ay kadalasang nilalagyan ng ma-tingkad na pula gayundin ang karamihan sa palamuti sa Christmas tree ay pula rin.

    Bagama’t ang paggamit ng Fire element colors, katulad ng red, purple at strong magenta ay highly advisable upang mapainit ang enerhiya sa tahanan sa malamig na panahon, huwag kalimutan ang kaugnay sa main feng shui principle of balance.

    Kung mayroong unba-lanced/too strong Fire feng shui element sa Christmas season – na nangyayari sa karamihang bahay na nag-uumapaw ang red color – maaa-ring makabuo ng enerhiya na nagsusulong ng “burn-out” gayundin ng emotional outburst. Ang low energy na nararamdaman ng mga tao makaraan ang Chrismas holidays ay kadalasang nabubuo bunsod ng hindi balanseng fire element sa kanilang bahay.

    Tandaan ang pagbalanse ng strong feng shui Fire element sa Christmas season sa pamamagitan ng cooler color scheme, katulad ng soothing light blue (feng shui Water element color), cool silver or gray at calm white (feng shui Metal element colors).

    Sa feng shui, ang Water and Metal ele-ment colors ay maaaring makabuo ng fresh, calming sense sa inyong tahanan na magpapabalanse sa strong Fire element ng season. Gamitin ang feng shui para maka-tulong sa pagbubuo ng sense of balance sa inyong tahanan. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang stress at kawalan ng enerhiya na nararamdaman ng karamihan sa mga tao sa tuwing Christmas season at sa pagsisimula ng Bagong Taon.

    Lady Choi

  • Pinay tiklo sa P10-M liquid Cocaine sa NAIA

    120513_FRONT
    120513 liquid cocaineINIHARAP ni Bureau of Customs (BoC) police OIC Willy Tolentino sa airport media ang dalawang kilo ng liquid cocaine (12mm) na nasabat sa dumating na overseas Filipino worker (OFW) na kinilalang si Mary Joy Soriano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa Dubai sakay ng Qatar QR-962 kahapon ng umaga. (JERRY YAP)

    [divider]
    ISANG overseas Filipino worker (OFW) mula Qatar ang pinigil pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang masabat sa kanyang bagahe ang tinatayang P10-milyon halaga ng liquid cocaine na inilagay sa basyo ng shampoo kahapon ng umaga.

    Ayon kay Airport Customs chief Mario Alameda, aabot sa dalawang litro ng cocaine na nakasilid sa plastik na botelya ng shampoo ang narekober mula kay Mary Joy Soriano, 25-anyos, tubong Quirino Province.

    Sa unang pagkakataon, nakasabat ng liquid cocaine ang pinagsanib na operatiba ng PDEA at Customs na kapag nahanginan ay agad mamumuo at nagiging pulbos.

    Posibleng umabot umano sa dalawang kilo ang epektos kapag na-proseso at aabot sa P10 milyon ang market value.

    Nanggaling na rin sa Dubai, at iba pang drug hotspots tulad ng Hong Kong, Macau, Thailand at Brazil ang Pinay bago magtungo sa Doha, Qatar.

    Nagpakilalang  domestic helper ang nahuling Pinay na nagdepensang hindi kanya ang bagaheng kinakitaan ng droga.Minamanmanan umano ng US Drugs Enforcement Agency ang Pinay.

    Sasampahan ng kasong smuggling of illegal drugs si Soriano sa DoJ bago isuko sa PDEA para sampahan ng panibagong kaso.

    ni Gloria Galuno

  • Bigtime power rate hike idinepensa ng Palasyo

    AGAD idinepensa ng Malacañang ang nakaambang bigtime power rate hike sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon.

    Nauna rito, maraming konsumer ang umaaalma dahil kung kailan magpa-Pasko saka naman nagtaasan ang presyo ng mga bayarin.

    Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang P1 bawat kilowatt na ipapataw ng Meralco ay risonable at naaayon sa batas.

    Ayon kay Coloma, malinaw namang nakasaad sa petisyon na pansamantala lamang ang power hike sa loob ng Nobyembre 11 hanggang Disyembre 11 habang inaayos ang Malampaya power plant na pinagkukunan ng gas energy para sa power generation.

    Iginiit pa ni Coloma, walang magagawa rito ang gobyerno dahil sa umiiral na deregulasyon at nakabatay na ito sa dikta ng merkado o market-driven.

    Hindi aniya gagamitin ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang moral suasion at hindi kakausapin ang energy players para ipagpaliban ang power rate hike.

    (ROSE NOVENARIO)

    LPG, OIL PRICE HIKE JUSTIFIED — SEC. PETILLA

    INIHAYAG ng pamunuan ng Department of Energy (DoE) na “justified” ang malakihang pagtaas ng presyo ng LPG ng ilang kompanya ng langis.

    Ayon kay Energy Sec. Jericho Petilla, tugma sa kanilang computation ang LPG price hike ngunit may ilang kompanya na sumubra ngunit walang sanctions na maipapataw rito ang gobyerno dahil sa Oil Deregulation Law.

    Hanggang paghiling lamang o pagpapaliwanag ang kanilang magagawa sa oil firms.

    Inamin din niya na mayroon silang sariling computations ngunit hindi maaaring ilabas.

    Aniya, kung isapubliko nila ang kanilang computations ay baka pa lalong magtaas ng presyo ang oil companies.

    Magugunitang tumaas ng hanggang sa P14.30 bawat kilogram ang presyo ng LPG kaya umabot na sa P900 ang presyo ng isang 11-kilogram tangke ng LPG.

    Ayon sa kalihim, kung tutuusin, hindi ito ang pinamakamataas na presyo ng LPG.

    Ang pinakamahal aniya na presyo ng LPG ay noong Marso, 2012 sa halos  umabot sa P1,000 ngunit bumaba rin ito.

  • Enrile utak ng plunder, womanizer, kriminal (Resbak ni Miriam)

    DUMALO sa sesyon ng Senado kahapon si Senadora Miriam Defensor-Santiago upang ipahayag ang kanyang privilege speech laban kay Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

    Sa harap ng kapwa mga senador, inakusahan ni Santiago si Enrile bilang

    “mastermind of plunder,” “best friend forever” ni pork scam queen Janet Lim-Napoles, at “womanizer.”

    Inakusahan din ng senadora si Enrile bilang “global gambling lord,” “icon of shameless lying,” “king of smuggling empire,” at “kriminal.”

    Bukod dito, hinamon din ni Santiago si Enrile na sumalang sa debate sa pork barrel scam.

    Iginiit pa ni Santiago na imbes sagutin ni Enrile ang mga akusasyon laban sa kanya ay puro lamang kasinungalingan ang mga pinagsasabi ng dating Senate president, at puro lamang paninira sa kanya na wala namang basehan.

    Hiniling din ni Santiago sa Department of Justice na magsagawa ng imbestigasyon laban kay Enrile ukol sa “ambush me” at pagkakasangkot sa illegal logging na ikinamatay ng ilang inosenteng mamayan.

    Binigyang-linaw pa ni Santiago nasa ilalim ng Senate Rules ay maaaring masuspinde si Enrile ng 60 araw dahil sa kanyang paninira o pagsasalita ng masama laban sa kanyang kapwa senador.

    Tinukoy pa ni Santiago na kung inaakala ni Enrile na makaliligtas siya sa kaso dahil sa kanyang edad ay nagkakamali siya dahil tanging ang pagkakulong lamang ang kanyang maliligtasan.

    Idinagdag pa ni Santiago, sakaling mapatunayan na si Enrile ay nagkasala, maaaring bawiin ng pamahalaan ang kanyang mga ari-arian na mapapatunayang galing sa katiwalian at anomalya.

    Hindi rin natakot si Santiago na harapang duruin, panlakihan ng mata at sigawan ni Enrile habang inihahayag ang kanyang priviledge speech.

    Samantala, habang nagsasagawa ng speech si Santiago ay tumatawa lamang si Enrile at busy sa paglalaro ng kanyang paboritong “Bejeweled” sa kanyang tablet.

    Matapos ang speech ni Santiago ay hindi nagpaunlak pa ang senadora ng ano mang interpelation o mga tanong sa kanyang kapwa senador dahil ano mang oras aniya siya ay aatakehin na siya ng kanyang sakit na Chronic Fatigue Syndrome.

    At habang papalabas si Santiago ng session hall ay inaalalayan siya ng isa sa kanyang staff na animo’y kanyang tungkod.

    Pahabol na pahayag ni Santiago, normal lamang na maging reaksyon ni Enrile ang tumawa at maglaro dahil ito lamang ang kanyang tanging magagawa

    sa kanyang edad at wala aniyang maisasagot ang dating Senate president sa kanyang binitawang mga pahayag.

    Samantala, binigyang-diin ni Miriam na pampapogi lamang ang pagkakatalaga ni ni dating senador Panfilo “Ping” Lacson bilang rehab czar, para sa kanyang presidential bid sa 2016.

    (NIÑO ACLAN/

    CYNTHIA MARTIN)

  • 3 Kano, Indian nat’l, tiklo sa health card fraud

    Arestado ang tatlong Kano, Indian national at 69 Pinoy, matapos salakayin ng  PNP Anti-Cyber Crime Group ang kanilang kompanya dahil sa health card fraud sa Mandaluyong City.

    Nakompiska sa pag-iingat ng mga suspek ang mga  computer servers, telephones, computers, routers, laptops, VOIP jones, printer, LCD monitors at bulto-bultong dokumento.

    Ang pagsalakay sa Pantheon Concepts HLK Company, nasa Worldwide Corporate Center, Shaw Boulevard, ay sa bisa ng search warrant na inilabas ni Hon. Judge Lyliha Bella-Aquino ng Manila Regional Trial Court Branch 24.

    Kinilala ang tatlong Kano na sina Herber Kimble, Sergio Cevile, at  Wasil Ahmed, habang ang Indian  ay si  Sham Negi.

    Ayon sa pulisya, dating empleyado ng kompanya na nagsampa ng kasong illegal dismissal sa National Labor Commission (NLRC) ang nagsumbong sa kanilang tanggapan kaugnay sa ilegal na operasyon ng nasabing kompanya.

    Matapos  makompirma ang sumbong, kaagad  nag-aaply ng SW ang pulisya na agad  ikina-aresto ng mga suspek.

    Ang modus operandi ng mga suspek ay nagpapanggap na mayroon silang basbas mula sa US government para  mag- operate at magbenta ng mga health cards.

    Kamakailan, nagbabala ang US Inspector General, Department of Health and Human Services sa  Washington, DC, sa ginagawang panloloko gamit ang mga health cards sa sakit na diabetes.

    (MIKKO BAYLON)

  • DoF Usec Sunny Sevilla, Customs OIC

    ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon si Finance Undersecretary John “Sunny” Sevilla bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Bureau of Customs matapos magbitiw nitong Lunes si Commissioner Ruffy Biazon.

    Pansamantalang lilisanin ni Sevilla ang posisyon bilang Department of Finance (DoF) Undersecretary for the Corporate Affairs Group and Privartization na kanyang hinawakan mula pa noong 2010.

    Unang nagsilbi sa gobyerno si Sevilla sa administrasyong Arroyo bilang Undersecretary for Privatization mula 2006 hanggang 2007.

    Nauna rito, naging executive director siya sa investment bank na Goldman Sachs, at associate director at sovereign rater para sa credit rating agency Standard and Poors.

    Nagsilbi rin siya bilang Chief Operating Officer ng Synergeia foundation, isang non-profit organization na may adbokasyang ayusin ang public education sa Filipinas.

    (ROSE NOVENARIO)

    DENR SEC. PAJE ‘DI PINALUSOT NG CA

    HINDI na naman lumusot sa makapangyarihang Commission on Appointment (CA) si Environment Secretary Ramon Paje.

    Kahapon ng umaga sumalang si Paje sa Committee on Environment ng CA para sa kompirmasyon ng kanyang pagiging kalihim.

    Ngunit ang inaasam-asam na kompirmasyon ay hindi naigawad kay Paje.

    Bunga ito ng oposisyon ni dating DENR secretary at ngayon ay Zamboanga del Sur Gov. Antonio Cerilles.

    Ayon kay Cerilles, sa pamamagitan ng isang Special Ore Extraction Permit (SOEP) na inisyu ng DENR, napahintulutan ang operasyon ng isang mining company na hindi kwalipikado.

    Ngunit depensa ni Paje, sa kanyang panunungkulan ay wala siyang natatandaan na naglabas sya ng SOEP at kailanman ay hindi siya maglalabas nito.

    P32.8-M kontrabando nasabat ng Customs sa MICP

    Nasabat ng Intelligence Group ng Bureau of Customs (BoC) ang limang container vans ng kontrabando na may kabuuang halagang P32.8 milyon na tinangkang ipuslit sa Manila International Container Port (MICP).

    Kabilang dito ang dalawang containers ng cellular phones mula China, nagkakahalaga ng P3 milyon, idineklarang wearing apparel ng consignee na Megabytes Marine Resources.

    Nasabat din ang dalawang containers ng sibuyas mula China na may halagang P2.8 milyon, naka-consign sa Nolman Commercial at idineklarang ice candy.

    Hindi rin  nakalusot ang mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P25 milyon mula Hongkong at idineklarang household wares at mga damit mula South Korea, nagkakahalaga ng P2 milyon na naka-consign sa Era Pottery.

    Magkatuwang na ininpeksyon nina resigned Commissioner Ruffy Biazon at Deputy Comm. for Intelligence Jesse Dellosa ang mga kontrabando.

    (LEONARD BASILIO)

  • Iranian nat’l nasalisihan ng 2 chinese sa eroplano

    NADALE ng ‘salisi ang isang Iranian national habang lulan ng eroplano patungo sa Manila mula sa Shanghai kamakalawa ng hapon.

    Narekober ng Immigration officials sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 ang nawalang wallet ng Iranian na naglalaman ng 11, 000 RMB (Yuan) o katumbas ng  mahigit P60, 000 mula sa dalawang Chinese national sa kanilang pagdating sa airport.

    Inihayag ni Immigration officer Ma. Luisa Canlas kay Immigration supervisor Maida Rebong, isang paherong Iranian na kinilalang si Hamed Bolarjon, may misis na Filipina, at chef sa five star hotel sa Makati, ang nagreklamo na siya ay ninakawan habang lulan ng Philippine Airlines PR 339 mula sa Shanghai patungo sa Manila.

    Inihayag naman ng tatlong Nigerian na pinigil ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng Bureau of Immigration sa pagpasok sa bansa dahil sa kawalan ng dokumento, na nakita nila ang dalawang Chinese habang nagbibilang ng pera.

    Bunsod nito, humingi ng tulong ang Immigration officer sa pulisya para sa imbestigasyon.

    Hinarang nina SPO3 Roberto Figueras, SPO2 Percy Evangelista at PO3 Regidor Fajardo ang dalawang Chinese at nakompiska mula sa kanila ang 11 thousand RMB gayundin ang wallet.

    Ngunit hindi inaresto ng mga pulis ang dalawang Chinese dahil ang mga dayuhan ay transit passengers lamang na may connecting flight patungo sa Indonesia.

  • Dawit sa fake SARO sinibak sa House Committee

    INALIS na ni House Speaker Feliciano Belmonte sa House appropriations committee ang empleyado ng Kamara na sangkot sa kontrobersya ng pekeng Special Allotment Release Order (SARO).

    Sinabi ni Belmonte na una nang inilipat si Jose Badong sa Office of the Secretary General ng Kamara habang isinasagawa ng NBI ang imbestigasyon sa fake SARO.

    Ayon sa House leader, si Badong lamang ang kanilang inilipat dahil ang ibang congressional staff na nababanggit sa kontrobersya ay pawang staff na ng mga kongresista.

    Si Badong ang napakiusapan ng staff ni Zamboanga City Rep. Lilia Nuño na si Emmanuel Raza na mag-abot ng SARO sa tanggapan ni Cagayan Rep. Baby Aline Vargas-Alfonso, partikular sa chief of staff nito.

    Bagama’t binibigyang laya ni Belmonte ang NBI na magsiyasat, naniniwala siyang inosente rito ang dalawang mambabatas.

  • Paul Walker pararangalan sa Kamara

    ISINUSULONG sa Kamara

    ang paggawad ng parangal at

    pasasalamat sa namayapang

    Holywood star na si Paul

    Walker.

    Batay sa House Resolution

    577 na inihain ni Negros

    Occidental Rep. Albee Benitez,

    nararapat parangalan

    ang tulad ni Walker na nagpakita

    ng pagnanais na

    makatulong sa nasalantang

    mamamayan sa Filipinas

    hanggang sa huling sandali

    ng kanyang buhay.

    Magugunitang nag-organisa

    ng charity event si

    Walker para mangalap ng

    laruan at cash donations para

    sa mga batang biktima ng

    bagyo at nagpadala rin sa

    bansa ng 12 disaster responders

    sa pamamagitan ng kanyang

    foundation

    Ayon sa tagapagsalita ng

    Reach Out Worldwide foundation

    ni Walker, mayroong

    “special love” ang aktor para

    sa Filipinas.

    Si Walker ay namatay nitong

    Linggo sa car accident

    sa charity event para sa Yolanda

    victims.

    Bago ang insidente, sa

    pamamagitan ng video ay

    nanawagan din si Walker ng

    tulong para sa mga biktima

    ng kalamidad, kasama ang

    kanyang co-actors sa pelikulang

    “Fast and the Furious.”

  • Yolanda death toll pumalo sa 5,719

    UMAKYAT pa sa 5,719 nitong

    Miyerkoles ang bilang ng mga

    namatay kay bagyong Yolanda,

    ayon sa National Disaster Risk

    Reduction and Management

    Council.

    Sa update kahapon dakong

    6 a.m., sinabi ng NDRRMC na

    26,233 ang nasugatan samantalang

    1,779 ang nawawala.

    Nasa 873,434 naman ang

    bilang ng mga pamilyang

    nawalan ng tahanan o 4,022,868

    katao.

    Nasa 2,380,019 naman ang

    bilang ng pamilyang apektado

    o 11,260,069 katao mula sa

    12,095 barangay.

    Sa mga apektado, 22,274

    pamilya o 96,474 katao ang

    nasa 433 evacuation centers.

    Tumaas din ang bilang ng

    nawasak na mga bahay sa

    598,815, at ang napinsala ay

    nasa 611,364.

    Ang halaga naman ng pinsala

    ni Yolanda ay nasa

    P34,366,518,530.67, kabilang

    ang P17,333,367,534.29 sa imprastraktura

    at

    P17,033,150,996.38 sa agrikultura.

    (HNT

  • Davao niyanig ng mag. 5.7 lindol

    NIYANIG ng magnitude 5.7 na

    lindol ang ilang bahagi ng Mindanao

    dakong 7:58 a.m. kahapon.

    Ayon sa ulat ng Phivolcs,

    naitala ang epicenter nito sa 57

    Davao niyanig ng mag. 5.7 lindol

    km timog silangan ng Mati,

    Davao Oriental.

    May lalim itong 52 kilometro

    at tectonic ang pinagmulan.

    Inaalam pa ng Phivolcs at

    NDRRMC kung may naitalang

    pinsala dahil sa pagyanig.

    Napag-alamang naramdaman

    ang Intensity V sa Mati,

    Davao Oriental; Davao City; at

    Toril.

    Naramdaman naman ang

    Intensity III sa Butuan City; at

    Kidapawan City.

    Habang Intensity II naman

    sa San Francisco, Agusan Del

    Sur; Cotabato City; Gen. Santos

    City; Koronadal City; Polomolok

    South Cotabato; at Alabel

    Sarangani. (BETH JULIAN)