Blog

  • Obama visit sinisi sa demolisyon

    Sinimulan na ang demolisyon ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Housing Authority (NHA) sa mga bahay sa  Road 10, pinaniniwalaang paghahanda sa pagbisita ni US President Barack Obama, na nagsimula sa kanto ng Zaragoza St., Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

    Ayon kay DPWH National Capital Region (NCR) Assistant Regional Director Butch Canlas, ang demolisyon ay bahagi ng paglilinis ng mga sagabal sa nasabing kalsada na kinatatayuan ng bahay ng ilang pamilya.

    Matatandaang sinabi ng grupong Kadamay na ang demolisyon sa Road 10 ay paghahanda sa pagdating ni US President Barack Obama sa Abril 28.

    Ayon kay NHA Tondo Foreshore Estate Management officer-in-charge Rose Nartates, apektado ng demolisyon ang 500 pamilya.

    Tiniyak ng opisyal na may paglilipatan sa mga apektadong pamilya sa Trece Martirez, Cavite na tinututulan ng mga apektadong residente.

    Giit ng opisyal, nagbigay sila ng 30-day notice sa mga residente at nitong Abril 14, nagsimulang magbigay ng 7-day notice bago ilarga ang demolisyon na binantayan ng 100 Civil Disturbance Management (CDM) units ng Manila Police.

  • TRO vs P4.15/kWh power hike pinalawig ng SC

    IKINATUWA ng Palasyo ang desisyon ng Korte Suprema na palawigin ang bisa ng temporary restraining order (TRO) laban sa P4.15 /kWh dagdag sa singil sa koryente.

    “We welcome the decision of the Supreme Court that while we wait for a final decision on the case, an extension of the TRO would certainly provide comfort to our countrymen especially at this time when there is more consumption demand during summer,” pahayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

    Inianunsyo ni Supreme Court spokesman Theodore Te ang pasya ng Supreme Court na sa botong 10-4, ang TRO laban sa power rate hike ay  ”indefinitely extended until further notice”.

    Ikalawang pagkakataon ito na pinalawig ng Kataas-taasang Hukuman ang TRO sa power rate hike mula nang unang inilabas ang 60-day TRO noong Disyembre 23, 2013 at in-extend noong Pebrero 18, 2014 hanggang kahapon (Abril 22).

    (ROSE NOVENARIO)

  • Erap nag-ilusyon na may kasamang Palace officials (Sa pagtungo sa HK)

    TILA nag-iilusyon lang si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na may kasama siyang mga opisyal ng Palasyo sa pagpunta sa Hong Kong kahapon para humingi ng apology kaugnay sa 2010 Luneta hostage crisis.

    Sinabi kahapon ni Cabinet Secretary Rene Almendras, hindi siya nagtungo sa Hong Kong kahapon, bagkus ay nasa Maynila lang siya at dumalo pa nga sa ilang pulong.

    “No  I am here in Manila and just had meetings,” sagot ni Almendras nang usisain kung kasama siya ni Erap na nagpunta sa Hong Kong.

    Ang pahayag ni Almendras ay taliwas sa ipinangalandakan ni Estrada na siya at si PNP chief Director General Alan Purisima ay magkakasamang nagtungo sa Hong Kong para makipagpulong kay Hong Kong Chief Executive Chun-Ying para humingi ng paumanhin kaugnay sa Luneta hostage crisis.

    Nauna nang itinanggi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., ang nasabing pahayag ni Estrada.

    (ROSE NOVENARIO)

  • Warrant police binoga sa tindahan

    KRITIKAL ang kalaga-yan ng isang warrant police, nang barilin ng ‘di nakilalang suspek, habang nagbubukas ng kanilang tindahan sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

    Inoobserbahan  sa Chinese General Hospital ang biktimang si PO3 Joel Rosales, 40, nakadestino sa Warrant Section ng Malabon City Police, ng 2280 Malaya St., Tondo, sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .45 baril.

    Sa imbestigasyon na iniulat kay Supt. Julius Añonuevo, ng Manila Police District (MPD) Police Station 1, dakong 5:45 a.m. naganap ang krimen sa lugar. Inaalam ng pu-lisya kung may kaugna-yan sa pagiging warrant police ng biktima ang pagbaril sa kanya.

    (Leonard basilio/ Camille I. Bolos/Nikki-Ann Q. Cabalquinto/ Antonio C. Maaghop jr./ Bhenhor M. Tecson/ Lara Liza M. Singson)

  • District Director hotline vs krimen, sugal inilunsad sa Maynila

    INILUNSAD ng Manila Police District(MPD) ang direct hotline kontra illegal na aktibidad katulad ng mga krimen at sugal sa lungsod ng Maynila.

    Ilang araw pa lamang makaraan ipamahagi ang calling cards ng “Direct hotline” sa opisina ni MPD District Director Chief Supt. Rolando Asuncion ay marami na ang nagparehistro at nakiisa sa makatotohanang adhikain at programa ni Asuncion para sa pagsugpo sa kriminalidad sa kanyang nasasakupan.

    Layunin ng inilunsad na direct hotline ni Gen. Asuncion ay upang direktang makatawag sa kanya at sa kanyang opisina ang mga rehistradong card holder ng kanyang calling card para maimpormahan ang pulisya ukol sa mga nangyayari sa Maynila.

    Ayon kay Gen. Asuncion, maaaring tumawag sa nakatalang numero sa kanyang ipinamimigay na registered calling card sakaling may mga sumbong ukol sa ilang illegal na aktibidad gaya ng paggamit at bentahan ng droga, illegal na sugal na kadikit ang isyu ng “police kotong.”

    Bukas din ang District Director’s Direct Hotline (DD-DH) sa ano mang suhestyon kung paano mapaiigting ng mga pulis ang pagsugpo sa kriminalidad sa lungsod para sa peace and order sa komunidad.

    Makakukuha ng District Director’s Direct Hotline card sa ano mang police station o presinto sa Maynila at sa MPD HQ-D5 ngunit dapat iparehistro ang personal identification upang maitala ang pagkatao ng kukuha ng card na magsisilbing civillian registered informant kontra kriminalidad.

    Nabatid na ilang tiwaling pulis ang utak ng mga pasugalan at ilang nagpapakilalang bata o tauhan ng ilang politiko ang nagsisilbing protektor at tongpats sa illegal gambling activities.

    Kasabay nito, inatasan ni Asuncion ang mga hepe ng bawat presinto sa lungsod na maging alerto sa bawat tawag na kailangang tugunan o ano mang police assistance na kinakailangan ng mga sibilyan.

    Habang hinuhukay ng MPD District Intel Division (DID) sa pamumuno ni Supt.Villamor Tuliao katuwang ang PNP-INTEL Family, ang iba pang illegal activities sa lungsod lalo na ang kinasasangkutan ng mga tiwaling personnel ng PNP/MPD upang “kalusin” ang nababansagang “bulok na kamatis” na pasimuno ng illegal na sugal at ilang kotong na mga tauhan ng mga politiko na tongpats sa mga iligalista sa lungsod.

    Idinagdag pa ni Gen. Asuncion, mahigpit niyang ipatutupad “one strike policy” sa sino mang pulis na irereklamo sa direct hotline.

    Aniya, kapag napatunayan ang reklamo ay agad niyang ipasisibak bilang pagsuway sa kanyang direktiba.

    (BRIAN GEM BILASANO)

  • Architect BF ni Zsa Zsa, ex ni Pops?

    ni  Maricris Valdez Nicasio

    [divider]

    KAMAKAILAN ay ipinakita na ni Zsa Zsa Padilla sa madlang pipol ang bago niyang boyfriend sa katauhan ni architect Conrad Onglao. Isinama niya si Onglao sa katatapos na Arise concert ni Gary Valenciano sa Smart Araneta Coliseum.

    Ayon sa balita, si Sharon Cuneta ang dahilan ng pagkakakilala ng dalawa. Ang aktres daw kasi ang nagbigay ng mga cell number ng mga ito sa isa’t isa at doon na nagsimula ang blind date nina Zsa Zsa at Conrad.

    Pero may mga balita ring lumalabas na umano’y may pagka-playboy si Conrad at marami nang nai-date na beauty queens. Totoo kaya ito?

    Samantala, may nasagap naman din tayong balita mula sa mapagkakatiwalaang source na rati palang boyfriend ng singer/aktres na si Pops Fernandez itong si architect Conrad. Hindi lang nasabi ng aming source kung nagtagal ba ang relasyon ng dalawa.

    Bukod kay Pops, naging karelasyon din daw ito ng dating asawa ni basketball player Francis Arnaiz at dating fashion model na si Susan Reyes.

  • Gerald, may espesyal na show sa Wicked Bar

    ni  Maricris Valdez Nicasio

    [divider]

    SA Sabado, April 26, isang espesyal na show ang magaganap sa Wicked Bar. Tampok sina Gerald Santos (ang Prince of Ballad at GMA 7’s Pinoy Pop Superstar Season 2 Champion), ang Mannequins, at mga impersonator at stand-up comedian mula sa The Library (Malate), kaya tiyak na isang gabi ito na punumpuno ng kantahan, tawanan, at entertainment.

    Bukod sa mga special show na tulad nito, regular na itinatampok ang mga fashion show, bikini open, group dancers, bands at sexy male and female ledge dancers na mga ipinagmamalaking atraksiyon ng Wicked Bar.

    Ang Wicked Bar ay matatagpuan sa # 888 Ninoy Aquino Avenue , Brgy. San Dionisio, Parañaque City , with telephone # (02) 952-4315.

    Kaya kung gusto ninyong maaliw, go na kayo sa Wicked Bar.

  • Handler ni komedyante, nang-Galema

    ni  Pilar Mateo

    [divider]

    LUKANG-LUKA ang isang comedian o sing-along master sa kanyang handler sa isa pa namang kinikilalang management company sa industriya.

    Ang say sa akin, ”Teh, ‘di ba naman napaka-unethical na ang handler mo pa ang siyang magiging Galema mo sa syota mo? ‘Di ba dapat may semblance naman ng respetuhan?”

    Ang lalaking sinasabi niyang inahas sa kanya eh, may ilusyon din naman pala kasing mag-artista at na-shock pa nga ang komedyante ng sa isang event eh, doon na niya nakaharap ang papa niya na siya sana niyang driver pero kasama na pala ng nasabing handler.

    Harap-harapan ang Galemahan, ha!

    Talo ng ahas ang dinosaur. Ganoon ba ‘yun? At ang handler naman, ‘di porke’t naipaubaya na ng pinaka-head niyo ang management, mambabalahura na kayo ng mga tao.

    Baka ang buwelta niyan talikuran na lang kayo ng lahat.

  • Carlo, dapat muling bigyan ng serye

    ni ROMMEL PLACENTE

    [divider]

    ANG husay-husay ni Carlo Aquino bilang kontrabida sa defunct drama series na Anna Liza. Lutang na lutang ang akting na ipinamalas niya rito.

    Wala pang bagong serye si Carlo sa Dos after mamaalam sa ere ang Anna Liza. Sana ay mabigyan ulit siya.

    Ang mga katulad niyang mahusay na aktor ang dapat laging binibigyan ng serye, ‘di ba?

  • #RespectDJslips, trending sa Philippine at Worldwide Trends!

    ni  Alex Brosas

    [divider]

    NAGING trending topic ang #RespectDJslips nang hindi sinasadyang mahalikan si Daniel Padilla sa lips ng isang female fan.

    Nagkagulo sa studio noong Sunday nang kantahin ni Daniel ang Rey Valera hit na Kumusta Ka sa ASAP 2014. He was mobbed by female fans na humalik at yumakap sa kanya. There is this one girl na masuwerteng nakahalik sa labi ng binata. Hindi na nga natapos ni Daniel ang kanyang pagkanta dahil sa pagkakagulo sa kanya ng fans.

    Nag-number one trending topic ang #RespectDJslips sa Philippine Trends and fifth trending topic on Worldwide Trends.

    Not surprisingly, ang daming nang-bash sa girl.

    “Grabe naman talaga. #RespectDJsLips.”

    “Ang kay BERNARDO ay kay BERNARDO! =ØÞ ’#RespectDJsLips.”

    “omg baby ko 🙁 #RespectDJsLips.”

    Ilan lamang ‘yan sa mga nambash sa female fan ni Daniel pero mayroon ding kumampi sa girl.

    “#RespectDJsLips CHEEEH!!!! insecure lang kayo.. if i know you’ll do the same thing if there’s a chance.. mga epokrita!!! Hahaha.”

    “What’s done cannot be undone. I think KathNiel fans should accept what happened and leave the girl alone. Masyadong OA eh. #RespectDJsLips.”

    “Inggit lang ang fans ni Daniel na hindi naka-kiss sa binata. “#RespectDJsLips Haha, madaming naingit.”

    ‘Yan naman ang comments ng mga kumampi sa girl.

  • Marian, nagtaray nang pinatsutsugi ang ‘di nagre-rate na serye

    ni  Alex Brosas

    [divider]

    OBVIOUS na si Marian Rivera ang blind item na lumabas recently sa Fashion Pulis.

    The item is about a female star na naimbiyerna nang malamang matsutsugi na ang soap opera dahil hindi nagre-rate at palaging kaunti ang commercial.

    Nagtaray daw ang female star at sinabi umano na kaya hindi nagre-rate ang kanyang teleserye ay dahil hindi ito well-promoted, hindi katulad ng soaps sa kabilang network na todo ang promotion. Parang sinabi niyang inutil ang promo ng kanilang network.

    Napapayag lang daw ang hitad na matsugi ang kanyang soap kung unang matitigbak ang teleserye na pinagbibidahan ng isang hot mama, obviously referring to Jennylyn Mercado.

    Ang executives ng network naman ay tila natakot sa female star kaya ang naging solusyon ay i-extend na lang ang soap nito. Ang hiling lang ng hitad ay dapat matsugi ang soap ng isang female celebrity sa kabilang network ay okay lang sa kanya. Obvious bang si Angel Locsin ang tinutukoy dito?

    Actually, kaliwa’t kanan ang promotion ng soap ni Marian, ang daming publicity kaya lang hindi ito nagta-translate sa rating. Hindi rin sila bagay ni Alden Richards dahil mukhang mas matanda talaga si Marian kaysa binata.

    Naku, baka magwala na naman sa galit si Rams David, ang kasama lagi ni Marian anywhere she goes. For sure ay maiimbiyerna rin sa item na ito ang isang reporter na Marian defender.

    And Marian fans will surely lambast us again dahil sa item naming ito. But we don’t care.

    Marian, ikaw nga ba ang blind item sa Fashion Pulis?  Pakisagot nga!

  • New hairstyle ni Kris, nag-trending (Mas bumagay daw at bumata)

    ni  Reggee Bonoan

    [divider]

    HETO na naman si Kris Aquino, talk of the town na naman ang bago niyang hairstyle na napanood ng netizens noong Lunes ng gabi sa Aquino & Abunda Tonight.

    Dahil sa bagong hitsura ni Kris, nag-trending worldwide agad ito kaya trulili na maraming nanonood ng programa nina Kris at Boy Abunda.

    Samantala, ang ilan sa mga nag-post, “@Emer Complido Honestly, Kris Aquino is so stunning with her new hair! I really love it! LOOOOOVE IT!

    @KaesSorry, but I really have to say this! I like kris aquino’s new hair cut! Hahahaha

    @DovenPitoyWanna go to barbershop and tell the barber “I want that kris aquino hair style!”

    @DianaRoseVillegasThinking if I should cut my hair again like Kris Aquino’s. Low maintenance but so chic.

    @JanickaaAstig nung buhok ni kris aquino!!!! Bumata sya ng mga 15yrs.”

    Grabe Ateng Maricris, libo-libo ang komento sa hairstyle ng Queen of All Media kaya tinanong namin si Alvin Cagui na handler ni Kris kung kung ano ang tawag sa hairstyle ni Kris, “ay hindi ko alam kasi sila-sila (Kris at Jing Monis-hairdresser) lang ang nag-style, sabi lang ganito-ganyan ang gusto ko. Baka may ginayahan,” sagot sa amin.

    At dahil sa pagbabagong anyo ni Kris ay tinanong ni Kuya Boy kung may pinagdaraanan ang co-host niya sa AA kaya nagpagupit.

    Mabilis na sabi ni Tetay, “tapos na.” At dagdag pa, “time for a change.

    “’Pag may pinagdaraanan ka, it’s appropriate. The shortest hair I’ve had since child birth. Oo, why not, ‘di ba? Kasi some men say that short hair is hot and sexy,” say ni Kris.

    Iba ang gustong marinig na sagot ni Kuya Boy, “why can’t we not talk about it when people are watching you for the first time in your shortest (hair), sabi mo?”

    Pero magaling umiwas si Kris, “I was not prepared to talk about that. I was only prepared to talk about my hair.”

    At habang ginugupitan pala si Kris sa parlor ni Jing Monis ay nag-post na siya sa kanyang Instagram ng quote mula sa kilalang designer na si Coco Chanel ng, “A woman who cuts her hair is about to change her life.”  At sabay dugtong ng, “I cut off more than a foot, so I’m super ready for my life change!”

    Samantala, tinanong namin si Alvin kung hindi ba makaaapekto sa ini-endosong shampoo ni Kris ang pagpapa-ikli niya ng buhok.

    “Hindi naman, may buhok pa naman siya, ‘di ba?” sabi sa amin.

    Hindi ba magagalit ang ad agency na may hawak ng shampoo ad ni Kris dahil hindi ba’t nasa kontrata na bawal magpagupit.

    “Ay ewan ko, sina tito Boy (Abunda) ang may alam niyan,” sabi sa amin ni Alvin.

    At ang sagot ni Kuya Boy sa amin, “wala pa naman nagko-complain but I don’t think it’s gonna be a problem,” katwiran sa amin ni Kuya Boy.

    In fairness Ateng Maricris, maraming komentong nagsabi na magiging busy ang mga parlorlista ngayon dahil tiyak na ipapagaya ng mga customer nila ang bagong hairdo ng Queen of All Media.

    Ikaw, type mo ring magpagupit?

  • Picture ni Angeline na may kasamang lalaki, katakot-takot na batikos ang tinanggap (Itinapat pa raw kasi sa Semana Santa at ‘di man lang nagtika)

    042314 angeline quinto

    [divider]
    ni  Reggee Bonoan

    [divider]

    NAKIPAGSABAYAN na rin sa trending worldwide ang singer/actress na si Angeline Quinto dahil sa mga larawan niyang naka-post sa social media na may kasamang lalaki na hindi kilala.

    Inisip ng iba na may boyfriend na si Angeline na ayaw lang niyang aminin dahil nga nasa showbiz siya at marahil pagkakataon ng guy ito kaya pinost niya ang mga larawan nila ng dalaga sa account niya.

    Maraming bumatikos kay Angeline dahil hindi man lang daw iginalang ng dalaga ang Semana Santa samantalang ang iba ay nagtitika.

    Kinunan namin ng reaksiyon ang handler ni Angeline na si Caress Caballero, “ha, ha, ha, birthmate nasa pool kaya naka-two piece,” sagot sa amin.

    Samantala, wala palang idea si Angeline na lalabas sa social media ang mga litrato nila ng kasamang lalaki.

    Kuwento sa amin ng taong malapit kay Angeline, “album producer ng Star Records ‘yun, si Rox Santos.

    “Nagulat siya kasi hindi niya alam na lalabas sa social media, alam niya for personal use lang kasi nga magkakaibigan silang lumabas noong Holy Week sa Boracay, eh, hayan, kumalat. Hindi nga alam niyong bata kung ano ang gagawin niya kasi hindi ipinagpaalam sa kanya. Tapos hayan dami pa nega reactions.”

    Ano ba ni Angeline si Rox Santos? “Wala kaibigan lang, hindi naman niya boyfriend ‘yun. Bad trip nga si Angeline,” iritableng sabi sa amin sa kabilang linya.

    Tinext naman namin ang manager ni Angeline si Erickson Raymundo tungkol dito na wala raw pahintulot ang dalaga na ilabas sa social media ang mga litrato, “yup, hindi ko pa nakakausap (Angeline).”

    Oh well, at least sikat si Angeline, pinag-uusapan lahat ng kilos niya. Teka, ang sexy ni Angge in her two-piece black bikini.

  • The Trial movie ni Lloydie, nahinto

    ni  Nene Riego

    [divider]

    DAHIL sa aksidenteng kinasangkutan habang nagsusyuting ng Kapamilya summer station ID ang machong actor na si John Loyd Cruz na baka accident prone siya ay ‘di siya nag-out of town with friends gaya ng mga nagdaang Holy Week.

    Sa bahay lang siya at nagpahinga bilang paghahanda sa resumption mga syuting ng kanyang bagong pelikulang The Trial na ang kasama niya’y sina Richard Gomez at Gretchen Barreto.

    May ilang araw nang nag-syut ang Star Cinema movie pero nahinto nga ito dahil Semana Santa at tigil-trabaho sa industriya. Tayming naman dahil may ilang revisions daw na kailangang gawin sa script.

    ENGLISH TITLE SA MGA SERYE, USO

    WALA ba kayong napupuna? Uso ngayon na English ang titulo ng mga programa sa TV (tulad ngMy Husband’s Lover, The Borrowed Wife,  The Half Sisters, atbp.) at pelikula (It Takes A Man And A Woman,  My Other Woman, Da Obssessed, etc.).

    Puna tuloy ng isang kakilala naming senior citizen, ”Filipino ang mga pelikula at programa pero bakit banyaga ang titulo?’

    For the record, box office hit ang mga movie ni JLC na ang katambal niya’y sina Bea Alonzo, Sarah Geronimo, Angel Locsin, at Toni Gonzaga. Ganoon din kaya ang maging resulta sa takilya ng project niya with Greta and Goma?

    BALITANG PAGIGING WALANG KWENTANG TAO NI GEOFF,GAWA-GAWA LAMANG

    AYAW nang magsalita ni Carla Abellana tungkol sa split nila ni Geoff Eigenmann. ‘Di nga raw alam ng Del Monte Kitchenomics host kung bakit ang daming isyung lumabas na tila exposing dirty linens in public ang tema.

    “Hindi ko alam kung saan galing ang mga ‘yon. Totoong umamin  ako na hiwalay na kami ni Geoff pero never kong binanggit na wala siyang kuwenta at walang ambisyon sa buhay. Gawa-gawa na lang siguro ‘yon ng ibang taong gustong palakihin pa ang gusot,” say ng magandang aktres.

    Kung siya raw ang tatanungi’y mas gusto niyang maging friends pa rin sila ni Geoff. After all, may pinagsamahan sila sa mahaba-haba rin namang panahon.

    PACMAN, ‘DI PA NANGANGARAP NG MATAAS NA POSISYON

    KAHIT Biyernes Santo dumating ng GenSan si Rep. Manny Pacquiao, mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng mga kababayan.

    Ayon kay Pacma’y ‘di pa siya magreretiro at patuloy pa rin ang laban sa ring. Sa isang interbyu’y sinabi niyang malayo rin sa isip niya ang tumakbong pangulo ng bansa sa 2016. ”Marami pa tayong kakaining bigas bago mangarap ng pinakamataas na posisyon sa bansa.”

    Bago pa siya kuwestiyonin ng BIR tungkol sa buwis na dapat ibayad sa kinita sa huling fight kayTimothy Bradley ay ipinaliwanag niyang bago niya mahawakan ang kinita’y daraan na ‘yon sa Internal Revenue ng USA. Maliwanag ‘yan, ha?

    JONALYN, PAPALIT DAW SA TRONO NI REGINE

    MISMONG sa bibig ng Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid nanggaling na ang tiyak na papalit sa kanya kapag naipasiya niyang magretiro ay si Jonalyn Viray na isa sa La Diva (kasama nina Aiucelle Santos at Maricris Garcia).

    Sa mismong concert ni Jonalyn titled Fearless ito sinabi ni Mrs. Ogie na naging guest t sa nasabing event. Sa pagkakatanda nami’y si Regine ang host ng Pinoy Pop Superstar na si Jonalyn ang itinanghal na kampeon.

    ‘Di man sinasadya ni Jonna na gayahin ang kanyang idolo, ‘di maiwasan ito dahil sa timbre at taas ng boses, style at porma’y talagang Regine ang dating nito.

    Ang Fearless ay napanood sa GMA-7 slot ng SNBO (Sunday Night Box Office) noong Linggo.

  • Marion Aunor, mas tututukan ang singing career at paggawa ng kanta

    ni  Nonie V. Nicasio

    [divider]

    NAG-CELEBRATE ng 22nd birthday si Marion Aunor noong April 10 at inusisa namin siya kung ano ang kanyang birthday wish. Ayon sa dalaga ng dating teenstar na si Ms. Maribel Aunor, kabilang sa wish niya ay ang matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.

    “My wish is just to have a life full of genuine people, love from friends and family, and to see my dreams come true,” saad ng talented na singer/composer.

    Isa si Marion sa naging finalists sa katatapos na VJ search sa MYX, although hindi siya pinalad na manalo rito , nakatutuwa ang kanyang pagiging positive lalo na pagdating sa kanyang showbiz career.

    Sinabi ni Marion na kahit hindi siya sinuwerteng maging VJ, sobra raw siyang natuwa sa experience niyang ito.

    “Yes, nag-enjoy naman po ako sa competition. I think it was a great learning experience and I love that. I also got to have a new set of friends, sila iyong the other finalists and behind the scenes people of MYX. I’m just glad I was given the opportunity.”

    Idinagdag pa ni Marion na balak niyang mas magfo-focus ngayon sa kanyang first love, ang musika.

    “Now, I think I’m going to refocus on my first love which is music… especially since nag-click po yung aking dalawang composition na Do Do Do and Take A Chance dahil na feature siya sa debut ni Kathryn Bernardo.”

    Ang tinutukoy ni Marion dito ay ang kanyang komposisyon na Do Do Do atTake A Chance, ang naturang mga kanta na kabilang sa self-titled album ni Marion ay ginamit na music sa ipinalabas na TV special ni Kathryn noong ipagdiwang ng teenstar ang kanyang debut o 18th birthday.

    Actually, maraming nakapanood sa TV special na ito ni Kathryn ang nagandahan sa kanta ni Marion. Na ang ibig sabihin, kailangan lang na ma-promote nang husto ang mga kanta ni Marion para mas maging aware ang publiko kung gaano ito kaganda o kasarap pakinggan.

    Ibig sabihin ba ng magpo-focus sa music ay gagawa ka ulit ng magagandang kanta?

    “Well gusto ko po talaga i-promote yung two songs ko na ‘yun, at the same time, natapos ko na rin po ‘yung first Filipino song na nasulat ko.

    “Hopefully I’ll be recording it soon… I’m still planning kung ano po iyong best move for me right now.”

    MAJA SALVADOR, ‘DI MAKAPANIWALANG RECORDING ARTIST NA SIYA

    AMINADO si Maja Salvador na hindi siya makapaniwala na mayroon na siyang sariling album. Ang title ng album ni Maja ay Believe at sobra siyang natutuwa dahil sa magandang feedback sa kanyang single na pinamagatang Dahan-Dahan.

    Sinabi ni Maja na pangarap niya talagang maging total performer na hindi lang kumakanta o sumasayaw o umaarte.

    Sa kabilang banda, ipinahayag din niyang ready siya sa ilang bumabatikos sa kanyang pagiging singer.

    “Sobrang ano, tanggap ko na iyan, saka expected ko na iyan kasi nakikita nila ako sa ASAP sayaw ng sayaw and then biglang magugulat, ‘Bakit?’

    “Pero sana bigyan nyo ako ng chance, kasi as an artist po ‘di ba, ikaw mismo mag-e-explore ka at magta-try ka ng ibang talent na puwede? Isa akong example na naniniwalang believe and it will happen ‘di ba? Para sa akin, sa buhay kung paniniwalaan mo iyong pangarap mo at hindi mo bibitawan, mangyayari at mangyayari iyon,” saad pa niya sa isang panayam.

  • Bagong karelasyon ng sikat na diva, matrona killer

    ni  Peter Ledesma

    [divider]

    Bulong ng isang malapit na informant, matrona killer raw ang bagong karelasyon ngayon ng sikat na Diva. Yes, bukod sa pinakasalan noon at ina ng kanyang mga anak na nakahiwalayan na, na-ging dyowa rin daw ng pinag-uusapang lalaki ang sikat na singer-actress na dekada ng hiwalay sa kanyang mister na concert performer. Bago ang chikang ito, dahil wala  pa naman inaamin si nasabing singer na naging boyfriend niya ang Papa ngayon ng respetadong Diva. Saka, ang alam namin mahilig sa bagets ang nasabing babae pero pumatol rin  pala siya sa may edad. Sa tanong kung nahiga ba sa salapi si singer-actress noong mga panahong karelasyon niya ang tinutukoy nating guy? Sabi hindi naman daw at ‘yung mga connect pa ang nagamit. Kasi nga kilala sa kanyang larangan kaya marami ang nagtitiwala at bilib sa kanya. May isa pang girl na binanggit ang ating kausap at naging siyota rin daw ng lalaking special ngayon sa buhay ng maganda at  sexy Diva. Ramdam ng ating impormante hindi rin magtatagal ang relasyon ng dalawa at magkakahiwalay rin sila.

    Well, let’s wait and  see na lang gyud!

    Adrian At Nicole Mahuhuli Na!

    ANGEL LOCSIN, KINIKILABUTAN SA MGA EKSENA SA “THE LEGAL WIFE”

    Mismong si Angel Locsin ay napapabilib sa mga mapupusok na eksena at matatapang na linyang itinatampok nila sa pinakasinusubaybayang ‘TV affair’ ng ABS-CBN na “The Legal Wife.” “Kakaiba ang mga linya na sinusulat ng mga writer namin. Kahit kaming mga artista ay kinikilabutan kahit pagkatapos naming gawin ang mga eksena,” ani Angel na kilala na ng mga manonood bilang si Monica Santiago-De Villa, ang misis ni Adrian (Jericho Rosales) na may lihim na relasyon kay Nicole (Maja Salvador). “Maganda si-yang panoorin ng mga mag-asawa at kahit ng mga mag-boyfriend pa lang. Mara-ming nakare-relate na viewers sa characters namin. Ako mismo ay maraming  natututunan sa show katulad ng paano i-handle ang pagseselos,” paliwa-nag ng Kapamilya actress. Bagama’t nauunawaan ang mga manonood na naiinis at nanggigigil kina Adrian at Nicole, nilinaw ni Angel na walang ibang hangarin ang kanilang teleserye kundi ang makapagbahagi ng isang istoryang ka-pupulutan ng aral. “Hindi naman tayo nandito para manghusga. Nandito ang ‘The Legal Wife’ para maghatid ng isang magandang kwento na magbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga pamilyang dumaraan sa pagsubok,” pahayag ni Angel. Magaganap na sa Miyerkoles at Huwebes (Abril 23 at 24) ang pinakahihintay na komprontasyon nina Monica, Adrian at Nicole kaya huwag palampasin ang most followed ‘TV affair’ ng bayan, “The Legal Wife” pagkatapos ng “Ikaw Lamang” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang opisyal na website ng programa sa www.thelegalwife.abs-cbn.com at ang social networking sites na Facebook.com/thelegalwife2013, Instagram.com/iam_thelegalwife,  at Twitter.com/IAmTheLegalWife.

    MAKI-SELFIE SA EAT BULAGA AT MANALO ARAW-ARAW NG 5 K AT PERSONALIZED JACKET & SHIRTS

    Usong-uso ang selfie kahit saan, at  kung ano-anong gadgets na ang naglalabasan para sa mahihilig sa selfie shots. S’yempre  ang ating Dabarkads lalo na ang avid viewers ng Eat Bulaga ay hindi pahuhulli pagdating d’yan. Sa katuna-yan araw-araw ay padami nang padami ang mga sumasali sa Eat Bulaga Selfie Selfie. Para maka-join ay manoood sa Eat Bulaga, at abangan ang announcement o instructions ng EB host kung anong post ang dapat ninyong gawin. Kapag alam mo na aba’y agad na i-post ang pinakamaganda mong selfie picture sa Official Facebook Fan Page ng Bulaga, sa kanilang Twitter at Instagram Account at may chance kayo to win cash prize, personalized  EB jacket at t-shirt. Everyday ay may isang mananalo ng 5K and jacket at lima ang puwedeng magwagi ng 1K each at shirts. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, kapag wala kang ginagawa sa house, open na ang camera sa cellphone o anomang gadget at kunan ang sarili at malay ninyo, kayo na ang susunod na winner sa pakontes na ito ng Eat Bulaga.

    By the way, makikita ang listahan ng lahat ng winners sa mismong FB account ng EB at magdala lang ng valid ID sa pag-claim ng inyong premyo.

  • Napoles ‘tumuga’ kay De Lima

    042314_FRONT

    NAGSALITA na kahapon ang itinuturong utak ng multi-billion peso pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles kaugnay sa mga nalalaman sa kinakaharap na kontrobersyang kinasasangkutan ng ilang senador at kongresista.

    Ito ang kinompirma ni Department of Justice (DoJ) Sec. Leila De Lima makaraan ang kanilang pagpupulong na inabot ng limang oras habang nasa Ospital ng Makati si Napoles kahapon.

    Ayon kay De Lima, kinunan na nila ng salaysay si Napoles dahil siya mismo ang may gusto bago isalang sa operasyon para tanggalin ang myoma sa kanyang uterus.

    Dagdag ng kalihim, bago pa man ang Semana Santa ay nagpadala na ng feelers si Napoles at sinabing handa na siyang magsalita sa isyu ng pork barrel scam kaya’t kinunan na nila ng salaysay.

    “I came to see on her request. Nagpadala siya ng feelers before the Holy Week and sabi niya she’s ready to speak up. She’s ready to tell all and would execute an affidavit kaya kinunan namin siya ng statement ngayon. I agreed to talk to her on those conditions that she would tell all that she knows about the PDAF (Priority Development Assistance Fund) scam,’’ saad ni De Lima.

    Ngunit nilinaw ng kalihim na hindi siya nagbigay ng katiyakan kay Napoles na gagawing state witness ang negosyante dahil kailangan pang pag-aralan ang kanyang affidavit.

    Sinasabing mismong si Napoles ang nagpumilit na makausap si De Lima at maghain ng salaysay bago ang kanyang operasyon.

    “When you go through a medical procedure anything can happen. That’s why she insisted, she really pleaded to talk to me,” wika pa ni De Lima.

    Gayonman, hindi pa isinapubliko ni De Lima kung ano ang nilalaman ng salaysay ni Napoles kaugnay ng multi-billion peso pork barrel scam.

    [divider]

    JPE, BONG, JINGGOY IDINIIN

    KINOMPIRMA ni Janet Lim-Napoles ang pagkakadawit ng tatlong senador na una nang kinasuhan ng plunder sa Ombudsman, sa multi-billion peso pork barrel scam.

    Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima, sa pag-uusap nila kamakalawa ng gabi sa Ospital ng Makati, idinetalye ni Napoles ang kinalaman nina Senate Minority Leader Juan Ponce-Enrile, Sens. Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla, Jr., sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

    Gayonman, tumanggi nang magdetalye ang kalihim sa mga pinag-usapan nila at maging sa nilalaman ng sworn affidavit ng tinaguriang pork barrel queen.

    Inihayag ni De Lima, napakaraming ibinunyag ni Napoles sa pagharap nila bagama’t naniniwala siyang mas marami pang impormasyon ang makukuha nila kaya haharap pang muli ang negosyante sa National Bureau of Investigation (NBI) investigators at mga kinatawan ng DoJ.

    Paliwanag ni De Lima, bahagi ng kasunduan nila ng kampo ni Napoles na hindi isasapubliko ang nilalaman ng affidavit  hangga’t hindi natatapos ng DoJ at NBI ang pag-evaluate sa kanyang sinumpaang salaysay.

    Kinompirma rin ni De Lima na gustong maging state witness ni Napoles sa pork barrel scam.

    [divider]

    PNOY DUDA SA ‘KANTA’ NI NAPOLES

    INIUTOS ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa Department of Justice (DoJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na araling mabuti at suriin ang mga sinasabi ni Janet Lim-Napoles kaugnay sa P10 billion pork barrel scam.

    Sinabi ni DoJ Sec. Leila de Lima, nais ni Pangulong Aquino na timbangin ang mga pahayag ni Napoles at huwag basta paniwalaan agad.

    Una nang sinabi ni Pangulong Aquino na mukhang malabong “least guilty” si Napoles at paanong magiging state witness kung siya ang lumalabas na sentro ng eskandalo.

    HATAW News Team

  • NBI nalusutan ni Cedric Lee

    BIGO ang National Bureau of Investigation (NBI) na mahuli ang wanted na si Cedric Lee, nahaharap sa kasong kriminal dahil sa pambubugbog sa actor/TV host Vhong Navarro.

    Lunes ng gabi, tinungo ng NBI  ang tirahan ni Lee sa West Greenhills, San Juan, pero hindi siya nakita sa lugar.

    Bitbit ng mga ahente ng  NBI ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Paz Esperanza M. Cortes  ng  Taguig City  Regional Trial Court (RTC) Branch 271, sa kasong serious illegal detention  laban kay Lee.

    Kasama sa nasabing warrant of arrest ang modelong si Deniece Cornejo, Sajed Fernandez Abunijleho, Jed Fernandez, Simeon Palma Raz, Jr., at Ferdinand Guerrero.

    Kaaalis lang ni Cedric nang dumating ang tropa ng NBI at dahil wala si Lee, inimbitahan din ng NBI  ang kapatid ni Cedric, si Bernice Lee, para magtungo sa NBI.

    Samantala, kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima na isa sa mga suspek sa pambubugbog kay Navarro ay tatayong state witness.

    (leonard basilio)

    [divider]

    BERNIECE NAGPIYANSA

    Nagpiyansa na sa kasong grave coercion ang kapatid ni Cedric Lee, si Bernice, kaugnay ng pambubugbog sa actor/TV host Vhong Navarro.

    Ayon sa report, kasama ang mga tauhan ng NBI at kanyang abogado, dumating sa Taguig Municipal Trial Court (MTC) si Bernice para magpiyansa, dakong10:00a.m. kahapon

    Sa ulat, P12,000 ang ibinayad ni Lee sa kanyang pagharap kay Judge Bernard Bernal, may hawak sa kaso.

    Lunes ng gabi nang arestuhin si Lee ng NBI sa kasong grave coercion, sa kanilang tahanan sa West Greenhills, San Juan, dahil sa kanyang pagkabigo na maghain ng piyansa nitong nakaraang linggo.

    Samantala, hindi kasama sa mga ipinaaaresto ng Taguig RTC sa kasong serious illegal detention si Bernice, pero  masusing pinag-aaralan ng DoJ na maghain ng mosyon para isama sa arrest warrant si Bernice at kasamahang si Jose Paolo Calma.

    Non-bailable offense ang serious illegal detention. (JAJA GARCIA)

    [divider]

    Sa llegal detention case
    2 AKUSADO KINUWESTYON NI VHONG

    KINUWESTYON ng kampo ng TV host/actor na si Vhong Navarro ang desisyon ng Taguig Regional Trial Court  kung bakit pinalusot ang dalawang iba pang akusado sa serious illegal detention case.

    Sinabi ni Atty. Alma Mallonga, isa sa mga legal counsel ni Navarro, karapatan nilang humingi ng paliwanag sa korte kung bakit hindi isinama sina Bernice Lee at  Jose Paolo Calma sa negosyanteng si Cedric Lee, model na si Denice Cornejo at tatlong iba pa sa ipinaaaresto sa kasong walang piyansa.

    Ayon sa abogada, bagama’t hindi pa niya nakikita ang desisyon ni Judge Paz Esperanza ng Taguig Regional Trial Court Branch 271, nagtataka sila kung bakit hindi isinama ang kapatid ni Cedric at si Calma.

    Una rito, natuwa si Mallonga sa naging desisyon ni Judge Esperanza na kinatigan ang reklamo ni Navarro na ipaaresto na ang grupo ni Lee.

    Umaasa aniya sila na susuko sa lalong madaling panahon ang mga akusado dahil kung hindi ito mangyayari, magiging “fugitive of the law” na sina Cedric.

    Bukod kina Cornejo at Lee, kasamang ipinaaaresto ng korte sina Jed Fernandez, Simeon Raz at Ferdinand Guerrero.

  • Obama visit sinisi sa demolisyon

    Sinimulan na ang demolisyon ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Housing Authority (NHA) sa mga bahay sa  Road 10, pinaniniwalaang paghahanda sa pagbisita ni US President Barack Obama, na nagsimula sa kanto ng Zaragoza St., Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

    Ayon kay DPWH National Capital Region (NCR) Assistant Regional Director Butch Canlas, ang demolisyon ay bahagi ng paglilinis ng mga sagabal sa nasabing kalsada na kinatatayuan ng bahay ng ilang pamilya.

    Matatandaang sinabi ng grupong Kadamay na ang demolisyon sa Road 10 ay paghahanda sa pagdating ni US President Barack Obama sa Abril 28.

    Ayon kay NHA Tondo Foreshore Estate Management officer-in-charge Rose Nartates, apektado ng demolisyon ang 500 pamilya.

    Tiniyak ng opisyal na may paglilipatan sa mga apektadong pamilya sa Trece Martirez, Cavite na tinututulan ng mga apektadong residente.

    Giit ng opisyal, nagbigay sila ng 30-day notice sa mga residente at nitong Abril 14, nagsimulang magbigay ng 7-day notice bago ilarga ang demolisyon na binantayan ng 100 Civil Disturbance Management (CDM) units ng Manila Police.

  • TRO vs P4.15/kWh power hike pinalawig ng SC

    IKINATUWA ng Palasyo ang desisyon ng Korte Suprema na palawigin ang bisa ng temporary restraining order (TRO) laban sa P4.15 /kWh dagdag sa singil sa koryente.

    “We welcome the decision of the Supreme Court that while we wait for a final decision on the case, an extension of the TRO would certainly provide comfort to our countrymen especially at this time when there is more consumption demand during summer,” pahayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

    Inianunsyo ni Supreme Court spokesman Theodore Te ang pasya ng Supreme Court na sa botong 10-4, ang TRO laban sa power rate hike ay  ”indefinitely extended until further notice”.

    Ikalawang pagkakataon ito na pinalawig ng Kataas-taasang Hukuman ang TRO sa power rate hike mula nang unang inilabas ang 60-day TRO noong Disyembre 23, 2013 at in-extend noong Pebrero 18, 2014 hanggang kahapon (Abril 22).

    (ROSE NOVENARIO)

  • Erap nag-ilusyon na may kasamang Palace officials (Sa pagtungo sa HK)

    TILA nag-iilusyon lang si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na may kasama siyang mga opisyal ng Palasyo sa pagpunta sa Hong Kong kahapon para humingi ng apology kaugnay sa 2010 Luneta hostage crisis.

    Sinabi kahapon ni Cabinet Secretary Rene Almendras, hindi siya nagtungo sa Hong Kong kahapon, bagkus ay nasa Maynila lang siya at dumalo pa nga sa ilang pulong.

    “No  I am here in Manila and just had meetings,” sagot ni Almendras nang usisain kung kasama siya ni Erap na nagpunta sa Hong Kong.

    Ang pahayag ni Almendras ay taliwas sa ipinangalandakan ni Estrada na siya at si PNP chief Director General Alan Purisima ay magkakasamang nagtungo sa Hong Kong para makipagpulong kay Hong Kong Chief Executive Chun-Ying para humingi ng paumanhin kaugnay sa Luneta hostage crisis.

    Nauna nang itinanggi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., ang nasabing pahayag ni Estrada.

    (ROSE NOVENARIO)

  • Pa-raffle ng Solaire dapat sudsurin ng BIR

    00 Bulabugin JSY

    HANGGANG ngayon, marami pa rin ang nagtatanong kung talaga bang napupunta sa kabang yaman ng bayan sa pamamagitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kinakaltas na bente (20) hanggang trenta (30) posiyentong buwis mula sa kanilang papremyong kotse at kahit maging sa cash.

    Totoo ba, BIR Commissioner KIM HENARES na nagre-remit sa BIR ang Solaire Casino sa kinakaltas nilang buwis sa mga papremyo nila sa kanilang promotional raffle?!

    O sa kanilang kompanya lang ‘yan!?

    Ang ipinagtataka kasi ng mga pumupunta sa Solaire Casino, bakit nagkakaltas sila ng TAX sa kanilang raffle prizes samantala ‘yung Resorts World Casino nakapagpapa-raffle nang TAX FREE.

    Maliwanag  po ‘yan sa announcement nila sa kanilang mga billboard, tarpaulin at fliers — TAX FREE! Cash man o kotse ang napanalunan ng Resorts World Casino players.

    ‘E sa Solarie Casino, halimbawang nanalo kayo ngayon ng kotse, may babayaran kang tax at sasabihin sa inyo, three to four weeks pa bago maging available.

    Sa Resorts World, agad-agad maiuuwi ng winner ang kotse.

    Anak ng teteng, parang ayaw ibigay ng Solaire ang napalunan ng player ‘di ba!?

    Sa bwisit nga minsan ng  mga car raffle winner ‘e ikino-convert na lang nila sa cash.

    Kapag  na-convert naman sa CASH, ‘e kakaltasan rin ng tax ‘kuno’ o kaya ang ibibigay ng Solaire Casino ‘e PLAYING CHIPS para isugal at ipatalo mo ulit sa kanila.

    SONABAGAN!

    Madam KIM HENARES, marami ang nagtataka kung bakit nakalulusot sa inyo ang kakaibang ‘GIMIK’ ng Solaire Casino — panindigan ninyo ang kampanya ninyo sa  pangongolekta ng BUWIS — alang-alang sa ‘DAANG MATUWID’ ni PNoy!

     

    [divider]

    Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

    [divider]

  • Posisyon at paninindigan ng inyong lingkod sa NPC May 2014 elections

    00 Bulabugin JSY

    NAKATATABA ng puso at sa katunayan (nakahihiya man aminin) ‘e pinamumulahan tayo ng mata dahil sa ipinadaramang malasakit, tiwala at suporta ng mga katoto/kasamahan natin na hinihikayat tayong muling tumakbo bilang Pangulo ng National Press Club (NPC).

    Ang akin pong posisyon at paninidigan sa darating na eleksiyon ng NPC sa Mayo 4, 2014 ay patunay ng aking malasakit hindi lamang sa organisasyon kundi maging sa bawat indibidwal na miyembro nito.

    Walang pagtatangi, walang pagmamaliit at lalong walang pag-uuri.

    Naniniwala ako na ang NPC ay isang ‘social club’ para sa mga mamamahayag hindi para ‘magpataasan ng ihi’ kundi para ipadama sa bawat isa na mayroong isang organisasyon na pwede nilang makaalakbay (hihiramin ko po ang terminong ito sa hinahangaan at iginagalang nating si Ariel Borlongan) sa pagtupad ng tungkulin bilang mga mamamahayag.

    Isang social club na napagsikapan nating hindi man naging pantay-pantay ay nagkaroon ng pagkakataon na magkasalamuha ang sabi nga ‘e malalaki o mga sikat at maliliit na beat reporters sa ilang mga pagkakataon o event na ginagawa natin noon sa NPC.

    Pero sa ilang linggo nating pag-oobserba o pag-aaral sa mga huling pangyayari sa Club, nagpasya ang inyong lingkod na HUWAG lumahok o tumakbo sa ano mang posisyon sa darating na May 4 NPC elections.

    Naniniwala po ang inyong lingkod na kahit wala tayong posisyon sa NPC ay magagampanan pa rin natin ang adbokasiyang isinusulong natin noon na sad to say ay marami ang nagsasabing hindi na nila nakikita ngayon.

    Tradisyonal man ang inabutan nating aktibidad sa NPC, nakita natin kung paano nito pinagbuklod ang malalaki at maliliit na mamamahayag kahit man lang tuwing eleksiyon.

    MARAMING SALAMAT sa tiwala at suporta sa ilang taon na tayo’y nanungkulan sa NPC mula sa pagiging director hanggang maging pangulo.

    Naniniwala tayo na sa abot ng ating kakayahan ‘e nakapag-iwan tayo ng magandang legacy sa NPC.

    Maraming salamat po sa inyong lahat.

     

    [divider]

    Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

    [divider]

  • Pulong ng mga bagman sa PNP-NCRPO

    00 Bulabugin JSY

    MAY ipinaabot pong INFO sa inyong lingkod hinggil sa ‘PULONG ng mga BAGMAN.’

    Ginanap daw ang pulong sa isang tanggapan ng KERNEL sa PNP-NCRPO Bicutan na kinabibilangan ng APAT na sikat na mga bagman/kolektong na sina alias  JO-JO KRUS, NOEL ‘D BAGMAN KASTRO, BERT PERA at JAKE DOKLENG.

    Ang APAT na kamote este BAGMAN ay parang mga ‘burgesya komprador’ na pinaghahati-hatian sa kanilang pulong kung alin, ano at saan sila tututok para sa kanilang ‘masaganang cobranza.’

    GEN. CARMELO VALMORIA Sir, nasa tungki ng iyong ilong ang mga nagpapakilalang BAGMAN …

    Talas-talasan mo lang ang pakiramdam pag may time, Sir!

     

    [divider]

    Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

    [divider]

  • Umaasenso at yumayaman ang mga tulis este pulis-MPD sa PCP Plaza Miranda

    00 Bulabugin JSY

    HINDI lang daw ang nagpapakilalang OVM Manila Vice Squad bagman alias JONAT BONSAI  ang biglang-yaman/asenso kundi pati raw ang ilang tulisan ‘este’ pulis sa MPD PLAZA MIRANDA PCP.

    MPD DD Gen. Rolando Asuncion, ‘yan po ay base sa impormasyon na pinarating sa atin.

    Aba’y akala mo nga raw, may car display room ang tapat mismo ng Plaza Miranda PCP dahil makikitang nakaparada ang mga bagong sasakyan gaya ng ISUZU Crosswind, Mitsubishi ADVENTURE at ang nakagugulat, mayroon pang malalaking imported na motorsiklo (big bike) na bibihira lang daw makita sa kalsada.

    FYI Gen. Asuncion, hindi raw bababa sa P200K ang halaga ng big bike na madalas makita na gamit ni Plaza Miranda PCP chief P/INSP. ROMMEL ‘TISOY’ ANICETE.

    Tanong tuloy ng mga antigong vendors sa Quiapo, Maynila kung ito ba’y katas ng tara ‘y tangga mula sa kanila?

    By the way Gen. Asuncion, paimbestigahan ninyo ang raket ng dalawang bugok na pulis d’yan sa PCP Plaza Miranda na sina alias TATA O-BINA at TATA 4-TAKLESA.

    Simple lang po ang diskarte nilang bulok, ipatatawag ang ilang herbal vendor at pagkatapos ay aakusahan na nagtitinda ng CYTOTEC, ginagamit na abortion pill, at saka tatakutin na kakasuhan sila dahil may nakompiska sa kanilang Cytotec.

    Oobligahin nila ngayon na maghatag sa kanila ng 5K pataas para pakawalan ang pobreng herbal vendor.

    Sonabagan!!!

    Malakas daw ang loob ng dalawang kamote na magwalanghiya  dahil bata raw sila ng isang punyente ‘este’ tinyente na kasangga ang isang kumpare (boss Joji) ni Yorme Erap.

    General Asuncion, mag-surprise visit ka lang sa lumang PCP sa gilid ng simbahan para mabulaga ninyo ang ang PITCHAAN nila, Sir!

     

    [divider]

     Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

    [divider]