Sunday , October 17 2021
Sunshine Guimary, Cindy Miranda, Diego Loyzaga, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez, House Tour

Pa-house tour ni Sunshine muntik ikapahamak

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SANA panoorin ng lahat lalo na ng mga mahilig ipa-house tour ang bahay nila ang pelikulang House Tour ng Viva Films na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga, Cindy Miranda, Marco Gomez, Sunshine Guimary, at Mark Anthony Fernandez na idinirehe ni Roman Perez, Jr. dahil malaking aral ito sa lahat.

Talking from her own experience si Sunshine dahil sa sobra niyang naging bukas sa loob ng bahay niya ay pinuntahan siya ng stalker na ikinatakot niya dahil saulo nito ang buong kabahayan niya.

Kuwento ni Sunshine sa ginanap na Zoom mediacon ng House Tour nitong Linggo ng hapon, ”Unang-una nagba-vlog ako at nag-u-Youtube at darating talaga sa point na mauubusan kayo ng content once na ‘yung mga suki viewer, number one nilang inire-request ay ‘yung personal.

“As a youtuber kailangan mo talagang i-show sa kanila at one thing na nagawa ko is ‘yung house tour. 

“At sa mga gustong mag-house tour, pag isipan n’yong mabuti 10x kung gusto ninyong i-share dahil ako I regret talaga na ginawa ko na ma-detalye,” bungad paliwanag ng dalaga.

Sunshine Guimary

Aminado si Sunshine na sobrang detalyado ang ginawa niyang video sa house tour niya dahil simula sa gate na dadaanan ang garahe papasok sa loob ng bahay niya isa-isang ipinakita ang kabuuan ng loob nito.

“Lahat ng nakatayo sa bahay nasabi ko, ganoon ka-informative. Nag-regret ako kasi masyadong madetalye pati wardrobe kung saan ko inilalagay lahat ng gamit ko pagdating ko sa bahay,” pahayag pa ng dalaga.

At ito na ang ikinatakot niya dahil may taong pumunta sa bahay niya na hindi niya kilala.

“Lumipad siya from ganitong place, dumating siya sa subdivision namin at sabi niya poprotektahan niya ako.

Sunshine Guimary 2

“Dumating siya ng 2:00 a.m. sa subdivision namin tapos ginigising ako ng guard sabi ko hindi ko kilala at saka anong oras na. So ‘yung tao naghintay ‘til 6:00 a.m. talagang nagising na ako at pinuntahan ako sa bahay.

“Kaya naisip ko na mali talaga ‘yung ginawa kong house tour na sinabi ko lahat kung ano itsura. Like rito sa movie na ‘House Tour,’ paano kung mangyari ito sa totoong buhay? Buhay pa kaya ako?

“So rito ko naisip na maging careful at malaking lesson ito sa akin personally sa buhay ko,” kuwento ni Sunshine.

Napabalik naman niya ang stalker niya kung saan siya nanggaling at binigyan niya ng pamasahe at napapayag naman dahil kinausap niya ng maayos.

Mapapanood ang pelikulang House Tour sa Oktubre 22 sa Vivamax at kasama rin sina Rafa Siguion-Reyna, Chad Kinis, Abby Bautista, Juliana Parizcova Segovia, Jeffey Hidalgo, Jobelyn Manuel, Liz Alindogan, Raquel Monteza, Angie Castrence, at Jim Pebanco.

About Reggee Bonoan

Check Also

Ali Sotto, Pat-P Daza, Ano Sa Palagay N’yo

Tambalang Ali Sotto at Pat Daza, masusubukan sa Ano sa Palagay ‘Nyo? ng Net25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIMULA ngayong Lunes, Oct. 18, mapapanood na ang tambalan nina …

Ali Sotto, Pat-P Daza, Ano Sa Palagay N’yo

Ali Sotto at Pat-P Daza may say tuwing umaga sa Ano Sa Palagay N’yo?

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAY bagong magpapasaya sa ating mga morning simula October 18, Lunes, 8:00 …

Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

Rhea Tan thrilled kay Cassy Legaspi – She embodies the vibrancy of youthfulness

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BAHAGI na ng lalo pang lumalaking pamilya ng Beautederm Corporation ang TV …

PMPC nagbigay parangal sa mga natatanging Pinoy

MATABILni John Fontanilla SA kauna-unahang pagkakataon, nagbigay ng natatanging parangal ang Philippines Movie Press Club (PMPC) sa …

Luke Mejares, PMPC Star Awards for Music

Luke emosyonal sa pagwawagi sa 12th Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla GRABE ang kasiyahan ni Luke Mejares nang manalo bilang Outstanding Male Concert Performer of …

Leave a Reply