Monday , October 18 2021
Lovi Poe, Benjamin Alves, Owe My Love

Owe My Love mapapanood na sa Netflix PH simula October 1

Rated R
ni Rommel Gonzales

TALAGANG mapapa-OML ang fans ng Team SenMig dahil mapapanood na nilang muli ang kilig, iyak, at tawa nina Sensen Guipit at Doc Migs sa Owe My Love. Magiging available na ito sa Netflix Philippines simula October 1. 

Ang hit romantic-comedy series ng GMA Public Affairs ay pinagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves. Umiikot ang kuwento sa pagtataguyod ni Sensen sa kanyang pamilya sa pamamagitan sa pagpasok sa iba’t ibang raket. Makikilala niya ang heart surgeon na si Doc Migs na nag-aalaga sa kanyang Lolo Badong. Sa pagku-krus ng kanilang landas ay magkakaroon ng utang si Sensen kay Doc Migs at habang binabayaran ito, ang sukli sa kanilang dalawa ay unti-unting nagiging pag-ibig. Bukod sa kilig at tawa ay marami rin itong hatid na financial lessons sa manunuod.

Kasama rin sa masayang cast ng Owe My Love sina Aiai Delas Alas, Winwyn Marquez, Jackie Lou Blanco, Nova Villa, Ruby Rodriguez, Pekto Nacua, Buboy VIllar, Kiray Celis, Ryan Eigenmann, Jelai Andres, Jon Gutierrez, Jason Francisco, Divine Tetay, Terry Gian, at ang yumaong komedyante na si Mahal.

About Rommel Gonzales

Check Also

Janine Gutierrez

Janine Gutierrez itinanggi basang kili-kili tweet; BBM supporters kuyog

FACT SHEETni Reggee Bonoan MARIING itinanggi ni Janine Gutierrez ang umano’y viral tweet niya na pinansin …

Nadine Lustre

Netizen niresbakan sa laspag comment kay Nadine

FACT SHEETni Reggee Bonoan IPINAGTANGGOL si Nadine Lustre ng fans niya sa netizen na nag-comment ng hindi …

Alfred Vargas, PM Vargas

Ngiting Artista Program nina Alfred at PM mala-Shaina, Julia smile

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NOON pa man palangiti na si Alfred Vargas. Hindi nga namin …

Angeli Khang, Majhong Knights, Jay Manalo

Angeli Khang walang arte sa paghuhubad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SUPORTADO ng ina ang ginagawang pagpapa-sexy ni Angeli Khang, isa sa …

KathNiel, Bollywood, India, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla

5 pelikula ng Kathniel gagawan ng Bollywood remake

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ANG bongga naman talaga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernando. …

Leave a Reply