Friday , April 19 2024
fire dead

Sanggol, bata, binatilyo patay sa sunog (Sa Quiapo at Puerto Princesa)

PATAY sa sunog ang isang sanggol, bata at binatilyo sa magka­hi­walay na insidente ng sunog sa Quiapo, May­nila, at Puerto Princesa City.

Sa Puerto Princesa City ay namatay ang sanggol at isang bata sa sunog sa Brgy. Santa Lourdes sa lungsod na ito, noong Sabado.

Ayon sa imbestiga­syon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsi­mula ang sunog sa bahay ng isang Erwin Odesta.

Nagsaing umano ang 11-anyos anak ni Odesta gamit ang uling ngunit nakatulog kaya napa­bayaan.

Napansin ito ng 7-anyos kapatid at sinubu­kang buhusan ng tubig ang apoy ngunit mas lumaki pa.

Kasama rin nila sa bahay ang isang 24 bu­wan sanggol.

Wala sa bahay ang mga magulang ng mga biktima nang mangyari ang insidente.

Ayon sa BFP, hindi nakalabas ng bahay ang 11-anyos at ang sanggol.

Tatlong bahay na ang natupok ng apoy nang du­mating ang mga bom­bero dahil hindi agad naitawag ang insidente.

Apat pamilya ang naapektohan ng sunog at aabot sa P40,000 ang ka­bu­uang pinsalang idinu­lot nito.

Sinabing may tambak na krudo sa bahay kaya hinihinalang dahil doon kaya lumaki ang apoy.

Paalala nila sa mga ma­gulang na huwag iiwan ang mga anak sa ba­hay na walang ka­samang matanda.

Samantala, sa Carcer St., Quiapo, Maynila, namatay ang isang 13-anyos binatilyo nang makulong sa nasusunog nilang bahay, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang bikti­mang si Alexander Leonel. Natagpuan ang sunog niyang katawan malapit sa pintuan.

Aabot sa 15 barong-barong ang naabo sa su­nog na nagsimula ban­dang 12:47 ng tang­hali.

Nabatid sa mga awto­ridad, nagsimula umano ang sunog sa bahay ng isang Mary Moral at mabilis kumalat sa mga katabing bahay.

Umabot sa 45 pamil­ya ang naapektohan ng sunog at aabot sa P50,000 ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Inaalam ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng sunog.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *