Saturday , April 20 2024
Mujiv Hataman Nadia Casar
Mujiv Hataman Nadia Casar

Pagpatay sa Muslim trader sa Nueva Ecija kinondena

KINONDENA ni Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang pag patay sa isang babaeng Muslim trader sa Nueva Ecija.

Ayon kay Hataman dinukot ang babae ng mga pulis at sinunog ang kata­wan nito para pagtakpan at mawala ang ebidensya sa karumadumal na krimen.

Nanawagan si Hataman kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na paimbestigahan ang pagdukot, pagpatay at pagsunod sa mga labi ni Nadia Casar, isang online seller.

“It is reprehensible to think that those who are supposed to protect and serve the people are the same ones behind this savagery. Sobra itong nakakagalit at marapat lamang na imbestigahan ito ng PNP at papa­nagutin ang mga may sala,” ani Hataman na dating gubernador ng binuwag na Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“Hustisya ang isinisigaw ng mga kaanak at kaibigan ni Nadia Casar, pati na rin ng buong Muslim community sa bansa. Hers was a life cut short because of the greed of people, people who are supposed to protect her in the first place,” aniya.

Ayon sa mga ulat,  yung sonunog na katawan ni Casar ay natagpuan sa Sitio Pinagpala, Brgy. Imelda Valley, Palayan City sa Nueva Ecija. Yung pera at mga alahas niya, ay umano’y ninakaw.

Apat sa pitong suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya. Sila ay: “police officers Benedict Matias Reyes, June Malillin, Julius Alcantara and Dario Aligan Robarios.”

Ang mga hindi pa nahuhuli ay mga pulis din : Rowen Martin, Drextemir Esmundo and Franklin Medina Macapagal.

“Madami na tayong reports ng mga kapatid nating Muslim, lalo na yung mga negosyante, na kinikidnap, pinag­nanakawan at pinapatay pa. I urge the PNP to investigate the occurrences of crimes perpetrated by wayward members of the police against Muslims. Para matigil na ang ganitong klaseng mga insidente,” ani Hataman.

“At sana rin, magkaroon ng malinaw na polisya ang PNP ng anti-discrimination para sa mga kapatid nating Moro, lalo na yung nabibiktima ng human rights violation at profiling. Handang makipagtulungan ang ating tanggapan kay PNP Chief Gen. Eleazar tungkol dito,” dagdag pa niya.

 (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

KAMI NAMAN Kalikasan Kabataan Kagitingan youth music festival

 “KAMI NAMAN” inilantad sa Kalikasan, Kabataan, Kagitingan youth music festival.

Natapos na ang misteryo tungkol sa malalaking “Kami Naman” murals na nagsulputan sa iba’t ibang …

COMELEC Vote Election

Para sa 2025 national and local elections  
COMELEC, MIRU SYSTEM CONTRACT KINUWESTIYON SA KORTE SUPREMA

HINILING ng isang dating kongresista sa Korte Suprema na ipawalang-bisa ang kontratang nilagdaan sa pagitan …

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *