Friday , April 19 2024

Miss U Cat Gray pabor sa medical Marijuana

MALAKING suporta sa mga mambabatas na nagsu­su­long ng panukalang gawing legal ang paggamit ng marijuana para sa medical purposes ang pagpabor ni Miss Universe Catriona Gray sa isyung ito, ayon sa isang party-list lawmaker nitong Lunes.

Sinabi ni Kabayan party-list Representative Ron Salo, isa sa may-akda sa House Bill 6517 o panukalang “Philippine Compassionate Medical Cannabis Act” ang pahayag ni Catriona sa Miss Universe 2018 final round ay magpapabilis sa pagsasabatas sa nasabing panukala.

“As a health advo­cate, I support this measure as this will provide compassion and better quality of life to patients suffering from debilitating medical conditions,” ayon kay Salo.

Ang mga karam­daman na maaaring makatulong ang medical marijuana bilang lunas ay kinabibilangan ng cachexia, seizures, gayon­din ang characteristic ng epilepsy, o severe and persistent muscles spasms, kasama na ang may kinalaman sa mul­tiple sclerosis, ayon sa mambabatas.

Si Catriona ay iti­nanghal bilang Miss Uni­verse 2018 sa Thailand nitong Lunes, siya ang ika-apat na Filipino na nanalo ng prestihiyosong titulo.

Sa ginanap na unang round ng Question and Answer Portion, itinanong kay Catriona ang hinggil sa kanyang opinyon sa legalisasyon ng mari­juana.

“I am for it being used in a medical use, but not so for recreational use because I think if people were to argue, what about alcohol and cigarettes? Everything is good but in moderation,” kom­piyan­sang tugon Catriona.

Ang House Bill 6517 ay inaprobahan sa com­mittee level at itinakda na para sa plenary deli­berations, ayon kay Salo.

Si Isabela Repre­sentative Rodolfo Albano III ang principal author ng nasabing panukala.

HATAW News Team

4TH PINAY MISS U BINATI NG PALASYO

NAGPAABOT ng pagba­ti ang Palasyo sa pagka­ka­panalo ni Catriona Gray na itinanghal bilang 2018 Miss Universe.

Si Catriona, ang ikaapat na Filipina na nakoronohan bilang Miss Universe. Una si Gloria Diaz noong 1969, si Maria Margarita Roxas-Moran Floirendo noong 1973, Pia Wurtzbach noong 2015, at ngayong 2018 si Gray.

Sa inilabas na state­ment ni Presidential Spokeperson Salvador Panelo, sinabi niyang walang dudang ipina­malas ni Gray ang kan­yang kompiyansa at talino sa nabanggit na pandaigdigang patim­palak.

Ipinakita aniya ni Gray sa buong mundo na may kakayahan ang mga Filipino na abutin ang kanyang pangarap sa pamamagitan ng pagtitiyaga, pagsisikap at determinasyon.

Aniya, muling inila­gay ni Gray ang Fili­pinas sa pandaigdigang mapa dahil sa angkin niyang kagandahan at gilas na kahalintulad sa maraming magagandang tanawin at nakabibig­haning isla.

Muli rin umanong maipagmamalaking tayo ay mga Filipino kasunod ng karangalang bitbit ni Catriona Gray dahil sa pagkakapanalo niya sa Miss Universe 2018.

(ROSE NOVENARIO)

PANALO NI CATRIONA PINURI NG SOLONS

IPINAGKAKAPURI ng mga kongresista, sa pa­ngunguna ni House Speaker Gloria Maca­pagal Arroyo, ang pag­kapanalo ni Catriona Gray sa Miss Universe Pageant kahapon.

Ayon kay Arroyo nara­rapat na manalo si Gray.

“You’ve made us all proud, Catriona Gray! Congrats on your much-deserved win as #MissUniverse2018,” ani Arroyo.

“The intelligent, hardworking, and com­passionate Filipina is truly world-class. May your example inspire others to reach for their dreams,” dagdag niya.

Ayon kay Albay (2nd district)  Rep. Joey Sal­ceda, ang kababayan niyang si Gray ay sanay maghanda sa lahat ng mga kandidato sa Miss Universe.

“Truly an Albayana, she was the most pre­pared candidate ever – if you prepare to fight calamities, the more you are prepared for victory,” ani Salceda.

“She is regal as Mayon is majestic. She is beau­tiful, truly Daragang Magayon. The entire Albay is happy and proud of her achievement as proud she is of her roots. I worked with Ca­triona in her previous quests and she was excited about her role as tourism champion for Albay,” dagdag ni Sal­ceda.

Sa panig ni Leyte Rep. Yedda Marie Kittilstvedt-Romualdez, isang dating Binibining Pilipinas International noong 1996, nagbigay dangal at gloria si Gray sa mga Filipino.

“You deserve the crown Catriona Gray, the Ms. Universe 2018. Your victory is a testament to the faith and resiliency of the Filipino spirit. The resounding triumph of Gray demonstrates to the world the hard work, courage, and strength of Filipinos as trademarks in winning the battle. Congratulations on your well-deserved success,” ani Romualdez.

Kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang pagkapanalo ni Gray ay magbibigay ng ins­pirasyon sa mga Filipino ngayong mapag-alin­langang panahon.

“Catriona Gray’s suc­cess is truly a victory for all Filipinos,” ani Barbers.

(GERRY BALDO)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *