Thursday , April 25 2024
COVID-19 lockdown bubble

GCQ sa NCR binawi, MECQ iiral pa rin (Granular lockdown iniliban)

IPINAGPALIBAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang nakatakdang implementasyon ngayon ng general community quarantine (GCQ) with alert levels sa Metro Manila.

Inianunsiyo kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na mananatili sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila hanggang 15 Setyembre o hanggang kasado na ang pilot GCQ with alert level system para ipatupad.

Alinsunod sa MECQ, ani Roque, mananatiling sarado ang  indoor at outdoor o al fresco dining gayondin ang personal care services gaya ng beauty salons, beauty parlors, at mga nail spa sa Metro Manila nang isang linggo pa.

Pinahihintulutan ang virtual religious activity at pagdalo ng immediate family members sa necrological services, wakes, inurnment and funerals ng kamag-anak na hindi nasawi dahil sa CoVid-19.

“However, they need to show satisfactory proof of their relationship with the deceased and have to comply with the minimum public health standards,” dagdag ni Roque.

Nauna rito’y inalmahan ng healthcare workers ang pahayag ng Palasyo na ipatutupad ang GCQ sa National Capital Region (NCR) mula 8-30 Setyembre sa panahong tumataas ang bilang ng kaso ng CoVid-19 , puno ang mga ospital at pagod na pagod at demoralisado ang kanilang hanay sa pagkakait ng gobyerno sa kanilang mga benepisyo.

Kasabay ng GCQ ang implementasyon ng granular lockdown sa mga lugar na may mataas na kaso ng CoVid-19 ngunit ang authorized persons outside their residence (APOR) ay hindi papayagang maglabas-pasok sa kanilang bahay.

Kinuwestiyon ito ng iba’t ibang sektor dahil sa posibilidad na mawalan ng hanapbuhay ang mga manggagawa kapag hindi nakapasok sa mga trabaho. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *