Saturday , September 25 2021

3 tulak timbog drug bust (Sa Angeles City, Pampanga)

NASAKOTE ang tatlong suspek na hinihinalang sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga sa inilatag na drug bust ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit at Police Station 3 ng Angeles City Police Office nitong Lunes, 10 Mayo, sa Purok 5B, Citi Center, Brgy. Pandan, Angeles City, Pampanga.
 
Kinilala ni P/Col. Rommel Batangan, hepe ng Angeles City Police Office, ang mga suspek na sina Michael Narciso, alyas Silver, 46 anyos, fish vendor, residente sa 40-25 Nepo Subdivision, Barangay Cutcut; Agapito Nugas, 35 anyos, laborer, residente sa Sta. Maria 1, Balibago, sa nabanggit na lungsod; at Jayvee Borja, 27 anyos, pintor, nakatira sa Purok 1, Brgy. Del Rosario, lungsod ng San Fernando.
 
Nakompiska ng mga operatiba mula sa mga suspek ang limang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, may timbang na 55 gramo nagkakahalaga ng P374,000, at P1,000 marked money na ipinain sa mga suspek.
 
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

092421 Hataw Frontpage

Pag-asa, paghilom (Kailangan ng bansa) – Doc Willie

ni ROSE NOVENARIO NAGBALIK ang pag-asa na mapapalitan ng luha ng kaligayahan ang naranasang kapighatian …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *