10 manggagawang kabalen binakunahan (Sa paggunita ng Labor Day sa Pampanga)
TUMANGGAP ng bakuna kontra CoVid-19 ang 10 manggagawang Kabalen mula sa priority establishments sa Bren Z Guiao Convention Center nitong Sabado, 1 Mayo, bilang paggunita sa Araw ng Paggawa (Labor Day), sa lungsod ng San Fernando, sa pangunguna nina Department of Labor Region 3 Director Geraldine Panlilio, at Governor Dennis “Delta” Pineda, sa lalawigan ng Pampanga.
Ito ay bilang pakikiisa ng Nationwide Vaccination ng Department of Labor and Employment (DOLE) katulong ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Infectious Disease, Department of Health (DOH), at Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga. (RAUL SUSCANO)