Monday , October 18 2021
Castillejos Zambales

Miyembro ng Ramat Drug Group timbog (Sa Zambales)

NASAKOTE ng mga awrtoridad sa inilatag na manhunt operation ang isang pinaniniwalaang miyembro ng notoryus na drug group sa bayan ng Castillejos, lalawigan ng Zambales, nitong Martes, 21 Setyembre.

Sa ulat mula kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng Zambales PPO, kinilala ang naarestong akusadong si Jimmy Aglibot, alyas Jim, 55 anyos at residente sa Purok 4, Brgy. San Pablo, sa nabanggit na bayan.

Nadakip ang suspek na nakatala bilang most wanted person ng Zambales sa pinagsanib na puwersa ng mga elemento ng Castillejos Municipal Police Station (MPS), PDEU Zambales, PIU Zambales at 2nd PMFC, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na walang itinakdang piyansa. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

1,000 benepisaryo ng “Cash For Work” tumanggap ng 4k (Sa Parañaque City)

AABOT sa 1,000 displaced workers mula sa iba’t ibang barangay sa District 1 ng Parañaque …

shabu drug arrest

Live-in partners, isa pa timbog sa buy-bust

SWAK sa kulungan ang live-in partners at isa pa sa isinagawang buy bust operation ng …

Ilegal na troso nasamsam sa Bulacan

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mga ilegal na troso mula sa apat katao sa isinagawang …

9 tulak, 2 pugante deretso sa hoyo (Sa 24-oras police ops sa Bulacan)

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang siyam na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at dalawang pugante …

2 tulak sa Nueva Ecija todas sa buy bust ops (Pumalag, nanlaban)

TUMIMBUWANG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makipagbarilan sa pulisya sa ikinasang …

Leave a Reply