Thursday , March 28 2024

Mas maraming bata, gaganda ang kinabukasan sa Bantay Bata 163 Children’s Village

PAGMAMAHAL, kalinga, at pag-asa ang naghihintay sa mas marami pang kabataan sa muling paglulunsad sa Bantay Bata 163 Children’s Village ngayong taon.

Nagsilbi nang tahanan sa mahigit 1,000 bata ang Children’s Village na binuksan ng Bantay Bata 163 noong 2003 para matulungang gumaling at makabangon mula sa dinanas na pang-aabuso ang mga batang naisalba nila.

Sa mas pinagandang pasilidad at programa, higit na may kakayahan ang Children’s Village ngayon na magbigay ng lakas at kaalaman sa mga biktima ng child abuse para sila ay maging matatag na miyembro ng ating komunidad.

(L – R) Acting City Government Assistant Department Head III Maribel Cayco; Social Service Development Department Head Fe Macale; Quezon City Administrator Aldrin Cuna; ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. (ALKFI) Chairman Eugenio Lopez III; Quezon City Mayor Herbert Bautista; ALKFI Managing Director Susan Afan; Bantay Bata 163 Program Director Jing Castaneda – Velasco and ALKFI Chief Finance and Services Officer Lita Lara at the MOA signing for the financial assistance from the Quezon City government to shoulder the operational and maintenance expenses of the Bantay Bata 163 Children’s Village.

“Sa kabutihan ng ating mga donor at katuwang na organisasyon tulad ng local government ng Quezon City,  mabibigyan na ng Bantay Bata 163 ng mas magandang tahanan ang mga batang nakaranas ng pang-aabuso at nangangailangan ng ating pagmamahal, pag-unawa, at pangangaalaga para makamit nila ang magandang kinabukasan,” ani Jing Castaneda-Velasco, program director Bantay Bata 163.

Ayon kay Jing, kayang pangalagaan ng Children’s Village ang hindi bababa sa 120 na inabusong bata, sa parehong pisikal at psychological na pamamaraan, sa isang lugar na mararamdaman nila ang pagmamahal ng isang pamilya. Nakaantabay sa kanila ang mga social worker, health care professional, at house parent sa complex, na matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan.

Mayroon din silang meditation room, music room, arts and crafts room, library, at eskuwelahan para sa mga maliliit na bata, samantalang hatid sundo nila ang mas matandang mga bata sa mga kalapit na paaralan.

Tinuturuan din ang mga bata ng iba’t ibang skills upang maging handa silang maging parte uli ng lipunan mula pagluluto hanggang pagnenegosyo. Maging ang mga magulang at pamilya nila ay hinahanda rin sa kanilang pagbabalik sa pamamagitan ng values formation.

Sa ginanap na press conference para sa relaunch ng Children’s Village kahapon, ibinahagi ng isang benepisyaryo ng Bantay Bata 163 kung paano siya natutong bumangon at tumayo sa sarili para sa patuloy na pangangalaga at pagpapaaral sa kanya ng Bantay Bata 163.

“Malaking tulong sa akin ang pag-aaral, lalo na sa sitwasyon ko na walang-walang nagmamahal o nag-aalaga sa akin,” aniya. “Dahil sa tulong nila nahanap ko ang kompiyansa sa sarili at ang kagustuhang magsumikap ng mabuting kinabukasan.”

Sa pagdiriwang ng ika-21 na anibersaryo ng Bantay Bata 163 ngayong taon, patuloy na pinalalakas pa ito upang masiguro ang kaligtasan ng mga bata lalo na at 80% ng mga kabataang Filipino ang nakararanas ng pang-aabuso sa salita, sekswal, o online sa kanilang buhay ayon sa isang pag-aaral ng UNICEF.

Layunin ng Bantay Bata 163 na makahanap din ng mga paraan upang malabanan at maiwasang mangyari ang mga pang-aabuso, habang nangunguna sa pangangalaga ng karapatan at kalagayan ng mga bata sa pamamagitan ng mga proyekto tulad ng Children’s Village.

Para sa impormasyon tungkol sa Bantay Bata 163 Children’s Village, pumunta sa www.abs-cbnfoundation.com o sundan ang @abscbnfoundation­kapamilya sa Facebook. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abscbnpr.com.

About hataw tabloid

Check Also

Moira dela Torre

Moira inaming naging bulimic sa loob ng 2 taon

RATED Rni Rommel Gonzales MAY mensahe si Moira dela Torre para sa mga taong kasalukuyang nagdurusa dahil …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul mag-ilaw kayang muli kasama si Mikee sa Good Friday procession?  

I-FLEXni Jun Nardo MADALAS naming nakikita at nakaka-chikahan si Mikee Quintos tuwing Biyernes Santo. Eh kahit nakatira …

DingDong Dantes Marian Rivera Zia Sixto

Marian excited sa biyahe ng kanilang pamilya 

I-FLEXni Jun Nardo KOMPLETO na ang pamilya Dantes (Dong, Marian, Zia, at Sixto) na biyahe nila sa ibang bansa …

blind item

Magsyotang lesbiyanang sexy model at GF wasak planong utuin ang DOM

ni Ed de Leon NATAUHAN ang sexy female model na akala ay totoong baliw na baliw sa …

Tom Rodriguez Carla Abellana

Carla wa ker umibig mang muli si Tom

HATAWANni Ed de Leon AYAW daw magbigay ng ano mang reaksiyon si Carla Abellana sa sinasabi ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *