Monday , October 18 2021
Honey Lacuna, Isko Moreno, Don Bagatsing

Maliliit na negosyo uunlad kay Isko — Bagatsing

NANINIWALA ang dating konsehal, ngayon ay businessman na si Don Bagatsing, uunlad ang maliliit na negosyante kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso.

Ayon kay Bagatsing, maganda at napapanahon sa General Tax Amnesty plan ng lungsod ng Maynila na magsisimula ngayong 1 Oktubre hanggang 29 Disyembre.

Sinabi ni Bagatsing, uusbong ang maliliit na negosyo dahil sa kautu­sang ito ni Yorme Isko.

“Imbes penalty at interest ang babayaran para lang magbukas, madadagdagan ang capital ng maliliit na negosyo, maraming maeenganyo magtayo at muling magbukas ng kanilang mga negosyo,” pahayag ni Bagatsing.

Ani Bagatsing, bunsod ng pandemya, maraming nawalan ng trabaho at nagsarang negosyo, kaya’t maraming nawalan ng gana, kaya ang pagbibigay ng amnesty ay isang insentibo para mag-umpisa, gumalaw, at magsimula muli ang maliliit na negosyante.

“A General tax amnesty is an act meant to encourage people to get back on their feet and be productive again. Parang sa baterya ng kotse na diskargado na, kailangan ‘i-series’ para umandar ulit. It’s the same concept. Tamang mungkahi ito ni Yorme Isko,” ani Bagatsing.

Nananawagan si Bagatsing sa lahat ng alkalde sa buong bansa na ipatupad din sa kanilang nasasakupan ang magan­dang ideyang gaya sa lungsod ng Maynila.

“Try and think of other ‘unorthodox ways’ to jumpstart your local economy. Maraming paraan para makabangon sa pagbagal ng ekonomiya dulo’t ng pandemya, it’s time to do it,” pagtatapos ni Bagatsing.

About hataw tabloid

Check Also

1,000 benepisaryo ng “Cash For Work” tumanggap ng 4k (Sa Parañaque City)

AABOT sa 1,000 displaced workers mula sa iba’t ibang barangay sa District 1 ng Parañaque …

shabu drug arrest

Live-in partners, isa pa timbog sa buy-bust

SWAK sa kulungan ang live-in partners at isa pa sa isinagawang buy bust operation ng …

Ilegal na troso nasamsam sa Bulacan

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mga ilegal na troso mula sa apat katao sa isinagawang …

9 tulak, 2 pugante deretso sa hoyo (Sa 24-oras police ops sa Bulacan)

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang siyam na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at dalawang pugante …

2 tulak sa Nueva Ecija todas sa buy bust ops (Pumalag, nanlaban)

TUMIMBUWANG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makipagbarilan sa pulisya sa ikinasang …

Leave a Reply