Saturday , October 16 2021
Kris Aquino Ogie Diaz
Kris Aquino Ogie Diaz

Kris, tumulong pa rin sa mga may breast cancer patient kahit may pinagdaraanan

ISANG artikulo ang aming nadaanan ukol sa ginawang ‘panghaharbat,’ ‘pangho-holdap’ (ito ang itinawag niya sa ginawa niya) ni Ogie Diaz sa isang sikat na personalidad. Ang tinutukoy niya ay si Kris Aquino.

Ang artikulong iyon ay isinulat ni Jerry Olea ukol sa isinagawang pagdiriwang ng Kasuso Foundation sa pamumuno ni Ogie.

Aniya, isang balita ang ipinarating ni Ogie sa mga may breast cancer patients and survivors noong Oktubre 20 na isinagawa sa East Avenue Medical Center—ang pagbibigay ng P100K ni Kris bagamat mayroon iyong pinagdaraanan.

Sa pagbabalita ni Olea, sinabi ni Ogie kung paano niya ‘hinoldap’ ang tinaguriang Queen of Online World and Social Media.

Ayon sa post, “Nanghoholdap ako ng mga kaibigan para sa inyong lahat!

“Syempre, gusto kong pasalamatan… hindi magiging posible ang pagtuntong ko rito, Diyos ko, kung hindi ko naharbatan, kung hindi ko naholdap…

“Alam n’yo ba, merong isang nag-ano sa atin. Ito, blind item, ha? Merong isang artista. Tinext ko siya. Sabi ko, ‘Mare, baka pwede ka namang mag-ano, um-appear o mag-donate.’ Ganyan-ganyan.

“Sabi niya, ‘Pare, meron akong importanteng lakad sa araw na ‘yan. Pero magpe-pledge ako ng ONE HUNDRED THOUSAND PESOS!”

“Tapos, biglang may mga isyu na lumabas! Concerning her health. Oo, meron siyang sakit. Ganyan. May dinaramdam. At syempre, meron din siyang mga kaso sa kanyang mga business partner. Di ba?

“Nahiya ako. Sabi ko, nakakahiya naman. Kaya tinext ko siya uli. Sabi ko, ‘Mare, nakakahiya naman. Diyos ko! Hinaharbatan kita eh meron ka rin palang sariling problema.’

Masayang pagbabalita pa ni Ogie, hindi napigilan si Kris para mag-share ng blessings kahit may kinakaharap itong problema.

Giit ni Kris, pagagalitan siya ng kanyang inang si dating Pangulong Cory Aquino kapag hindi siya tumulong sa mga may kanser. “Alam n’yo kung ano ang sagot niya? ‘Pare, walang problema. Ako ang pagagalitan ng mommy ko pag hindi ako tumulong sa may kanser.’”

Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Ogie gayundin ng mga mabibiyayaan ng tulong ni Kris.

Binigyan din nila ng masigabong palakpakan si Kris bilang senyales ng pasasalamat. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gary Valenciano

Gary muling nanganib ang buhay

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para sa idol naming si Mr. Pure Energy Gary …

RS Francisco

RS Francisco no to politics

MATABILni John Fontanilla ILANG buwan na lang at magaganap na ang Halalan 2022, pero noon …

Rabiya Mateo

Rabiya tututukan muna ang showbiz career

MATABILni John Fontanilla WALANG balak na muling sumali sa ibang beauty pageant ang 2020 Miss Universe …

Boy Abunda, Times Square, New York

Boy Abunda nanggulat sa digital billboard sa Times Square

HARD TALK!ni Pilar Mateo NASA New York, USA ang King of Talk na si Boy Abunda para …

Kylie Padilla, Aljur Abrenica, AJ Raval

Kylie ok sa relasyong Aljur-AJ — Gusto ko maging masaya siya sa buhay niya

MA at PAni Rommel Placente SA panayam ng Pep.ph kay Kylie Padilla, hiningan siya ng …

Leave a Reply