Friday , April 19 2024

Kaso vs QCPD Yarra ikakasa sa Ombudsman (Sa utos ng ilegal na pag-aresto?)

100421 Hataw Frontpage

NAKATAKDANG sampahan ng patong-patong na kaso ng Globaltech Mobile Online Corporation sa Office of the Ombudsman si Quezon City Police District (QCPD) director, P/BGen. Antonio Yarra kaugnay sa sinabing utos niyang pag-aresto umano sa mga kawani ng Perya­han ng Bayan kamakailan sa lungsod.

Ayon kay Atty. Bernard Vitriolo ng Globaltech, ito ay direktang paglabag sa karapatan ng kompanya na ipagpatuloy ang kanilang operasyon.

Idinagdag nito na may proper identification ang kanilang mga tauhan na nangangasiwa sa palaro kaya’t hindi maituturing na illegal gambling ang kanilang operasyon. 

Matatandaan na ginagarantiyahan ng status quo ante order na iniutos ni Presiding Judge Nicanor A. Manalo, Jr., ng Pasig Regional Trial Court Branch 161 noong 17 Mayo 2016 ang operasyon ng PNB sa pamamahala ng Globaltech.

Batay sa rekord, ang naturang kautusan ay kinatigan din ng Court of Appeals matapos utusan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na patuloy na magpadala ng opisyal na kinatawan para sa PNB draw ng Globaltech.

Noong 14 Enero 2019, ayon sa CA – G.R. SP No. 151727 at CA – G.R. SP No. 154056, nabigo ang petition for certiorari na inihain ng PCSO upang kanselahin ang operasyon ng Globaltech at unanimous na kinatigan ng Court of Appeals ang inilabas na status quo ante order ng Pasig RTC.

Dahil dito, nag­pahayag ng pangamba sa media ang isa sa mga opisyal ng QCPD na nakiusap ‘wag banggitin ang kaniyang pangalan.

Ayon sa kaniya, “Nangangamba kaming mga pulis sapagkat naiipit kami sa utos ni DD Yarra at sa umiiral na batas na ang Peryahan ng Bayan (PNB) ay awtorisado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kaya’t ito ay isang legal na palaro.’

Idinagdag niya na posible silang buweltahan ng kaso ng mga legal na PNB sa lungsod at maiipit ang kaniyang mga tauhan dahil alam naman nilang lahat na matagal nang may umiiral na kautusan ang korte para sa patuloy na operasyon ng PNB ng Globaltech.

“Baka puwede mag-concentrate na lang kami sa pag-aresto sa loteng para legal ang panghuhuli namin, kaysa naman ang huhulihin mo e ‘yung may hawak na papel. Naka­papagod dumalo sa hearing pag kinasuhan ka, bukod pa sa abala at nagagastusan pa kami,” dagdag pa ng opisyal.

About hataw tabloid

Check Also

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …