Friday , April 19 2024

Indian warrior muntik masubo

PINAG-UUSAPAN pa rin ng mga karerista ang nangyaring takbuhan nung  isang gabi sa pista ng Metro Turf kung saan ay hindi naging katanggap-tanggap sa mga BKs ang nagawa  sa kabayong si Indian Warrior ni jockey  Mart Gonzales.

Ayon sa mga beteranong klasmeyts na rin natin na nakapanood ay sadyang malaki sana ang panalo ni Indian Warrior  kung sa una ay hindi pinaatras-abante nung hinete niya. Tapos kung kailan natanaw na nakalayo na ang nasa unahan na si Jade’s Treasure ni Alan Pare ay saka pa lamang ulit aayuda ang hinete niya na napunta ulit sa ikatlong puwesto.

Pagsungaw sa huling diretsahan ayon sa frontal shot ay kitang-kita na unti-unting lumalapit na naman sa may gawing gitna si Indian Warrior habang nakapormang pirmis pa si Mart sa ibabaw, nung puntong nakapantay at nakaungos na ay walang ano-ano na umupo si Mart sabay batak ng renda kaya napatingala si kabayo.

Huling 50 metro ay nanatiling ganoon lang ang posisyon ni Mart na nakatingala si Indian Warrior, kaya halos hindi na kinilusan pa gayong hindi naman sumisiksik si kabayo. Kaya tuloy ang sigaw ng mga mananaya ay ni hindi man lang ginalawan at nagawan ng paraan na mailagpas.

Naniniwala ang mga apisyunado na talagang patalo at biyahe nga si Indian Warrior, dahil bago pa man itakbo ang penultimate race ay may nakarating na  impormasyon na biyahe  ang huling dalawang sakay ni Mart na sina Lucky Toni at Indian Warrior, na kanila ring kinompirma nung parada na sa magkahiwalay na karera.

Kaya ang huling naging usapin ay talagang Lucky si Toni dahil ni hindi nakita sa timbangan, pero iyong huli na masusubo pa sana ay tila hindi naawat at naitago dahil isang Warrior, matapang at mandirigmang kabayo. Kaya si Indian Warrior ay kamuntik na masubo.

Sa totoo lang,  hindi na pareho isinama  ng mga mananaya sa listahan ang huling dalawang sakay ni Mart dahil sa natanggap nilang impormasyon, na nakompirma pa sa parada. Kaya isang karagdagang aral iyan mga klasmeyts na makisagap ng impormasyon at pag-aaralan (isulat) ang makikita ninyo sa parada ng bawat hinete. Okidoks.

REKTA – Fred L. Magno

About Fred Magno

Check Also

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Smart Asian Volleyball Confederation Nuvali

Asia’s beach volleyball squads maglalaban sa Smart AVC Beach Tour Nuvali Open

ELITE action returns sa world-class Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa at ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *