Friday , March 29 2024
Krystall Herbal Oil FGO Fely Guy Ong

Kagat ng insekto at peklat burado sa Krystall Herbal oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Lorilie Amboquio, 38 years old, taga-Murphy, Cubao, Quezon City.

Dahil po sa pandemic, ang trabaho ko dati sa call center ay naging work from home (WFH). Natuwa naman ako kasi nga hindi na ako mai-expose sa mga posibleng panganib na mahawa ng CoVid-19.

Heto naman po ang naging problema ko, dahil sa gabi ako nagtatrabaho, hindi ko namalayan na ang napuwestohan ko pala sa sala namin ay maraming lamok.

Kinabukasan po, ang dami kong kagat ng lamok sa binti. Ang sagwa tingnan bukod pa sa napakakating masyado.

Bigla ko pong naalala  na noong nagsimba ako sa Baclaran, nakabili ako ng Krystall Herbal Oil. Hindi po kasi kami nagpapawala nito sa bahay dahil malaking tulong talaga lalo sa emergency cases.

Napakahusay na katulong sa pang-unang lunas sa panahon nga po ng mga emergency.

Agad ko pong nilagyan ng Krystall Herbal Oil ang mga kagat ng lamok sa aking binti. Unti-unti po naramdaman ko, nawawala ang pangangati.

Sa unang tatlong araw po ay makikita rin ang mapupula at maiitim na marka ng kagat ng lamok pero habang lumalaon ay unti-unti rin ‘nabubura’ ng Krystall Herbal Oil ang ‘peklat’ o markang iniwan ng kagat ng lamok.

Maraming-maraming salamat po talaga Sis Fely Guy Ong.

Napakalaking tulong po ng inyong mga imbensiyon sa aming pang-araw-araw na buhay.

Sumasainyo,
LORILIE AMBOQUIO
Cubao, Quezon City

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Check Also

PICPA Foundation spearheads Green Project

PICPA Foundation spearheads Green Project

VISITORS will soon be seeing a greener Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA) national …

SM Cares 1 Manila - Parade Shot

SM shows solidarity for Down syndrome community through this year’s Happy Walk

SM Cares, a long time-supporter of the Down Syndrome community, is celebrating 20 years of …

Bernard Kaibigan Palawan

Pamilyang Pinoy protektado sa Palawan ProtekTODO

BATAY sa datos ng Philippine Insurance Commission, nananatiling mababa sa 1.75 porsiyento ang bilang ng …

Krystall Herbal Oil

Peleges sa noo nabanat ng Krystal Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Magandang araw …

Moira dela Torre Jethro Cerezo

Moira marami ang ginulat: sexy at  parang tin-edyer

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI ang nanibago at ginulat ni Moira dela Torre nang ipakikala ito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *