Tuesday , September 28 2021

Good feng shui closets

INIISIP ng marami na ang closet ay “out of sight, out of mind” deal. Hindi ito totoo, lalo na sa feng shui terms, na ang lahat ng bagay ay enerhiya.

Mahalagang maunawaan na sa feng shui energy, ang “out of sight” strategy ay hindi umuubra. Hindi mo mapagtatakpan, maitatago ay magkunwaring hindi nakikita ang low energy, dahil sa mundo ng feng shui energy, walang boundaries.

Ngunit karamihan sa mga bahay ay may magulo at siksik na closets. Kapag binuksan mo ang magulong closets at ilagay rito ang iyong mga damit, dito magsisimulang iyong masagap ang magulong enerhiya.

Kung may ginagawa kang hakbang para mapagbuti ang feng shui energy sa iyong tahanan, huwag kaliligtaan ang iyong closets, isama ito sa mga prayoridad sa iyong feng shui to-do list.

Kung ang iyong closets ay over-cluttered and busy, hindi makatutulong ang pagsasarado lamang ng pintuan nito. Ang feng shui closets ay nakakonekta sa inyong innermost, sa iyong malalim at kadalasang nakatagong damdamin hinggil sa iyong sarili.

Isipin ang estado ng iyong closets bilang feng shui test ng iyong kompyansa sa sarili. Gaano ba ka-healthy ang iyong tiwala sa sarili? Gaano kalinis, kapayapa at kaganda ang iyong inner world?

Buksan ang inyong closets at suriin ito. Huwag mag-alala, wala namang nakatingin, ikaw lamang at ang iyong closet. Ano ang sinasabi nito sa iyo?

Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

vegetable vendor

Ex-taxi driver, fish & veggies vendor ngayon, tiwalang lubos sa Krystall herbal products

Dear Sis Fely Guy Ong, Ako si Antonio Villanueva, 58 years old, taga-Quezon City. Dati …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *