Monday , September 27 2021

Gatas ng ina mahalaga (Sa unang 1,000 araw ng mga sanggol)

MALNUTRITION Patuloy na Labanan, First 1,000 Days Tutukan.”

ito ang temang tinalakay sa open forum at binigyang diin ni Provincial Nutrition Action Officer Elaine Tinambunan, ang kahalagahan ng gatas ng ina sa unang 1,000 araw ng kanilang mga sanggol sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon na ginanap sa kapitolyo nitong Lunes, 19 Hulyo, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga.

Ayon kay 2nd District Board Member Mylyn Pineda, chairperson, Committee on Health and Nutrition, suportado ng pamahalaang panlalawigan ang mga programang pangkalusugan upang maiwasan ang malnutrisyon sa kabataan.

Nakatakdang mamahagi ang kapitolyo ng gatas at mga bitamina sa mga nagpapasusong ina mula ngayong Hulyo hanggang Nobyembre. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Tagatangkilik ng Krystall herbal products nagbahagi ng maraming benepisyo

Dear Sis Fely Guy Ong, BLESSING from our Lord be with us. Ito po ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *