Thursday , April 25 2024

Swiss music company nakipag-collab sa bagong boy band

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAPANOOD namin doon sa All Out Sunday, at ang totoo iyon lang naman ang inabangan namin, iyong performance ng bagong boy band, iyong Alamat. Nakaiintriga kasi kung bakit pinag-uusapan ng mga kabataan ngayon iyang grupong iyan. Tapos iyong kanilang kanta, kabago-bago pa lang ay nakapasok na sa Billboard charts, at lalong nakaiintriga iyong kanilang kantang ini-launch na kasmala ay isang collaboration nila sa kinikilalang Swiss music company na The Kennel.

Para maging interesado ang isang Swiss music firm sa isang Pinoy boy band, aba kakatuwa iyon. Ang daming ibang boybands hindi lamang sa Pilipinas, pero bakit nga ba sila ang kinuha ng Kennel.

Maganda nga kasi ang kanilang kanta, pero ang talagang nakatatawag ng pansin ay iyong kanilang performance, iyong pagsasayaw at iyong costumes na suot nila. Hindi kagaya ng ibang boyband na gumagaya lang sa mga Koreano. Iyang Alamat makikita nating tunay na Pinoy. At iyan ang dapat nating suportahan dahil ang tipo ng musika nila ay masasabi nating sa atin talaga. Hindi gaya sa dayo.

About Ed de Leon

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *