Monday , September 27 2021

Relasyon ni Marlo sa isang beauty queen inilantad

MA at PA
ni Rommel Placente

NANG mag-guest si Marlo Mortel sa show namin na Showbiz Cafe sa FYE channel sa Kumu, napag-usapan ang tungkol sa kanyang lovelife.

Ayon sa kanya, wala siyang karelasyon ngayon. Pero nagkaroon na raw siya before ng tatlong girlfriends. At ang isa rito ay si Hannah Arnold, ang itinanghal na Binibining Pilipinas International sa katatapos na Binibining Pilipinas 2021.

Naging sila raw ng dalaga noong ka-loveteam pa niya si Janella Salvador. O ‘di ba,bongga si Marlo, ex niya ay isa nang beauty titlist?

Sabi nga ng singer-actor, noon pa ay pangarap na ni Hannah na maging isang beauty queen. At happy naman siya para rito, dahil natupad na ang pangarap nito.

Kahit wala na silang relasyon, napanatili pa rin nila ang kanilang friendship. In fact, may communication pa rin silang dalawa.

Nang tanghalin ngang Binibining Pilipinas International si Hannah ay binate niya ito.Wala na naman siyang balak pang balikan si Hannah, kahit pa pareho pa rin silang single ngayon.

Okey na sa kanya na magkaibigan na lang silang dalawa.

Samantala, busy si Marlo ngayon sa pagpo-promote ng latest single niya under PolyEast Records, ang Bituin.

May music video rin ito.

Napakinggan na namin ang Bituin at napanood ang music video nito at nagandahan kami sa totoo lang.

About Rommel Placente

Check Also

Blind Item gay sex

Aktor walang takot makipag-sex basta may bayad

INAAMIN naman daw ng bi-sexual na male star na kuntento siya sa naging fling nila ng isang male star na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *