Saturday , September 25 2021

Rabiya buo ang suportang ibinibigay ng Frontrow

NANGHIHINAYANG si RS Francisco dahil hindi niya masasaksihan ang laban ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa May 16 sa Florida, USA.

Ang Frontrow ang unang nagbigay ng meet and greet after manalo sa Miss Universe Philippines ni Rabiya at naipangako ni Direk RS na 100% ang makukuhang suporta nito sa Frontrow Family at pupunta siya saan mang bansa gaganapin ang Miss Universe para personal na masaksihan ang laban ng IloIlo Beauty Queen.

Pero dahil na rin sa Pandemic, ay napagpasyahan na ni Direk RS na hindi na magtungo ng Florida dahil takot itong magbiyahe at nag-iingat na rin lalo pa’t napakabilis mahawa ng Covid-19.

Pero kahit hindi makapupunta ng personal si Direk RS sa laban ni Rabiya, 100%  pa rin ang suporta niya at ng Frontrow.

Happy naman sa isang banda si Direk RS dahil kahit na may pandemiya ay maganda pa rin ang takbo ng negosyo (Frontrow) at tuloy-tuloy pa rin ang ginagawa nitong pagtulong sa mga kababayan natin sa abot ng kanyang makakaya through Frontrow Cares at isang malaking blessing ang muli siyang ma-feature with Sam Versosa at ang Frontrow sa Forbes Magazine’s Resilient and Rising ngayong taon.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Vilma Santos, Isko Moreno

Yorme dadalhin ng mga Vilmanian

HATAWANni Ed de Leon UNANG-UNA yata si Boss Jerry Yap na nagdeklara sa kanyang social media account na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *