Friday , March 29 2024

Piolo, ‘di madaling mapikon

MAPAGPASENSYA si Piolo Pascual. Mas mapag­pasensya kay Anne Curtis. 

Kung naririndi na rin  ang binansagang “papa ng bayan” na tuwing haharap sa press ay tinatanong kung kailan magkaka-girlfriend at mag-aasawa, baka dumating din siya sa puntong gayahin na ang ginawa ni Anne kamakailan.

Ilang buwan pa lang pagkakasal ng aktres sa chef-blogger na si Erwan Eussaff, sinimulan na siyang tanungin ng press at bloggers kung magkaka-baby na sila. Tinanong na naman siya ng ganoon kamakailan sa presscon para sa 10th anniversary ng It’s Showtime, at walang kaabog-abog na sinabihan n’ya ang mga kaharap n’ya na itigil na nila ang pagtatanong ng ganoon sa kanya at sa iba pang tao—pati na ang tanong kung kailan ikakasal ang isang tao.

Nakao-offend daw ang mga ganoong klaseng tanong, lalo na kung “may pinagdaraanan” ‘yung tinatanong.

Sa kaso ni Papa P, tinanong siya tungkol sa pagpapakasal kamakailan sa presscon na may kinalaman sa physical fitness. Sumagot naman siya ng very sweetly na mas gusto muna n’yang makapag-travel sa iba’t ibang bahagi ng mundo kaysa mag-isip tungkol sa pag-aasawa.

Ni hindi n’ya binanggit na impertinente ang tanong na ‘yon dahil ni wala nga siyang inihaharap sa mundo na babaeng seryosong karelasyon n’ya.

Katanggap-tanggap naman na may mga tao na hindi priority ang pagkakaroon ng anak o ng asawa sa tradisyonal na set-up. Mga normal at disenteng tao naman sila. Maayos naman ang kanilang pag-iisip at tama ang sense of values. Iba lang nga ang mga prioridad.

Pero hanggang kailan kaya makatitiyagang sumagot nang maayos si Papa P sanmga impertinenteng tanong. O dapat na ba n’yang gayahin si Anne na deretsahan nang sabihin sa press na tantanan na nila ang pagtatanong sa kanya dahil nakasasakit na ng damdamin.  (Danny vibas)

About Danny Vibas

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *