Thursday , April 18 2024
Mark Herras, Nicole Donesa

Mark at Nicole ikinasal na

Rated R
ni Rommel Gonzales

IKINASAL na sina Mark Herras at Nicole Donesa. Naganap ang kanilang civil wedding ceremony noong September 8 at si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nagkasal sa kanila.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Nicole, ”We tied the knot on Mama Mary’s birthday.”

Samantalang si Mark naman ay nag-post ng: ”Got married. Hi Mrs. Herras.”

Nito lamang January 31 ay isinilang ang kanilang anak na si Mark Fernando, na kanilang binansagang Baby Corky.

Unang nagkatrabaho sina Mark at Nicole sa Kapuso series na Bihag at isinapubliko nila ang kanilang relasyon noong June 2019.

Noong June 2020 ay inanunsiyo nina Mark at Nicole ang kanilang engagement at noong September 2020 naman nila ipinaalam na nagdadalang-tao na si Nicole.

Congratulations and best wishes, Mark Herras and Nicole Donesa!

About Rommel Gonzales

Check Also

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Mutya at Beaver may chemistry sa big screen

ni Allan Sancon HALOS mapuno ang SM The Block Cinema 3 sa dami ng mga …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Jillian Ward

Serye ni Jillian nakikiangkas sa ratings ng Showtime?

RATED Rni Rommel Gonzales ISA pang fake news ay ‘yung mga kumakalat na kesyo “nakikiangkas” …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

BarDa, Ruca, JulieVer pinababalik sa Canada para muling mag-concert

RATED Rni Rommel Gonzales FAKE news ang mga kumakalat na balitang flop ang Sparkle show tour sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *