Sunday , September 26 2021

Kris sobrang natuwa sa sorpresa nina Joshua at Bimby

NAKATUTUWA ang panganay ni Kris Aquino na si Joshua Aquino dahil hindi niya nalimutang puntahan para batiin ng personal ang mama niya nitong Sabado ng gabi.

Ipinost ni Kris ang larawang kasama sina Josh at Bimby na may hawak siyang bouquet of pink roses at napuno naman ng pink and gold heart balloons na may kasama pang blue ang dingding ng bahay niya na naging background sa pictorial nila.

Caption ni Kris, ”They SURPRISED me last night! Bumisita ‘yung Tarlac resident! I told all of you I’ll only post them pag ‘yung occasions when regular, normal people would post their kids… it’s mother’s day! and I thank God, He chose me to be their mama!”

Samantala, binati rin ng Queen of Social Media ang mga nanay ngayong Mother’s day at inanunsiyo niya kung sino ang makatatanggap ng special gift mula sa kanya na pipiliin.  Fourteen winners mula sa IG at 28 naman mula sa FB.

“To all other moms- Happy Mother’s Day! And to all who joined my Mother’s Day tribute, sorry po, nagbabasa pa po sila & nag co-contact ng winners (14 on IG and 28 on FB), so,  I’ll do a LIVE announcement of winners para SAFE, around 9:30 to 10 PM? Sabay na natin sa IG & FB LIVE. See you later (kagabi).”

Mula sa pahayagang Hataw, Happy Mother’s Day Kris!

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Vilma Santos, Isko Moreno

Yorme dadalhin ng mga Vilmanian

HATAWANni Ed de Leon UNANG-UNA yata si Boss Jerry Yap na nagdeklara sa kanyang social media account na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *