Saturday , September 25 2021

Kitkat good karma sa kaliwa’t kanang pagdating ng projects

SUNOD-SUNOD ang TV guestings ni Kitkat, recently.

Ayon sa versatile na comedienne/TV host/singer, nakatakda siyang magkaroon ng sitcom very soon.

Aniya, “Actually, puro guestings lang po muna pero as in sunod-sunod po sa isang lingo, like dalawa po. Iyong regular ko po, baka sa June pa po ang lock-in taping ng sitcom serye, pero ‘di pa talaga closed deal siya.”

Alam ng marami ang nangyari sa kanila ni Janno Gibbs sa noontime show na Happy Time sa Net25. Pero tila ipinagkibit-balikat lang ito ni Kitkat at ngayong humahataw muli ang mga project at offers sa kanya, masasabi ba niyang good karma niya ito?

Esplika ni Kitkat, “I always look po sa mga nangyayari sa buhay ko na blessing in disguise kasi gaya po ng paniniwala ng iba, kapag may nawawala, mas may magandang kapalit.

“And sa akin po, talaga pong palaging ganoon, noon pa man po at saka ‘yung kapag tinitingnan ko ‘yung mas malalim na mga dahilan sa mga nangyayari, lagi kong mas nare-realize na, ‘Oh my God, thank You po talaga.’ Palagi pong ganoon and super confirrrrm ko talaga po na laging sa kapakanan ko palagi ang lahat ng nangyayari sa akin. Confident po kasi rin ako, wala akong tinatapakan na tao, kaya alam kong lahat good karma talaga for me.”

May project ba na wish niyang dumating this year?

“Every year or palagi naman po, tuwing may dasal po ako, hindi ko po lagi hinihiling na maging bida, sikat or ano man.

“Ang palagi ko pong wish at dasal ay iyong palaging may trabaho as in hindi mahinto, ‘di mabakante. Sa 16 years ko po sa showbiz, thank you Papa God, palagi Niya akong pinagbibigyan talaga sa aspekto na iyan. Mapahinga man po ako dahil choice ko iyon, kapag binibigyan ko ng time talaga ang pamilya ko, siyempre kami rin po mahilig talaga kami mag-travel noon nang wala pang pandemic, ‘di ba po?

“So talagang may mga panahon na nagli-leave po ako para magbakasyon po kami.”

Ayon kay Kitkat, nasasanay na siya ngayon sa swab test. “Noong last year, five months and seven days akong ‘di lumabas hanggang sa nagka-Happy Time. Noong nawala ang Happy Time sakto, nagpahinga at nag-therapy din ako at wala pang dalawang buwan, lumabas na ulit po ako para mag-guest na ulit sa Showtime at tuloy-tuloy na ulit po. Okay naman po, ingat at takot pa rin kahit may vaccine na po ako, para sa mga mahal ko sa buhay at sa ibang tao.

“Mas open ako ngayon sa paglabas especially tuwing may guesting, dahil may entrance at exit swab po, hahaha! Sarap na sarap na ako sa kasa-swab,” nakangiting saad niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Vilma Santos, Isko Moreno

Yorme dadalhin ng mga Vilmanian

HATAWANni Ed de Leon UNANG-UNA yata si Boss Jerry Yap na nagdeklara sa kanyang social media account na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *