Saturday , September 25 2021

Jaya nag-apply kay Piolo Pascual (Sa kawalan ng raket)

SA ISANG Live streaming na aming napanood ay back to his old look si Piolo Pascual. Ayon kay Papa P, kailangan raw niyang magpagupit dahil back to work na siya.

Halos one year and a half na hindi tumanggap ng offer si Piolo dahil sa CoVid-19 at nag-devote ng kanyang time sa farming sa malawak niyang lupain sa Mabini, Batangas.

Nakiuso na rin si Papa P., sa mga tinatawag na plantitos & plantitas na nagtatanim ng ibat’ibang halaman na ordinary hanggang mamahalin.

Papunta na raw siya roon sa expensive na plants dahil addicted na siya sa kanyang pagiging plantito.

Samantala ka-join sa nasabing live streaming ang singer na si Jaya, at hayun sa kawalan ng raket ay nag-emote siya kay Piolo na kunin siyang artista at umuo naman agad ang aktor na producer ng Spring Films with Binibining Joyce Bernal and Erickson Raymundo ng Cornerstone.

The said movie outfit ni Papa P., ang gumawa ng mga blockbuster movies ni Eugene Domingo na “Kimmy Dora” na naka-apat na sequel at surprise hit na 2017 movie na “Kita Kita” nina Alessandra de Rossi at Empoy.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Vilma Santos, Isko Moreno

Yorme dadalhin ng mga Vilmanian

HATAWANni Ed de Leon UNANG-UNA yata si Boss Jerry Yap na nagdeklara sa kanyang social media account na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *