Monday , September 27 2021

Frontal nudity ni Paolo ibinandera sa ina

Rated R
ni Rommel Gonzales

IPINANOOD ni Paolo Gumabao sa kanyang ina ang pelikula niyang Lockdown kahit na may mga eksena siyang frontal nudity at sex sa Joel Lamangan film.

“Actually napanood ng mom ko kanina,” kuwento sa amin ni Paolo sa special screening ng Lockdown noong July 3 sa Sine Pop Boutique Cinema sa Cubao, Quezon City.

Maganda at batambata ang itsura ng non-showbiz mom ni Paolo na naroroon din habang kausap namin ang aktor.

“Napagkakamalan kami minsan na magdyowa,” sabi sa amin ni Paolo nang banggitin ang papuri namin sa kanyang ina.

At nang hingan namin ng reaksiyon ang ina tungkol sa pelikula, ”Maganda, naiyak ako,” sagot ng ina.

Mula sa produksiyon ng For the Love of Arts Films ni Jojo Barron, ang streaming ng Lockdown worldwide ay sa July 23, 2021 sa ktx.phupstream.ph at RAD (iamrad.app)

Nasa pelikula rin sina Alan Paule, Ruby Ruiz, Jess Evardone, Angellie Sanoy, Paul Jake Paule, at Jim Pebanco. Kasama rin sa cast sina Jeff Carpio, Kristian Allene, Dincent Lucero, Mauro Salas, Neil Suarez, Alexis Yasuda, at Sean de Guzman.

Si Paolo ay anak ng dating aktor na si Dennis Roldan at kapatid niya (sa ama) sina Marco at Michelle Gumabao.

Tinanong namin si Paolo kung kanino kina Marco at Michelle siya mas close.

“Marami po kasi kaming magkakapatid, actually walo kami.”

Silang tatlo lamang nina Marco at Michelle ang nasa showbiz.

“Well magkaiba kasi ‘yung closeness namin ni Marco at saka ‘yung closeness namin ni Michelle. Siyempre kami ni Marco may mga sariling bonding kami like nagba-basketball kami, nagbi-video games kami.

“Si Michelle naman ang bonding naman namin niyan mahilig kaming magkuwentuhan. Kahit gabi na. Nagkukuwentuhan lang kami about life.

“So different bonding kaming magkakapatid.”

About Rommel Gonzales

Check Also

Blind Item gay sex

Aktor walang takot makipag-sex basta may bayad

INAAMIN naman daw ng bi-sexual na male star na kuntento siya sa naging fling nila ng isang male star na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *