Friday , March 29 2024

Fantastica, nangunguna sa MMFF 2018 

AS expected, ang pelikulang Fantastica ni Vice Ganda ang nangunguna ngayon sa takilya simula nang magbukas ito nitong Martes, Disyembre 25 at karamihan sa mga sinehang palabas ay sold out hanggang last full show base sa paglilibot namin.

Ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles ang pumangalawa sa box-office at hindi rin naman nagpahuli sina bossing Vic Sotto at Coco Martin dahil maraming screenings din na sold out sila.

Pami-pamilya na bitbit ang mga tsikiting ang nakita naming nanood ng Fantastica at Jack Em Popoy bukod pa sa loyal supporters ng bawat artistang kasama sa mga pelikula kaya huwag nang pagtakhan kung bakit kinabog nila sa takilya ang ibang pelikulang kasali sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Hindi nakasama sa MMFF Parade of the Stars ang float ng Aurora dahil literal na lumubog ito sa putikan at hindi sa dagat. Pero hindi naman nahuli sa takilya ang suspense/horror movie ni Anne Curtis dahil nasa ikatlong puwesto ito as of December 25.  Hindi lang namin alam sa ikalawang araw.

Nakaaaliw at nakai-in love ang kuwento ng The Girl in the Orange Dress at Mary Marry Me kaya siguro parehong maraming nanood, hindi lang namin alam ang actual figures dahil hindi nag-isyu ang Metro Manila Development Authority (MMDA).

Wala sa Top 4 ang One Great Love at Rainbow’s Sunset, pero naniniwala kami na tataas ang puwesto nila pagkatapos ng MMFF awards night ngayong gabi na gaganapin sa The Theater Solaire dahil naniniwala kaming marami silang iuuwing tropeo.

Hindi namin napanood ang Otlum kaya wala kaming masasabi pa, pero marami naman kaming nakitang lumabas ng sinehan.

Nakatsikahan namin ang ilang katoto na mas inuna nilang panoorin ang mga pelikulang sa tingin nila ay mawawala na sa sinehan pagtun­tong ng Enero at ang komento nila, “kainis, sayang ang bayad namin.”

Sa totoo lang hindi bi­nanggit ng ilang katoto namin kung anong pelikula ito baka raw kasi isulat namin, ha, ha, ha, ha.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Moira dela Torre

Moira inaming naging bulimic sa loob ng 2 taon

RATED Rni Rommel Gonzales MAY mensahe si Moira dela Torre para sa mga taong kasalukuyang nagdurusa dahil …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul mag-ilaw kayang muli kasama si Mikee sa Good Friday procession?  

I-FLEXni Jun Nardo MADALAS naming nakikita at nakaka-chikahan si Mikee Quintos tuwing Biyernes Santo. Eh kahit nakatira …

DingDong Dantes Marian Rivera Zia Sixto

Marian excited sa biyahe ng kanilang pamilya 

I-FLEXni Jun Nardo KOMPLETO na ang pamilya Dantes (Dong, Marian, Zia, at Sixto) na biyahe nila sa ibang bansa …

blind item

Magsyotang lesbiyanang sexy model at GF wasak planong utuin ang DOM

ni Ed de Leon NATAUHAN ang sexy female model na akala ay totoong baliw na baliw sa …

Tom Rodriguez Carla Abellana

Carla wa ker umibig mang muli si Tom

HATAWANni Ed de Leon AYAW daw magbigay ng ano mang reaksiyon si Carla Abellana sa sinasabi ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *