Tuesday , April 23 2024

Ex-wife ng isang TV personality maligalig

KUMAKALAT sa ngayon sa show business na nakakulong na raw ang former wife ng isang kilalang male TV Personality.
 
Nakulong raw kasi ang dating asawa ng male TV personality dahil sa malaking halagang involved sa isa nitong nakatransaksiyon.
 
Mayaman at maimpluwensiyang tao raw ang nakatransaksiyon ng maligalig na matrona kaya naipakulong ito.
 
Come to think of it, matagal nang may isyu sa pera ang dating asawa ng TV host na ito pero hindi na siya nakikialam dahil matagal na silang hiwalay.
 
May bagong asawa na kasi si male TV personality at ang mga anak na lang nila ang inaasikaso nito.
Come to think of it, wala namang mapapala ang TV personality in the event that he would talk about the predicament of his former wife.
 
Prior to her incarceration, may I call pa raw ang former wife sa bagong asawa ng kanyang mister at may iniaalok na negosyo.
 
Hindi naman siguro baliw ang bagong asawa na makipag-deal pa sa former wife gayong basang-basa na ang papel nito.
 
Grabe, never-ending saga pala talaga itong mag-ex-couple.
 
Well, masalimuot nga ang mga pangyayari pero tipong ‘di naman apektado si TV personality.
 
Matagal na nga naman silang hiwalay at hindi naman niya sagutin ang kamalasadohan ng kanyang dating asawa.
 
‘Yun lang!

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Blind Item, Men

Male starlet ‘sumisingaw’ na videos kasama ng mga customer na bading

ni Ed de Leon MAGANDA ang sideline ng isang male starlet. Tambay lang siya sa isang watering …

Kristine Hermosa Jericho Rosales

Kristine ‘di feel makatrabaho si Jericho

HATAWANni Ed de Leon BAKIT parang bantulot si Kristine Hermosa nang sabihin sa kanyang gusto siyang makasamang …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel bumaba ang TF nang mahiwalay kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami noong isang araw sa isang blog, na nagsasabi kung …

Vilma Santos

Ate Vi karapat-dapat tanghaling National Artist

HATAWANni Ed de Leon HINDI naghahabol si VIlma Santos na matawag siyang National Artist. Katunayan,  sa tuwing sasabihin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *