Monday , September 27 2021

Dina ‘di na mataray, puring-puri si Jasmine

Rated R
ni Rommel Gonzales

FOR a change, mabait ang papel ni Dina Bonnevie bilang si Rachel Libradilla sa The World Between Us.

“Actually refreshing na bumalik sa pagka-good girl na role kasi palagi na lang akong nagiging mataray and bad, but what’s really refreshing also here is it’s the first time you’re trying to create love in different boxes?

“Pa­rang  kunwari itong love na ‘to square, ito bilog, ito triangle. Parang, kailangang maipakita mo ‘yung difference ng pagmamahal mo kay Lia, pagmamahal mo kay Louie, at kay Brian.”

Anak ni Rachel sa The World Between Us si Lia (Jasmine Curtis-Smith).

“I’m  happy na I’m her mom and good girl ako, na minamahal ko lang siya, hindi ako bad,” at natawa si Dina.

Puring-puri ni Dina si Jasmine. ”Si Jasmine naman talaga very passionate actress ‘yan, eh, professional. 

“I actually love working with the Curtises,” sambit pa ni Dina na nakatrabaho na pareho sina Jasmine at Anne Curtis.

Male lead stars naman sa The World Between Us bilang si Louie Asuncion si Alden Richards at bilang Brian Libradilla si Tom Rodriguez.

Kasama rin sa The World Between Us si Ms. Jaclyn Jose bilang Yachie Delgado.

May mahahalagang papel din dito sina Sid Lucero, Kelley Day, Yana Asistio, Jericho Arceo, at Donn Boco. Nagkaroon ng espesyal na partisipasyon si Glydel Mercado.Sa direksyon ni Dominic Zapata at ito ay napapanood weeknights pagkatapos ng 24 Oras.

 

 

About Rommel Gonzales

Check Also

Blind Item gay sex

Aktor walang takot makipag-sex basta may bayad

INAAMIN naman daw ng bi-sexual na male star na kuntento siya sa naging fling nila ng isang male star na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *