Wednesday , April 24 2024
Derrick Monasterio Sanya Lopez Wild and Free
Derrick Monasterio Sanya Lopez Wild and Free

Derrick, tinablan sa sobrang wild ng love scene nila ni Sanya

TINANGGAL nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez ang kanilang wholesome image para sa mga love scene na ginawa nila sa bagong handog na pelikula ng Regal Films, ang Wild and Free na pinamahalaan ni Connie S. Macatuno at mapapanood na sa Oktubre 10.

Makatawag-pansin ang mga picture at trailer ng lovescene ng dalawa na ginawa sa ibabaw ng washing machine at sa loob ng kotse na nakabikangkang si Sanya. Marami pang eksena na tiyak ikagugulat ng marami.

Pag-amin ni Sanya, pinaghandaan niyang mabuti ang mga eksena nila ni Derrick bago pa man ang intimate scene sa loob ng kotse.

“Inihanda ko na ang sarili ko rito, gustong-gusto ko ‘yung natututo ako at nag-iimprove” aniya kaya naman nawala ang ilangan nila ni Derrick at naging komportable na sa isa’t isa.

“Okay ako kay Derrick kahit anong gawin at pag-usapan namin. Kahit dirty talks I can discuss with him because we are both naughty, we are both wild and free. Matagal na kaming magkakilala at mas nagkakilala pa kami.”

Realistic naman kung ilarawan ni Derrick ang lovescene nila ni Sanya.

“Makikita ninyo sa mga eksena namin sa movie, the love making scenes are so sexy, i think nagawa namin ‘yun together ng maganda.” Sambit ng actor.

Happy si Derrick na si Sanya ang nakasama niya sa pelikula at inaming,  “Sanya has a sexy character, has seductive eyes and is alluring. Tempting talaga because she has a very pretty face and sexy body.”

Pag-amin pa ng actor, “Siyempre tayong mga lalaki, tinitingnan natin ‘yan. Naaakit tayo sa physical, then susunod na ‘yung character. Na-attract talaga ako. Hindi na ako nahirapan na gawin sa kanya ‘yung mga eksena, kasi nadala ako sa sexy scenes namin.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


#YATO, a gift from God — Lance
#YATO, a gift from God — Lance
Vision nina Santos at Ricio, nagkaisa sa pagsasapelikula ng Para Sa Broken Hearted
Vision nina Santos at Ricio, nagkaisa sa pagsasapelikula ng Para Sa Broken Hearted

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *