Monday , September 27 2021
Dennis Trillo
Dennis Trillo

Dennis sa pagbibida — Importante, importante pala ako sa GMA!

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGDUDUDA si Dennis Trillo nang sinabi sa kanyang siya ang bida sa Kapuso series na Legal Wives.

Eh wala pa kasing pandemic bago ito mabuo. Pandemic na nang mabuo.

 ”Paano ito magagawa ngayong pandemic? Engrande ang kuwento at siyempre, maraming kailangang isagawa. Magagawa ba ito sa panahon ngayon?” saad ni Dennis sa virtual mediacon ng series.

Kaya laking gulat niya nang mapanood ang mga eksena. Lalo na’t hindi lang ito isang family drama kundi ukol sa buhay ng mga Maranaw.

Lalabas na Maranaw si Dennis. Pakakasalan niya sina Alice DixsonAndrea Torres, at Bianca Umali.

So ano ang feeling niya ngayong sa kanyang balikat nakaatang ang Legal Wives?

“Importante! Importante pala ako sa GMA!” bulalas ng aktor.

About Jun Nardo

Check Also

Kris Bernal, Perry Choi, wedding

Kasal nina Kris at Perry tahimik at maayos

HATAWANni Ed de Leon HINDI kagaya ng ibang kasal na nagkakagulo dahil sa isang tambak na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *