Saturday , September 25 2021

Alex Diaz, handang gumawa ng BL series with Tony Labrusca

EXCITED si Alex Diaz sa kanyang unang BL digital series na Oh Mando na handog ng Dreamscape Entertainment at Found films na unang napanood noong Nobyembre 5 sa iWantTFC.

Aminado si Alex na hindi niya inaasahan ang offer na ito lalo’t nagdesisyon na siyang bumalik ng Canada.

Aniya, ”Unang-una sa lahat, kung paano ipin-resent sa akin ‘yung project was that point in my life I was actually going back to Canada. I was there to take a rest and possibly to start over. Maybe I ran my course here and I just thought to kind of accept the reality of my career.

“And then direk Edong (Eduardo Roy Jr.) talked to my manager about a role for me and I was kind of waiting for a sign. I thought maybe this was God’s way of telling me that, ‘You have to come back and show everybody that you’re just as entitled to the dream as everybody else. No matter where you came from or no matter what you’ve gone through, no matter what you’re struggling with on the inside or at home, the dream is for everybody. So we’re all entitled to it.’ So that’s why I said yes to the project,”  paglalahad ni Alex sa isinagawang zoom conference.

“I’m excited for ‘Oh, Mando!’ to come out kasi finally, mapapanood ako sa isang lead role, makikita niyo talaga ‘yung craft ko. It’s such a big role and I feel like I don’t mind answering these questions kasi kung mapapagod ako, paano na lahat ng mga katulad ko na, they’re also demanding answers from themselves. So I’m excited for this project kasi paunti-unti matatabunan ‘yung issue with my craft,” giit pa ni Alex.

Sinabi rin ni Alex na mas okey na ngayon ang pakiramdan niya lalo’t mas naging open book na rin siya simula nang amining bi-sexual siya.

Anang actor, ”The more I talk about it, the more I understand myself better. In terms of being mas careful, I feel like before I was so careful and when you are so careful trying to keep yourself from doing anything wrong, when you explode, grabe talaga yung explosion di ba. Now I’m at this point where watching what I say, watching how I act, watching what I do, grabe I feel like I’m in such a good place where I don’t have to be careful. Now I’m paid to be exactly who I am. So it’s a good feeling.”

Okey naman kay Alex sakaling magkaroon ng offer na gumawa siya ng BL series with Tony Labrusca na inilink sa kanya noon.

“I think to dissect the situation, I need to take complete ownership sa lahat ng mga bagay sa buhay natin. In terms of clarification, wala na akong kailangang i-clarify kasi I think naka-ilang interview na ako and I think kami rin ni Tony alam namin na kahit anong sabihin namin, you know people will really talk and the issue won’t die because it’s on the internet. To answer the question, alam ko naman na ‘pag nag-project kami ni Tony, maraming manonood. Papatok siya because of the issue. So if the script is really good, if the script is fantastic, why not?”

Samantala, ibang-ibang Alex at Kokoy De Santos ang mapapanood sa Oh, Mando na tinatampukan din ni Barbie Imperial,

Kuwento ito ni Mando (Kokoy), isang college student at hopeless romantic na pilit na itinatago ang pagtingin niya para sa mga lalaki.

Sa kabila ng pagkalito sa kanyang sekswalidad, mapapalapit ang loob niya sa maganda at liberated na si Krisha (Barbie) matapos nilang magkakilala sa isang school play. Hindi naman magtatagal ay magiging sila, habang patuloy na itinatago ni Mando ang sikreto niya mula sa bago niyang girlfriend.

Sa panahon namang unti-unti na niyang minamahal si Krisha, magbabago ang mundo ni Mando nang makilala niya si Barry (Alex), isang gwapong atleta na “out and proud” sa pagiging bakla nito.

Ang serye ay idinirehe ni Eduardo Roy Jr., ang award-winning director ng Pamilya Ordinaryo, Lola IgnaBahay BataQuick Change, at  F#*@BOIS.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vilma Santos, Isko Moreno

Yorme dadalhin ng mga Vilmanian

HATAWANni Ed de Leon UNANG-UNA yata si Boss Jerry Yap na nagdeklara sa kanyang social media account na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *