Friday , March 29 2024

Aiko Melendez umaming naranasan ang lahat ng violence sa mga eksena nila ni Maja Salvador sa “Widlflower”

SA halos isang taon ng “Wildflower” sa ere ay hindi na mabilang ang madudugong confrontation o patayang eksena na ginawa ni Aiko Melendez bilang Emilia Ardiente Torillo at Ivy Aguas/Lily Cruz portrayed by Maja Salvador.

At hindi lang number one contravida sa serye si Aiko kundi naipamalas niya ang mas lalo pang husay sa pag-arte na lume-level sa husay ng ilang co-actors gaya ni Tirso Cruz III at Zsa Zsa Padilla.

Dito raw sa Wildflower naranasan ni Aiko ang masaktan o sumakit ang katawan pagkatapos ng scene nila ni Maja pero may pambawi naman daw kaagad dahil bukod sa trending sila ay marami ang pumupuri sa performance nila sa soap.

Samantala sa huling linggo ng kanilang wildest ending ay sisisihin ng mga Ardiente si Lily sa pagkamatay ni Arnaldo at ipapahiya sa harap ng lahat.

Iiikot siya sa bayan suot ang karatulang nagsasabing siya ay mamamatay tao habang si Emilia ay nasa likod at hinahagupit siya ng latigo.

Unti-unti na sanang pumapabor sa mga Ardiente ang kaganapan, hanggang nadiskubre ng taong bayan ang isang mass grave ng mga pinaghihinalaang pinaslang nila ng mga kaanak na magpapasidhi ng galit sa lahat.

Paano mababago ng itinatagong lihim na ito ang laban? Paano sisibol ang pag-asa sa likod ng matinding paghihirap ni Lily? Paano muling masisilayan ng poblacion Ardiente ang liwanag matapos balutin ng matinding kadiliman?

Higit sa paghihiganti, ang “Wildflower,” na nilikha sa ilalim ng business unit na pinamamahalaan ni Ruel Bayani, isang makapangyarihang kuwento tungkol sa lakas ng  loob, determinasyon, at tatag ng isang babaeng ang hangad ay hustisya para sa kanyang pamilya at para sa kayang mga kababayan.

Dala ang pag-ibig at pag-asa sa kanyang puso, ipinaglalaban ni Lily ang tama nang hindi inilalagay ang batas sa kanyang mga kamay.

Mapapanood ang Wildflower weeknights before TV Patrol sa ABS-CBN 2.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Moira dela Torre

Moira inaming naging bulimic sa loob ng 2 taon

RATED Rni Rommel Gonzales MAY mensahe si Moira dela Torre para sa mga taong kasalukuyang nagdurusa dahil …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul mag-ilaw kayang muli kasama si Mikee sa Good Friday procession?  

I-FLEXni Jun Nardo MADALAS naming nakikita at nakaka-chikahan si Mikee Quintos tuwing Biyernes Santo. Eh kahit nakatira …

DingDong Dantes Marian Rivera Zia Sixto

Marian excited sa biyahe ng kanilang pamilya 

I-FLEXni Jun Nardo KOMPLETO na ang pamilya Dantes (Dong, Marian, Zia, at Sixto) na biyahe nila sa ibang bansa …

blind item

Magsyotang lesbiyanang sexy model at GF wasak planong utuin ang DOM

ni Ed de Leon NATAUHAN ang sexy female model na akala ay totoong baliw na baliw sa …

Tom Rodriguez Carla Abellana

Carla wa ker umibig mang muli si Tom

HATAWANni Ed de Leon AYAW daw magbigay ng ano mang reaksiyon si Carla Abellana sa sinasabi ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *