Saturday , October 16 2021

Empleyado ng PECO nagsumbong kay Digong (Hindi lang consumers)

AMINADO ang mga kawani ng Panay Electric Company (PECO) na kai­langan ng new management ng mga residente sa Iloilo City para masolusyonan ang problema sa koryente sa lalawigan.

Sinabi ni Gaudioso Arnejo Sumandi , 24 taon nang empleyado ng PECO at nagsisilbing lineman at trouble shooter, mismong siya ay hindi na nakatiis sa palpak na pamama­lakad ng kompanya kaya pinangunahan na niya ang paghingi ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng 8888 Citizens’ Com­plaint Hotline upang ipaabot sa Malacañang ang problema nila sa PECO.

Ipinarating ni Suman­di nitong 12 Agosto 2018 ang reklamo sa Malaca­ñang na ang tanging ha­nga­rin ay maipaabot kay Duterte ang kanilang situwasyon at maka­pag­sagawa ng imbesti­ga­s-yon.

Sa isang panayam kay Sumandi, inamin ni­yang maraming mga mang­gagawa  ang nais magreklamo sa pama­lakad ng PECO ngunit hindi nila ito magawa dahil karamihan sa mga empleyado ng kompanya ay mga kontraktuwal.

Gaya umano sa ope­ration department, siya na lamang ang nag-iisang regular employee at lahat ay kontraktuwal na.

Inamin ni Arnejo na nababahala siya sa linya ng koryente ng PECO dahil overloading. Kung hindi umano ito matutu­gunan ay malaking pa­nga­nib ang maaaring idulot.

May ilang pagkaka­taon na umano na nagka­karoon ng sunog dahil sa pag-iinit ng kable dala ng overloading at masuwerte lamang na agad nila itong naaapula kaya walang nagiging malaking pin­sala.

May batayan din u­ma­no ang reklamo ng mga residente na pala­gian ang brownout na nararanasan, ito umano ay dahil ang mga linya ng koryente ay putol-putol na karaniwang pinag­dugtong lamang nila at ginawan ng paraan para magkailaw ang mga residente.

“Dahil ginawan lang ng paraan at hindi pinali­tan ang linya, araw-araw o linggo-linggo nasisira ulit, ganito lang ang nangyayari, pabalik balik ang problema. Ang dapat palitan ang buong linya pero walang pondo raw para rito”dagdag ni Su­mandi.

Sa pagtataya ng mga manggagawa, hindi na umano interesado ang PECO sa pagpapalakad ng kompanya dahil alam naman ng pamunuan ang mga probema ngunit wa­lang ginagawang aksiyon.

“Sa isip ko wala nang ganang patakbuhin ang kompanya, kasi ni ballpen wala nang magamit, ‘yung sasakyan na service 30 years na ginagamit, repair nang repair lang. Talagang hindi na ma­ganda ang pagpa­patak­bo,”giit ni Sumandi.

Aniya, maging sa Department of Labor and Employment (DOLE) Ilo­ilo ay naghain na rin siya ng reklamo dahil sa hindi pagbabayad sa kanila ng overtime pay pero napili­tan siya na bawiin ang reklamo sa pakiusap ng management na intindihin muna ang kanilang pag­kukulang.

Aminado si Sumandi na sila ang may malasakit sa kompanya habang wala namang pagma­ma­hal sa kanila ang kompan­ya.

Sa katunayan, sa 24 taon niya sa kompanya, 21 taon dito ay kontrak­tuwal at nasa P14,200 la­mang ang kanyang sahod.

Apela ni Arnejo sa PECO, huwag nang itanggi ang pagkukulang nito at aminin na hindi na kayang bigyan ng magan­dang serbisyo ang con­sumers.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

1,000 benepisaryo ng “Cash For Work” tumanggap ng 4k (Sa Parañaque City)

AABOT sa 1,000 displaced workers mula sa iba’t ibang barangay sa District 1 ng Parañaque …

shabu drug arrest

Live-in partners, isa pa timbog sa buy-bust

SWAK sa kulungan ang live-in partners at isa pa sa isinagawang buy bust operation ng …

Ilegal na troso nasamsam sa Bulacan

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mga ilegal na troso mula sa apat katao sa isinagawang …

9 tulak, 2 pugante deretso sa hoyo (Sa 24-oras police ops sa Bulacan)

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang siyam na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at dalawang pugante …

2 tulak sa Nueva Ecija todas sa buy bust ops (Pumalag, nanlaban)

TUMIMBUWANG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makipagbarilan sa pulisya sa ikinasang …

Leave a Reply