Friday , April 19 2024
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

‘Di dapat konsintihin ng INC

PROMDI
ni Fernan Angeles

MINSAN pa’y masusukat ang paninindigan ng kapatirang Iglesia Ni Cristo (INC) sa gitna ng mga bulilyasong dala ng isang yayamaning tagapanalig na kumakaladkad sa kanilang hanay para sa pansariling interes.

Sa harap ng napipintong pagkastigo ng Department of Education sa katampalasan ng isang private contractor, parang batang iyaking nagsumbong sa kanilang ‘apatiran’ ang negosyanteng JC Palaboy na para bang siya pa ang agrabyado matapos pakinabangan nang husto ang nasabing ahensiya sa loob ng mahabang panahon.

Ito ay bunsod ng isinasagawang proseso ng DepEd kaugnay ng bulilyasong kinasangkutan nang tangkaing lansihin ang gobyerno para maibuslo ang P1.1-bilyong kontrata para sa paglilimbag ng learning modules na gagamitin ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ngayon school-year 2021-2022.

Sa kuwento ng ating impormante, personal pang tumungo ang palaboy sa punong tanggapan ng kanilang ahensiya para idulog ang napipintong pagkaka-blacklist ng kanyang kompanya sa kagawarang pinamumunuan ni Secretary Leonor Magtolis Briones.

Batay sa paunang resulta ng pagsisiyasat ng kagawaran, lumalabas na ang kompanya ng JC Palaboy mula sa Lungsod ng Marikina ay nagsumite sa nasabing ahensiya ng mga dinoktor na dokumento upang palabasing kalipikado para lumahok sa government bidding. Ang siste, may isang pumiyok hinggil sa diskarteng pilipit ng sigang kontratista.

Hindi naman puwedeng tawaran ang testimonya ng ating ‘whistleblower’ lalo pa’t siya mismo ang kinasangkapan ng nasabing kontratista para palusutin ang dispalinghadong dokumento na karaniwang gina­gawa lamang sa Recto Avenue sa Maynila noong mga nakalipas na panahon.

Marahil sa sobrang excitement, nakalimutan niyang may nauna na pala siyang isinumiteng dokumento bago pa man isinagawa ang bidding para sa P1.1-billion contract.

Nakasaad sa Net Financial Contracting Capacity na nasa pag-iingat ng departamento na puwede lang siyang lumahok sa bidding para sa mga proyektong nagkakahalaga ng P100 milyon pababa – at hindi sa isang kontratang 11 ulit na mas mataas tulad nitong nais niyang kornerin sa kagawaran ni Briones.

Bukod doon, lumalabas na matagal na panahon na pala niyang nilalansi ang DepEd gamit ang kompanyang rehistradong “gift shop.”

Akalain mo nga naman… sa tagal ng panahong niloloko niya ang gobyerno, siya pa ang may ganang magsumbong sa ‘kapatiran’ na may punong tanggapan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Sa ganang akin, naniniwala akong tunay na maimpluwensiya ang ‘kapatiran’ pero dapat nitong mapagtanto na may mga sumbong na puwede nilang tugunan lalo pa’t pawang katotohanan ang idinudulog sa kanila ng isang tagapanalig. Pero sa kaso ng sigang si Palaboy, isang kalokohan na konsintihin nito ang katalampalasang ginawa sa pamahalaan – at maging sa 109 milyong masugid na taxpayers.

Panawagan ko kay Ka Eddie, sampolan niya ang mga ungas na tulad ni Palaboy na ang diskarte ay panlalamang gamit ang pangalan ng ‘kapatiran.’ Ang mga tulad ni Palaboy, dapat nang itiwalag sa kanilang hanay.

About Fernan Angeles

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *