Sunday , October 17 2021

DFA consular office sa Aseana bukas na kada Sabado simula 10 Pebrero 2018 (Kailan ibababa ang P1,200 bayad sa passport?)

MAGBUBUKAS na raw tuwing Sabado ang Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Aseana simula sa Sabado, 10 Pebrero 2018.

Ang Consular Office po ay ‘yung kuhaan ng passport.

‘Yan ay para raw maaresto ang lumalaking backlog sa applications at issuance ng passport.

Isa ito sa magandang hakbang ng DFA.

Pero sa  totoo lang, ang hinaing ng mga kababayan natin ay pabilisin ang proseso at is­suance ng passport. At higit sa lahat, babaan ang presyo.

Mantakin naman ninyo, nagbabayad ang mga Filipino ng P1,200 para sa pasporte para lang mapanis sa pag-a-apply at paghihintay na mailabas ang kanilang dokumento?!

Subukan po ninyong pumasyal sa Aseana, makikita ninyo ang mga kababayan natin na karamihan ay overseas Filipino workers (OFWs) ay nakapila hanggang sa kalsada.

Secretary Alan Peter Cayetano Sir, muk­hang panay lang ang biyahe ninyo, aba solusyonan po ninyo ‘yang napapantot na problema sa DFA.

Ay sus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Gibaan sa socmed rumatsada na publiko mag-ingat sa fake news

BULABUGINni Jerry Yap MGA MAGULANG panahon ngayon para bantayan o turuang maging matalas ang inyong …

Karla Estrada, Tingog

Kathniel’s fans hindi konsintidor sa pagiging ‘ingrata’ ng ina ng aktor (Sa paghahain ng CONA ni Karla Estrada)

BULABUGINni Jerry Yap IBANG klaseng manindigan ang fans ng love team na Kathryn Bernardo at …

Manny Pacquiao, Survey

Pulse Asia: Manny Pacquiao top 1 sa trusted candidate/s? (The magic of surveys)

BULABUGINni Jerry Yap HETO na naman ang “game of mind conditioning” sa pamamagitan ng survey …

No Contact Apprehension Program, NCAP, Quezon City, QC, Traffic

Pasaway na drivers sa QC bilang na ang araw n’yo

BULABUGINni Jerry Yap BILANG na ang araw ng mga pasaway at palusot na driver na dumaraan …

Oras na… There will be an answer Leni be

BULABUGINni Jerry Yap ‘YAN po ang bumaha sa newsfeed ng inyong lingkod kahapon.                 Kasunod …

Leave a Reply