Monday , October 18 2021
Carlo Biado US Open 9-Ball Pool Championship

Carlo Biado naghari sa US Open 9-Ball Championship

TINUMBOK ni Filipino Carlo Biado  si Singaporean Aloysius Yapp, 13-8, sa finals para magkampeon sa US Open 9-Ball Pool Championship na ginanap sa Harrah’s Resort, Atlantic City, New Jersey, USA nung Linggo ng madaling araw.

Nagbunga ang “never say die attitude” ni Biado mula sa pagkalubog sa 3-8 nang magpasabog siya sa sunud-sunod na panalo. Hindi na siya lumingon pa sa kalaban na ipinatupad ang 9 ball winner’s break matapos matumbok ang 10 straight racks para maiuwi ang  P1.5 million champion purse.

Una rito ay nagwagi si Biado kontra kay  Japanese Naoyuki Oi ng Japan, 11-9, sa semis habang naka­ungos si Yapp kay Filipino Dennis Orcollo, 11-6.

“Ito ang isa sa pinakamahirap na torneyo aking sinalihan.  Dahil sa 2017 WPA World 9 ball Championship sa Doha, Qatar ay walang pressure dahil parehong Pinoy ang nagharap sa finals,”sabi ni Biado nitong Linggo sa panayam ni Ms. Judith Caringal ng Radyo Pilipinas 2.

Ang native  La Union ang naging unang  Filipino champion matapos ang 27 taon. Nakopo ni Reyes ang titulo noong 1994.

Subalit sa mga sumu­nod na taon ay nabigo na  maduplika ni Reyes ang tangan na titulo.

Natalo si Reyes sa finals kontra kina Reed Pierce (1995), Rodney Morris (1996) at Earl Strickland (1997) ng United States, ayon sa pagkakasunod.

Ang U.S. Open 9-Ball Championships ay isang annual professional men’s nine-ball pool tournament na nagsimula noong 1976.

Muntik ng maduplika ni Filipino pool legend Jose “Amang” Parica ang tagumpay ni Reyes subalit kinapos sa finals.

Si Parica na kinikilala bilang leader of the Filipino invasion sa US  sa mid-’80s ay natalo kay Jeremy Jones ng USA noong 2003 at Alex “The Lion” Pagu­layan ng Canada noong 2005.

Tiklop din si Rodolfo “Boy Samson” Luat kay John Schmidt ng USA noong 2006, nadapa si Ronato Alcano kay Shane Van Boening ng  USA noong 2007 at Mika Immonen ng Finland noong 2008.

Tinalo naman ni Shane Van Boening ng USA  sina Dennis Orcollo noong  2012, Lee Vann Corteza noong 2013 at Dennis Orcollo noong 2014. (Marlon Bernardino)

About Marlon Bernardino

Check Also

James Yap, CoC, San Juan, Francis Zamora

James sinabon agad ng netizens (Sa pag-file pa lang ng COC)

FACT SHEETni Reggee Bonoan GRABE, ngayong Oktubre 5 pa lang magpa-file ng Certificate of Candidacy …

Bayanihan Chess Club

Suelo tinalo si Young sa Balinas Jr., Chess Challenge

GINIBA ni Fide Master Robert Suelo, Jr., si International Master Angelo Young, 7-3, para masungkit  ang …

Anthony Joshua, Oleksandr Usyk, Roy Jones Jr

Jones Jr., desmayado sa taktikang ginamit ni Joshua kontra Usyk

NAPAHAYAG ng komento si Roy Jones, Jr., sa pagkatalo ni Anthony Joshua kay Oleksandr Usyk noong …

Manny Pacquiao Retiring

Pacman goodbye boxing na — I just heard the final bell

FACT SHEETni Reggee Bonoan TULUYAN nang isinampay ni Senador Manny Pacquiao ang kanyang boxing gloves bilang hudyat …

ONE Championship

10th anniversary ng ONE Championship ipagdiriwang sa Disyembre 5

MAGIGING host ang  Singapore-based martial arts organization na ONE Championship sa pinaka­aabangang 10th anniversary event sa …

Leave a Reply