Monday , October 18 2021
District Special Operation Unit Northern Police District, DSOU-NPD

Budol-Budol King nasakote sa Kankaloo (Top 6 most wanted)

NASAKOTE ng mga tauhan ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa bisa ng warrant of arrest ang tinaguriang Budol-Budol King at top 6 most wanted person sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni DSOU head P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Eduardo Dela Rosa, alyas Edwin, 43 anyos, J&T Express Delivery rider at residente sa Brgy. 171 Bagumbong, Caloocan City.

Base sa report ni P/Lt. Col. Dimaandal kay NPD Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., nakatanggap ang DSOU ng impormasyon mula sa NDIT-RIU NCR na naispatan ang akusado sa kanilang lugar.

Kaagad bumuo ng team ang DSOU sa pangunguna ni P/Lt. Melito Pabon saka nagsagawa ng manhunt operation dakong 3:30 pm na nagresulta sa pagkakaresto kay Dela Rosa sa kanyang bahay.

Ayon kay DSOU investigator P/MSgt. Julius Mabasa, si Dela Rosa ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Regional Trial Court (RTC) National Capital Judicial Region Branch 80, Quezon City Hon. Judge Madonna Echiverri para sa kasong Robbery at Theft, may piyansa P100,000 para sa pansamantalang kalayaan.

Ang akusado ay nasa top 6 most wanted person sa Caloocan City at tinaguriang lider ng “Dela Rosa Steal Gang” na responsable sa maraming kaso ng robbery at budol-budol sa Metro Manila at mga karatig probinsiya. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Janine Gutierrez

Janine Gutierrez itinanggi basang kili-kili tweet; BBM supporters kuyog

FACT SHEETni Reggee Bonoan MARIING itinanggi ni Janine Gutierrez ang umano’y viral tweet niya na pinansin …

101821 Hataw Frontpage

Exclusive: Pinay sa Kuwait patay sa ‘sadiki’ bday girl nag-suicide (Nalason sa selebrasyon)

HATAW News Team ISANG 26-anyos overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait ang na-comatose hanggang tuluyang …

Smart, BTS

Pagbayad ng Smart-PLDT ng daang milyong piso sa foreign endorsers hinagupit ng kongresista

BINATIKOS ng isang partylist congressman ang top executives ng Smart-PLDT dahil sa pagkuha ng mga …

Quezon Province

Gob ‘sabit’ sa dinukot na ‘saksi’ sa heinous crime (‘Biktima’ gustong suhulan)

MULING mahaharap sa panibagong kasong kriminal si Quezon Province Gov. Danilo Suarez matapos ituro ng …

1,000 benepisaryo ng “Cash For Work” tumanggap ng 4k (Sa Parañaque City)

AABOT sa 1,000 displaced workers mula sa iba’t ibang barangay sa District 1 ng Parañaque …

Leave a Reply