Saturday , October 16 2021

Beautician arestado sa ipinuslit na tsokolate

ISANG 24-anyos beautician ang nadakip nang mang-umit ng tsokolate sa isang drug store nitong Sabado ng umaga, 28 Agosto, sa lungsod ng San Juan.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si August Leo Quiambao, 24 anyos, isang beautician.

Nabatid na dakong 8:00 am kamakalawa, nang pumasok si Quiambao sa drug store sa Brgy. Rivera, sa lungsod, at nagpanggap na namimili.

Ayon sa security officer na si Ferdinand Talamisan, kinuha ng suspek ang dalawang piraso ng tsokolateng Toblerone na nagkakahalaga ng P232 at inilagay sa dala niyang bag saka mabilis na lumabas nang hindi nagbabayad.

Dito na hinarang ni Talamisan ang suspek at hiningan ng resibo ngunit walang maipakita sa guwardiya.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong qualified theft.

(EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Mga sinehan bubuksan na

I-FLEXni Jun Nardo PINAYAGAN nang magbukas ang mga sinehan sa lugar na nasa Alert Level …

6 suspek dedo sa enkuwentro (Gasolinahan tangkang holdapin)

6 suspek dedo sa enkuwentro (Gasolinahan tangkang holdapin)

PATAY ang anim na hinihinalang mga kawatan at pawang mga miyembro ng carnapping gang Nang …

101521 Hataw Frontpage

Pharmally ‘una’ sa 30 kompanyang sumungkit ng P27.4-B (Sa P65.19-B Bayanihan 1 & 2 funds)

ni ROSE NOVENARIO NANGUNA ang Pharmally Pharmaceutical Corp., sa 30 kompanyang nakasungkit sa gobyerno ng …

Bayaning Tsuper, BTS, Cebu City PWDs

Handog ng Bayaning Tsuper (BTS): Libreng service vehicle para sa Cebu City PWDs

ILANG araw matapos maghain ng kanilang certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa eleksiyon …

Noli De Castro

Kabayan umatras na sa pagka-Senador, balik-TV Patrol kaya?

FACT SHEETni Reggee Bonoan BABALIK ba si Kabayang Noli De Castro bilang lead anchor ng news program …

Leave a Reply