Saturday , April 20 2024

Batas Kamao nakaaamoy ng premyo

AARANGKADA naman ang karera sa  Metro Turf  pagkatapos sa Sta Ana Park  kung saan ay may walong karera na lalargahan . Narito’t umpisahan na natin ang aking munting paghihimay na inihanda sa ating lahat.

Race-1 : Sa pambungad na takbuhan at umpisa ng 1st Pick-5 event ay uunahin ko ang nakababa pa ulit ng isang grupo na si (6) Bainbridge na rerendahan ni Mart Gonzales, tingin kong magbibigay ng banta ay ang tambalan nina (5) Alhambra ni Carlo Diala at (5a) Mayumi ni Jessie Apellido.

Race-2 : Balikatan sa  unang puntusan ng larong Winner Take All (WTA) event sa biglaang tingin, pero nung nabasa ko ang kalahok na si (3) The Lady Wins na sasakyan ni Renz Ubaldo ay nasabi ko na tila nalagay sa mahinang  grupo ang nasabing kalahok dahil mas sanay akong nakikita siya sa malalakas na laban. Pero kung matunugan ninyo na hindi pa rin ang kanyang takdang panahon ngayong gabi ay nariyan naman ang mga kalaban niyang si (7) Rightsaidfred ni Jeff Zarate.

Race-3 : Sa pangatlong takbuhan para sa larong Pick-6 event ay medyo balikatan din, pero dahil sa lamig ng panahon sa gabi at kung mababasa pa ang pista ay may buti diyan sina (5) Fireworks ni Patar Guce, (3) Jenny’s Cat ni Jerico Serrano, kasama ang tambalan na alaga ni Ginoong Willy “Mr. Bonjing” Afan Jr. na sina (2) Masumax ni Onat Torres at (2a) Purging Line ni Bodjie Henson.

Race-4 : Nakakaamoy na ng premyo sa Race 4  ang kabayong si (2) Batas Kamao na papatnubayan ni Oniel Cortez, makakasabay niya sa pagremate sina (3) Fortune Island ni Jeff Zarate at (1) Isla De Romero ni Claro Pare Jr..

Race-5 : Mababa sa laban si (2) Yes Music ni Totoy Cabarrios Jr. sa Race 5 , magkagayon pa man ay hindi ko basta iiwan ang dala ni Ryan Base na si (6) Sharp Return at bilang pang dehado ay isama sa listahan ang coupled runners na sina (1) Magnificent Eight ni Ba’am Avila at (1a) Becker ni Rey Niu Jr.

Race-6 : Malamang na magkabugbugan sa unang karera ng paboritong huling DD+1 event ni Noli Batang.  Malamang na maggitgitan  sa banderahan ang mga kabayong sina (5) Lasting Rose ni Wilden Delfin at (3) Musikera ni Carlo Diala, subalit kapag nagkalakasan silang dalawa sa banderahan  ay hindi posibleng gumawa ng upset ang dehadong si (2) Fantastic Wiliam ni Onat Torres.

Race-7 : Kapag walang gumambala sa harapan o hindi mapalakas ang ayre ay kayang makabuo ni (7) Mother’s Secret ni Jerick Pastoral sa penultimate race, isa kina (4) Sea Master ni Onat Torres at (3) Et Al ni Eddie Boy Villahermosa Jr ang puwedeng sumilat.

Race-8 : Sa huling takbuhan ay sa tatlong nasa harapan na kaagad ako lalagay ng suporta, iyan ay kina (2) Gorgeous Chelsea ni James Paul Villanueva, (7) Bungangera ni Unoh Hernandez at (6) Ranagant ni Louie Balboa.

REKTA – Fred L. Magno

About Fred Magno

Check Also

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *