Saturday , October 16 2021
DPWH Mark Villar Carmen East-West Diversion Road
DPWH Mark Villar Carmen East-West Diversion Road

Bagong Diversion Road sa Rosales, Pangasinan, ininspeksiyon ni Sec. Villar

ANG bagong gawang 5-kilometrong diversion road na bumabaybay sa Rosales, Pangasinan ay malapit nang  magamit ng mga motorista na nagpupunta sa  ibang bahagi ng eastern Pangasinan, Nueva Ecija, at Nueva Vizcaya.

Nitong Biyernes, 30 Hulyo 2021, ininspeksiyon ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang proyektong tinawag na Carmen East-West Diversion Road sa kabila ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Sinamahan si Sec.Villar sa nasabing  project occular inspection nina Senior Undersecretary Rafael C. Yabut at Assistant Secretary Wilfredo S. Mallari ng DPWH Luzon Operations, DPWH Region 1 Director Ronnel M. Tan, Pangasinan 6th District Representative Tyrone D. Agabas,  Party List Representative Conrado M. Estrella III, DPWH Pangasinan 3rd District Engineer Tito Jesus Salvador, at  Rosales Mayor Susan Casareno.

“I am elated to see that with this newly-completed diversion road, we have drastically-improved the travel time from Rosales and other municipalities such as Balungao, Umingan going to Cuyapo, Guimba, Muñoz, San Jose, and Lupao in Nueva Ecija,” sabi Secretary Villar.

Ang pagpapagawa ng Carmen East-West Diversion Road  sa halagang P519.94 milyon ay isinakatuparan ng  DPWH Regional Office 1.

Sa isinagawang briefing ni DPWH Region 1 Director Tan, sinabi niyang ang Carmen East-West Diversion Road Project na ginawa upang mapaluwag ang daloy ng mga sasakyan sa mga bayan ng  Rosales ay nagtataglay din ng box culvert bilang drainage, slope protection structures, 38-meter Palakipak Overpass Bridge sa kabila ng TPLEX, at 38-meter Udiao Bridge.

“Carmen East-West Diversion Road which is directly-connected to the TPLEX, is seen encourage more business ventures in the area and bring economic and social benefits to the people of Rosales, and its neighboring towns,” dagdag ni Sec. Villar.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil ingrown

Pamamaga ng daliri sa paa dahil sa naiwang ingrown pinaimpis ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,         Ako po si Myrna Estrata, 46 years old, isang …

Bayaning Tsuper, BTS, Cebu City PWDs

Handog ng Bayaning Tsuper (BTS): Libreng service vehicle para sa Cebu City PWDs

ILANG araw matapos maghain ng kanilang certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa eleksiyon …

SM Supermalls, World Retail Awards, #AweSMLearning Phygital Campaign

SM Supermalls wins in the World Retail Awards via #AweSMLearning Phygital Campaign

FOR two consecutive years, SM Supermalls was named one of the winners in the prestigious …

Cebu Pacific plane CebPac

531 Pinoys inihatid ng CebPac sakay ng Bayanihan flights

INILIPAD ng Cebu Pacific nitong nakaraang linggo ang 531 Filipino mula sa Dubai sakay ng …

Krystall Herbal Oil, Foot Cramps

Pulikat ng OFW sa Japan pinagaan ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong, Isa po akong overseas Filipino worker (OFW) na ngayon ay …

Leave a Reply