Wednesday , April 17 2024

hataw tabloid

Anim na law offenders sa Bulacan isinako

Bulacan Police PNP

Nitong Disyembre 28 at hanggang kahapon, ang mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office (BulPPO) ay sunod-sunod na naaresto ang anim na katao na pawang lumabag sa batas sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan. Sa ulat kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang pinagsanib na buy-bust operation ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Special Operations …

Read More »

Nadine bonus ang pagwawaging Best Actress sa MMFF 2022

Nadine Lustre

INAMIN ni Nadine Lustre kung ano ang magiging reaction niya nang malamang kasali sa Metro Manila Film Festival 2022 ang kanilang pelikulang Deleter. Kaya naman bonus din ang pgkakatanghal sa kanya bilang Best Actress sa nasabi ring pelikula na handog ng Viva Films. Ayon kay Nadine hindi niya in-expect na siya ang tatanghaling Best Actress sa katatapos na Metro Manila Film Festival  2022 …

Read More »

Mga lider ng BBM Inc. bumuo ng programang makatutulong sa mga mahihirap

Ang Bansa Babangon Movement BBM Inc

NAGTIPON-TIPON noong nakaraang linggo sa Maynila ang 33 lider ng Ang Bansa Babangon Movement (BBM) Inc. ng mga distrito ng NCR para bumuo ng programang tutulong sa mga mahihirap. Ang mga lider ay kinatawan at tagapagtaguyod ng iba’t ibang sektor sa lipunan.  Sa ginanap na pagpupulong na pinangunahan ni Jake Caday, pinag-usapan nila ang kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa, ang bawat isa na dumalo …

Read More »

Sa Rehiyon 6
11 INSIDENTE NG PINSALA DAHIL SA PAPUTOK NAITALA

paputok firecrackers

NAITALA ng Department of Health (DOH) ang 11 insidente ng 11 firecracker-related injuries sa rehiyon ng Western Visayas sa nakalipas na pitong araw. Ayon kay Dr. May Ann Sta. Lucia, OIC ng DOH-6 Local Health Support Division, pito sa 11 kaso ay naitala sa lalawigan ng Iloilo mula 21 hanggang 26 Disyembre. Naitala rin ang tatlong insidente ng firecracker-related injuries …

Read More »

Sa patuloy na pagbaha sa hilagang Mindanao
6 PATAY SA MISAMIS OCCIDENTAL

rain ulan

ANIM na casualty ang naitala ng lalawigan ng Misamis Occidental nitong Lunes, 26 Disyembre, sa patuloy na pagbaha sa ilang bahagi ng rehiyon ng hilagang Mindanao na nagresulta sa pagpapalikas ng higit sa 40,000 katao. Isinagawa ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Oroquieta City Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) ang pinakahuling retrieval operation sa Purok 3, Brgy. …

Read More »

Mga kaanak tinangkang iligtas
LALAKING NILAMON NG ALON, MISSING

sea dagat

NAWAWALA ang isang 32-anyos lalaki matapos tangayin ng alon nang tangkaing sagipin ang mga kaanak na nalulunod sa isang beach sa bayan ng Binmaley, lalawigan ng Pangasinan nitong Lunes, 26 Disyembre. Patuloy na nagsasagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMMO) at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) upang mahanap ang nawawalang …

Read More »

Sa Bicol Region 2 SA 9 NAWAWALANG MANGINGISDA SA CATANDUANES, BANGKAY NA LUMUTANG SA ALBAY AT MATNOG

Lunod, Drown

WALA nang buhay nang matagpuan ang mga katawan ng dalawang mangingisdang kasama sa naiulat na nawawala sa lalawigan ng Catanduanes, ayon sa kompirmasyon ng Office of the Civil Defense (OCD) Bicol nitong Martes, 27 Disyembre. Ayon kay Gremil Naz, tagapagsalita ng OCD Bicol, natagpuan ang bangkay ni Arnel Araojo, 43 anyos, sa dalampasigan ng Brgy. Calanaga, Rapu-Rapu, Albay; habang natagpuan …

Read More »

Lungsod ng Iligan binaha
81 PAMILYA INILIKAS

flood baha

UMABOT sa 81 pamilya ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan na apektado ng pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulan sa lungsod ng Iligan, lalawigan ng Lanao del Norte. Nagmula sa Brgy. Hinaplanon ang 73 pamilya habang ang tatlo ay mula sa Bryg. Del Carmen at dinala sa Hinaplanon National High School. Nitong Linggo, 25 Disyembre, may kabuuang 85 pamilya …

Read More »

Sa Negros Occidental,
TRICYCLE DRIVER SUGATAN SA WHISTLE BOMB

WHISTLE BOMB paputok

ISANG 45-anyos tricycle driver ang sugatan matapos sumabog ang isang paputok sa kanyang kanang kamay sa lungsod ng Bago, lalawigan ng Negros Occidental, nitong araw ng Pasko, 25 Disyembre. Sa ulat mula sa Negros Occidental PPO, nakikipag-inuman ang biktima sa isang kamag-anak nang sinindihan ng kanyang kapatid ang isang whistle bomb na kanyang kinuha bago pa man sumabog. Dinala ang …

Read More »

Sa Sta. Rosa, Laguna
SUPERMARKET NILOOBAN, P.3-M NINAKAW SA ATM

Money Thief

NILOOBAN ng apat na lalaki ang isang commercial establishment sa lungsod ng Sta. Rosa, sa lalawigan ng Laguna, at ninakawan ng hindi pa matukoy na halaga ang isang automated teller machine (ATM) nitong Linggo ng madaling araw, 25 Disyembre. Ayon kay Laguna PPO Provincial Director P/Col. Randy Glenn Silvio, nadiskubre ni Glenje Opeña, 51 anyos, store manager ng Puregold Commercial …

Read More »

3 sasakyan nagkarambola sa Isabela
KONSEHAL PATAY, ALKALDE SUGATAN

road traffic accident

PATAY ang isang konsehal habang sugatan ang alkalde at kanyang kasama sa insidente ng banggaan ng tatlong sasakyan nitong Sabado ng gabi, 24 Disyembre, sa bayan ng Quezon, lalawigan ng Isabela. Iniulat ng isang lokal na estasyon ng radyo na pumanaw si Candido Andumang, konsehal sa naturang bayan; habang sugatan si Quezon Mayor Jimmy Gamazon, Jr., at ang kanyang kasama. …

Read More »

Ejay Fontanilla, tampok sa pelikulang My Love, My Influencer

Ejay Fontanilla

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Viva artist na si Ejay Fontanilla ay patuloy sa paghataw ang showbiz career. May bago kasi siyang project na siya ang bida  at Executive Producer, na plano nilang isali sa mga international filmfest. Pinamagatang My Love, My Influencer, tampok din dito sina Andrew Gan, Carlo Mendoza, at iba pa, mula sa pamamahala ni Aminado si Ejay na ito ang pinaka-challenging role …

Read More »

Sorpresa ni Sen. Imee, mapapanood sa YouTube

Imee Marcos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAY kaabang-abang na namang sorpresa si Senadora Imee Marcos, talagang it’s the most wonderful time of the year at pinag-uusapan ng lahat ang espesyal na Christmas vlog niya na mapapanood nang libre sa kanyang opisyal na YouTube channel sa Disyembre 23. Kaya naman libo-libong Imeenatics at netizens ang mga naghuhulaan kung tungkol saan ang content. …

Read More »

ALEE Rendering Facility, SLSJ Trucking Services namahagi ng biyaya

ALEE Rendering Facility, SLSJ Trucking Services namahagi ng biyaya

AABOT sa 400 katao ang nabiyayaan ng pamasko mula sa ALEE Rendering Facility at SLSJ Trucking Services sa pamamagitan ni Solomon “Ka Sol” Jover, kasama sina Emmanuel Guma Felix, Annie Villano, at Edna Bernardo na halos tradisyon na at taon-taon ang pamamahagi ng biyaya gaya ng bigas, groceries, at cash upang maging masaya at may mapagsaluhan sa araw ng Pasko …

Read More »

Nadine positibong marami ang magtutungo ng mga sinehan para manood ng MMFF entries

Nadine Lustre

HINDI raw talaga planong isali ang pelikulang pinagbibidahan ni Nadine Lustre, ang Deleter ng Viva Films kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ng aktres nang makapasok sa Metro Manila Film Festival 2022. Ayon sa  mahusay at awardwinning actress, “I’m really looking forward to see ‘Deleter.’ Nakatutuwa rin na this time around, I will see myself again on the big screen. Sobrang excited akong makita ang pelikula namin.” …

Read More »

Sa Olongapo
CARETAKER NG LUPA NATAGPUANG PATAY

Dead body, feet

TINITINGNAN ng mga awtoridad ang posibleng foul play sa pagkamatay ng isang caretaker sa Brgy. Sta. Rita, lungsod ng Olongapo, nitong Lunes, 19 Disyembre. Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na mayroong mga sugat sa bandang kilikili ang biktimang kinilalang si Jonathan Hadley, 47 anyos, natagpuang wala nang buhay sa lupaing kanyang binabantayan. Ayon sa mga imbestigador, nakatanggap sila ng impormasyon …

Read More »

P2-M halaga ng ari-arian natupok sa sunog sa Ifugao

fire sunog bombero

TINATAYANG aabot sa P2-milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na tumagal nang dalawang oras sa isang tindahan ng muwebeles at dalawang bahay sa bayan ng Lagawe, sa lalawigan ng Ifugao nitong Lunes ng gabi, 19 Disyembre. Nabatid na sumiklab ang apoy sa tindahan ng muwebles sa Brgy. Cudog dakong 11:00 pm na kalaunan ay kumalat sa mga katabing …

Read More »

Mindmovers Team A naghari sa Pacquiao chess tilt

Maharlika Pilipinas Chess

MANILA — Pinagharian ng Mindmovers Team A ang katatapos na Maharlika Pilipinas Chess League’s  Manny Pacquiao International Open Chess Festival Side Event (Team 3 on 3). Nasa gabay nina Mr. Van Lanuza, Mr. Rafael Ansay, at Engr. Mark Oliver Ingcad, ang Mindmovers Team A na binubuo nina International Master Eric Labog, Jr., Jay Troy Teves, at Jan Clifford Labog ay …

Read More »

Gold sa criterium event si Maritanya Krog

Emmanuel Arago Maritanya Krog

VIGAN CITY – Pamilya ng mga siklista, pinadyak nina Emmanuel Arago at Maritanya Krog ang gold medal sa criterium event ng PSC – Batang Pinoy National Championships – Cycling na nagsimula at nagtapos sa  Provincial Capitol Diversion Road, Ilocos Sur. Naghari ang 13-anyos na si Arago ng Batangas City sa Boys Under 13 matapos irehistro ang 36 minuto at 05 …

Read More »

Dalawang gabing nanguna sa Twitter trend list
MGA BAGONG PALABAS SA ABS-CBN, IPINAKITA SA TRENDING CHRISTMAS SPECIAL

ABS-CBN 2023 new shows

PATULOY ang ABS-CBN sa paglikha ng mga dekalidad at makabuluhang mga palabas sa susunod na taon matapos nitong ipakita ang mga dapat abangang bagong show sa 2023 noong Linggo (Disyembre 18) sa trending na Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa: ABS-CBN Christmas Special 2022.  Ipinasilip ng kompanya ang anim na bagong serye na dapat abangan, kasama na rito ang Dirty Linen na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, …

Read More »

Asawa ni Andrew Schimmer pumanaw na

Andrew Schimmer Jho Rovero

SUMAKABILANG-BUHAY na ang asawa ni Andrew Schimmer na si Jhoromy Rovero kahapon ng gabi matapos ang isang taong pakikipaglaban sa sakit na hypoxemia. Si Andrew ang naghayang ng malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang video post sa kanyang Facebookaccount. Lahad ni Andrew, nasa taping siya ng Family Feud Philippines ng GMA7 nang makatanggap ng tawag mula sa mga doktor sa ospital dahil bigla raw nawala ang blood pressure …

Read More »

Anne Curtis balik-acting sa 2023 

Anne Curtis

MATAPOS ang panganganak at pagtutok sa pag-aalaga ng unica hija nila ni Erwan Heussaff kay Dahlia, balik-acting na si Anne Curtis. Kinompirma ito mismo ni Anne noong Monday sa kanyang fans bilang tatlong taon na rin naman siyang nawala sa paggawa ng pelikula.  Isang fans kasi ang nag-request kay Anne na magbalik-drama na ito. Isinama ng fan ang screenshots ni Anne sa Magpasikat number niya sa It’s Showtime na …

Read More »

DonBelle magsasama sa isang teleserye 

Belle Mariano Donny Pangilinan

KASUNOD ng tagumpay ng kanilang launching project sa small at big screen, magsasama sina Belle Mariano at Donny Pangilinan sa kanilang kauna-unahang teleserye sa ABS-CBN. Sa pahayag ng ABS-CBN pangungunahan ng DonBelle ang cast ng Can’t Buy Me Love. “Abangan ang first-ever teleserye ng ‘New Gen Phenomenal Love Team,’” ayon sa trailer na ipinakita sa isinagawang Christmas special. Ang Can’t Buy Me Love ang magsisilbing latest career milestone ng DonBelle bilang …

Read More »