Sunday , October 17 2021
Renee Alon dela Rosa 

Alon 40 ospital ang pinuntahan

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAMATAY kamakalawa ng umaga ang composer ng kantang Pusong Bato na si Renee “Alon” dela Rosa dahil sa respiratory complications. Namatay siya sa Novaliches District Hospital. Hinihintay pa nila kung siya nga ay tinamaan din ng Covid.

Ang nakalulungkot, dalawang araw silang naghahanap ng ospital na mapagpapasukan sa kanya, at sinabi ng kanyang asawang si Raquel Hernandez na nadala nila si Alon sa halos 40 ospital pero walang makatanggap sa kanya dahil puno na sa pasyenteng may covid.

Mukhang tama ang sinasabi ng mga tao, mali ang tumbok ng gobyerno na puro bakuna ang sinasabi ganoong ang mga bakunado, tinatamaan din ng Covid. Iyon namang mga may Covid bihira ang namamatay at marami ang gumagaling. Bakit hindi ang ayusin ay ang serbisyo ng mga ospital, at bayaran ng tama ang mga healthcare worker para hindi na mag-resign at matulungan ang mga nagkakasakit.

Kaysa natatapon lang sa mga gamot na halos expired na, at mga PPE, face shield, at face masks na mahal na wala pang pakinabang?

Eh kaso wala eh. Nauubos ang oras ng mga heneral sa lockdown. Pandemya ang problema, hindi naman rebellion kaya mukhang mali ang lockdown na in effect ay curfew. Hindi puwede sa pandemya ang military solution.

About Ed de Leon

Check Also

PMPC nagbigay parangal sa mga natatanging Pinoy

MATABILni John Fontanilla SA kauna-unahang pagkakataon, nagbigay ng natatanging parangal ang Philippines Movie Press Club (PMPC) sa …

Luke Mejares, PMPC Star Awards for Music

Luke emosyonal sa pagwawagi sa 12th Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla GRABE ang kasiyahan ni Luke Mejares nang manalo bilang Outstanding Male Concert Performer of …

Daniel Padilla, Regine Velasquez

Regine at Daniel big winner sa 12th Star Awards for Music

MA at PAni Rommel Placente MATAGUMPAY ang ika-12 edisyon ng Star Awards for Music na ipinalabas noong …

Gary Valenciano

Gary muling nanganib ang buhay

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para sa idol naming si Mr. Pure Energy Gary …

Rocco Nacino, Jin Goo

Rocco, Jin Goo ng ‘Pinas

Rated Rni Rommel Gonzales MANALO o matalo, isang malaking karangalan kay Rocco Nacino na maging nominado bilang …

Leave a Reply