Sunday , October 17 2021

Alice, one year resident na ng Bora

READ: Alice, nalungkot sa photoshop wedding picture ng DongYan

SAMANTALA, natanong si Alice tungkol sa Boracay issue na nagpa-picture siya dahil kaarawan niya. Na-bash nang husto ang aktres sa ginawa niyang ito dahil alam naman niyang pinagbawalan ang sinumang mamasyal doon habang inire-rehabilitate ito.

Ipinagtanggol naman si Alice ng staff ng Crimson Resort and Spa Boracay na kaya naroon ang aktres ay dahil asawa siya ng executive ng nasabing hotel.

Ang paliwanag ng aktres, ”I don’t wanna answer the part of being married. But I’m gonna answer the part of being in Boracay.

“Yes, I’m a resident there (one year ago), yes I was there on my birthday, yes I did post pictures on my Instagram because natuwa lang ako na there was nobody in the beach when I was there and I know na never ulit iyon mangyayari sa buhay ko. I never thought that I would hear so much public outcry for that, parang ang laking kasalanan ko but in the same sense na hindi ko naman ma-explain-explain. And I didn’t feel that I need to explain my personal life to the whole world. But now that it’s happened alam n’yo na, ha, ha, ha.”

Nabanggit ni Alice na looking forward ang lahat ng taga-Boracay sa opening nito sa Oktubre 26.

“Hindi ko ipinakita ‘yung road widening na ginagawa, sinadya ko ‘yun because ayokong pintasan or ang dami kasing maliit na information na kapag nalaman ng tao, they blow it up. And a lot of things, even worse pala ang politics, parang ibinabato sa gobyerno ‘yung mga negative na balita right away. They’re always play the blame game and I don’t want that to happen because everybody is working very hard na mag-open na ang Boracay na sa end of October,” kuwento ng aktres.

Sa Ngayon at Kailanman ay gaganap na ina si Alice kay Joshua at natutuwa ang aktres dahil tahimik at nahihiya sa kanya ang batang aktor.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Gary Valenciano

Gary muling nanganib ang buhay

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para sa idol naming si Mr. Pure Energy Gary …

RS Francisco

RS Francisco no to politics

MATABILni John Fontanilla ILANG buwan na lang at magaganap na ang Halalan 2022, pero noon …

Rabiya Mateo

Rabiya tututukan muna ang showbiz career

MATABILni John Fontanilla WALANG balak na muling sumali sa ibang beauty pageant ang 2020 Miss Universe …

Boy Abunda, Times Square, New York

Boy Abunda nanggulat sa digital billboard sa Times Square

HARD TALK!ni Pilar Mateo NASA New York, USA ang King of Talk na si Boy Abunda para …

Kylie Padilla, Aljur Abrenica, AJ Raval

Kylie ok sa relasyong Aljur-AJ — Gusto ko maging masaya siya sa buhay niya

MA at PAni Rommel Placente SA panayam ng Pep.ph kay Kylie Padilla, hiningan siya ng …

Leave a Reply