Monday , October 18 2021

Aitakatta-Gustong Makita debut single ng MNL48, mapapakinggan na!

READ: Marion Aunor, patuloy sa paghataw sa music scene!

TULOY-TULOY na sa pag­ha­­taw ang MNL48, na kauna-unahang Filipina idol group na nabuo sa isang reality talent search sa It’s Showtime. Sila ang counterpart ng sikat na sikat na girl group AKB48 ng Japan, bukod sa mga grupong binuo sa Thailand, Indonesia, at Taiwan sa ilalim ng Hallohallo Entertainment. Sa kanilang launching ay ipinarinig ng grupo ang debut single under Star Music, ang Aitakatta–Gustong Makita na  local version ng big hit ng AKB48.

Magiging bahagi ang Aitakatta – Gustong Makita ng debut album ng MNL48 na prodyus ng Star Music. Binubuo na ang album na ire-release sa 2019. Bukod dito, nagpatikim din ang grupo ng sneak peek sa soon-to-be released music video ng Aitakatta. Kinunan ang music video sa ilang lugar sa Intra­muros, Manila at sa Manila Bay para ipagmalaki na rin sa iba’t ibang panig ng mundo ang local historical places ng Maynila.

Inabot nang dalawang taon ang paghahanap ng magiging miyembro nila na masusing pinili mula sa 4,000 nag-audition online. Sila ay dumaan sa matin­ding pagsasanay sa pagkanta at pagsayaw para maging isang mahusay na performer.

Ang Top 16 ng MNL48 na tinatawag ding SENBATSU ay binubuo nina Sheki, Abby, Sela, Tin, Alice, Ella, Ash, Gabb, Jem, Sayaka, Faith, Lara, Grace, Quincy, Allysa, at Erica.

Ang awiting Aitakatta: Gus­tong Makita ay hango sa signature at highest selling song sa Japan at nag-top sa Oricon Singles Chart in 2006 ng grupong AKB48 na sister group ng MNL48.

Bukod sa Aitakatta, may Taga­­lized version din ang MNL48 ng Japanese song na Sakura no Hanabiratchi–Talulot ng Sakura at ng Skirt, Hirari –Umiindak na Saya na dagdag sa kanilang debut album na may bonus na minus-one at iri-release ngayong Agosto under Hallohallo Enertainment Inc.

Unang mapapanood sa It’s Showtime ang kanilang music video na Aitakatta -Gustong Makita na isang Japanese ang naging direktor.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Mother Lily Monteverde, Regal

Mother Lily may panawagan — Let us help save our movies, our theaters, our entertainment industry

I-FLEXni Jun Nardo OPTIMISTIC ang Regal producer na si Mother Lily Monteverde na maka-”bounce back and become better!” Bahagi …

Vilma Santos thumbs up

Ate Vi dinudumog na ng mga produ

HATAWANni Ed de Leon MASYADONG busy na naman ang mga communication line ni Ate Vi (Congw. Vilma Santos) …

Janine Gutierrez

Janine Gutierrez itinanggi basang kili-kili tweet; BBM supporters kuyog

FACT SHEETni Reggee Bonoan MARIING itinanggi ni Janine Gutierrez ang umano’y viral tweet niya na pinansin …

Alfred Vargas, PM Vargas

Ngiting Artista Program nina Alfred at PM mala-Shaina, Julia smile

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NOON pa man palangiti na si Alfred Vargas. Hindi nga namin …

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply