Saturday , November 23 2024

Direk Quark, mas gustong magdirehe kaysa magpatakbo ng negosyo ng magulang

00 SHOWBIZ ms mCOOL director. Ganito namin nakikita si Direk Quark Henares kung paano magdirehe, mapa-commercial man o pelikula. Very cool din kasi siyang kahuntahan kaya iyon ang aming palagay sa kanyang ugali.

Nagbabalik si Henares (nawala siya ng dalawang taon dahil nag-aral sa isang business school) sa pamamagitan ng My Candidate na kung ilarawan nila ay fresh concept, hilarious story telling, new screen combination ng Quantum Films, MJM Productions, Tuko Film Production, at Butchi Boy Films na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Iza Calzado, at Shaina Magdayao.

Isang comrom ang My Candidate na kuwento ng naiibang romansa at pag-iibigan ngayong panahon ng eleksiyon. Kakaiba ang pelikulang ito dahil sa daigdig ng politika ang background nito na napapanahon sa pagsasabuhay ng kuwento ng tatlong nilalang na sumabak sa kampanya.

Ayon kay Direk Henares, hindi intensiyon ng pelikula nilang My Candidate (na isinulat niya noong December last year pa) na masabay sa darating na eleksiyon ngayong Mayo. Hindi rin ito ginawa para ipakita ang mga pangit na nangyayari sa politika tulad ng korupsiyon.

“Honestly it started out as a joke, nag-iinuman kami kasama ang ilang director…Dan Villegas, this came out, ridiculous ideas, like ang tipo kong katipunero—romcom, and as a joke, how about my candidate? So we were just laughing about it…

“Actually, the story of this movie is about people who knows how to help other people but not themselves…the character of Shaina (Magdayao) occurred to me and it was like…o God this is great to me, a life coach who cannot get her life together.

“That’s why I fell in love with the project, that’s the whole idea,” masayang kuwento ni Direk Quark.

Ginagampanan ni Shaina ang isang life coach and communications trainer na kinuha ng campaign team ni Sonny (Derek) para hasain nang husto sa public speaking at maipalabas ang angking karisma. Na kalaunan ay nagawa naman ni Shaina.

“Actually ‘yung role ni Shaina mas gusto namin sana before na much older actor, a guy in 40’s and someone in her 30’s pero nang ibigay namin iyon kay Shaina, she really standout and I know her for years. She’s great here, I love her,” sambit pa ng director.

Hindi naman itinagi ni Direk Quark na naging peg niya sa paggawa ng pelikulang ito ang tumatakbong senador na si Roman Romulo. ”Romulo is a big peg here, because he wanted to be with  people, to his constituents…he wanted to be a public servant not a politician, hindi sila ‘yung mga trapong politiko. Ito ‘yung character ni Derek.”

Sinabi pa ni Direk Quark na, ”Good side of politics ito, marami namang ganyan, this is the other side.. we didn’t want to deal with corruption. Too heavy kasi iyong ganoon, especially now daming bahong lumalabas. Gusto ko light lang kaya tamang-tama itong My Candidate.”

Samantala, sinabi naman ni Direk Henares na mas happy siya na nai- stress at nami-miss niya ang magdirehe. Dalawang taong din kasi siyang nawala sa industriya para pagtuunan ang pag-aaral ng may kaugnayan sa business.

Pero natatawa siyang ikinuwento na kahit naroon siya sa business school ay nauwi rin siya sa pagdidirehe. ”Ako pa rin kasi ang nagdidirehe ng mga school video, plugs, etc.. Tulad ng final project namin ako nagdirehe niyon. May nag-comment ngang and it really struck me, ‘Hindi ko alam kung matutuwa ako na gumagawa ka pa rin o malulungkot ako na ganito (pagdidirehe) pa rin ang ginagawa mo.’ So, oo nga, I missed my job as a director.”

Aniya, hindi niya nakikita ang sarili na nagpapatakbo ng negosyo ng kanyang mga magulang, ang Belo Medical Group. Mas gusto niya raw na magtayo ng sariling negosyo tulad ng mayroon na siya sa kasalukuyan ang film outfit.

“I don’t want to be in the shadow of my parents, or just Vicky Belo’s kid,”giit niya.

Sa kabilang banda, humamig agad ng milyong views, shares, at likes ang teaser ng MC sa  Facebook  account ng movie simula nang ilabas ito. Aliw na aliw sila sa natural na acting nina Derek, Iza, at Shaina. Bentang-benta ang labanan ng mga ito sa politika gayundin ang patutsadahan at plastikan tuwing magsasalubong.

Hindi naman nagpataob si Shaina kay Iza komo masasabing biggest break niya, todo-bigay din siya sa mga eksenang nakatatawa lalo na sa bahaging unti-unti nang nahuhulog ang puso niya kay Derek.

Malakas din ang screen presence nina Derek at Shaina. Hindi pilit ang eksena nilang romantiko at nagdadala ng kilig moments ang chemistry nila. Kumbaga, lumabas ang newest romantic-comedy tandem sa kanilang dalawa lalo na sa mga eksenang naglapat ang kanilang mga labi.

Kaya naman, solved na solved si direk Henares hindi lang  sa tatlong bida kundi maging sa supporting cast na sina Al Tantay, Nico Antonio, ketchup Eusebio, Ricci Chan, Jun Sabayton, at Tirso Cruz III in a special role.

Bahagi rin ng pelikula si direk Dan Villegas bilang Creative Producer. Mapapanood na ito sa Mayo 11.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *