may tatlong misis sa elevator ‘yung isa buntis…
Misis 1: Alam n’yo noong unang pagbubuntis ko ang napaglihian ko ay Reycard Duet kaya ang lumabas KAMBAL.
Misis 2: Ganon ba? Ako naman noong ipi-nagbubuntis ko rin ‘yung panganay ko pinaglihian ko naman ‘yung Apo Hiking Society kaya ang lumabas TRIPLET.
Napansin ni misis 1 ‘yung isang buntis na biglang sinapo ‘yung tiyan nya.
Misis 1: O, bakit anong nangyayari sa iyo kabuwanan mo na ba? Sumasakit na ba, ba-kit ka nanginginig?
Buntis: Kasi ang napaglihian ko naman ‘yung PHILIPPINE HARMONIC ORCHESTRA.
***
Paano humamon ng AWAY ang…
BULAG? Magpakita kayo mga duwag!
DULING? Isa-isa Lang! Para patas ang laban!
PILAY? Patay kung patay! Walang takbuhan!