NAGKA-MILD STROKE pala ang concert producer-actor na si Joed Serrano bago mag-New Year. Feeling niya that time ay parang nauurong ang dila niya kaya inunat daw niya.Kung hindi raw niya ito naagapan ayon sa doctor ay utal-utal siyang magsalita.
Nagpapa-general check up siya ngayon sa Medical City at maingat na rin siya sa mga kinakain niya dahil bawal. Delikado kasi ‘pag nasundan pa ito ng second stroke kaya nag-iingat siya.
Nag-alala nga siya dahil atake rin ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama-amahan sa showbiz na si Kuya Germs.
Sinabihan nga namin si Joed na bawasan ang stress lalo’t masakit pa naman sa ulo ang pagpo-prodyus ng mga concert.
Tuloy na ang prodyus niyang Valentine’s concert sa Smart Araneta (February 13 and 14) na comedy show ang handog niya. Ito’y pinamagatang Panahon Ng May Tama #Comikilig. Pangungunahan ito nina Boobsie at Chuchay (Gladys Guevarra), Papa Jack at Ate Gay.
Target nilang kuning guests sina Alden Richards at Yaya Dub pero wala pang kompirmasyon. Mabubusog tayo sa tawanan at kilig sa Araw Ng Mga Puso.
TALBOG – Roldan Castro